[27] - The Letter & The New Life

127 4 0
                                    

JOSH' LETTER TO HIS FRIENDS:


Sa mga oras na binabasa niyo ang sulat ko'ng 'to, siguro nasa malayo na ako at nagsisimula na ng panibago'ng buhay. Nagdesisyon ako'ng umalis na lang, hindi dahil sumusuko na 'ko sa pagkakaibigan nating lahat, pero dahil ayoko 'nang makasakit pa at ayoko na kayo'ng masaktan. Lalo'ng lalo na si Rhianne.

Sa mga nagdaang taon, palagi ko na lang kayo'ng nabibigyan ng dahilan para masaktan, pero dahil sa kabutihan niyo'ng lahat at dahil sa pagmamahal niyo, ni-minsan hindi kayo nagdalawa'ng isip na tanggapin ako ng paulit-ulit.

This time I want to do the right thing, and by doing the right thing I have to accept what happened in the past.

Some of you may be aware that I love Rhianne so much. I always have and I always will.

Ilang beses ko na siya'ng nasaktan, ilang beses ko na siya'ng napaiyak at nadamay kayo dun, pati kayo nasaktan ko't napaiyak. Kaya para maiiwas ko kayo sa sakit at luha, lalayo na ako at aalis, pero sana maalala niyo pa rin ako kahit sa simple'ng paraan, dahil mahal na mahal ko kayo'ng lahat. Higit pa sa tunay na magkakapatid ang samahan nating lahat, habang buhay ako'ng magpapasalamat sa mga kaibigan na tulad niyo. Wala'ng makakapantay sa pagkakaibigan na binuo nating lahat, kaya kahit sa'n pa ako makarating, nag-iisa lang kayo sa buhay ko.

Pasensya na nga pala kayo kung hindi ko kayo sinipot 'nung kasal ni Grace at Adrian, kinailangan ko'ng gawin 'yun para sanayin kayo na wala na 'ko.

Sa pag-alis ko, sana maging tahimik na ang mga buhay niyo at sana mas maging masaya pa kayo. Wala naman ako'ng iba'ng hangad kung hindi ang makita kayo'ng masaya.

Ayoko na ng iyakan, ayoko na ng dramahan, basta lagi niyo lang tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Sana balang araw mapatawad niyo 'ko sa lahat ng nagawa ko'ng kasalanan sa inyo. Mag-iingat kayo lagi ha? Hindi ko man kayo makakasama ng matagal, mananatili naman kayo'ng lahat sa puso ko.

Patawarin niyo ko. Mahal na mahal ko kayo.

Love,

Josh


🌻🌻🌻


Sa pag-alis ni Josh sa Pilipinas, naiwang nagtatanong si Rhianne kung bakit hindi nagawa'ng ipaglaban ni Josh ang pagmamahal nito para sa kanya. Naiwang nagtatanong ang buong barkada kung bakit nga ba nagdesisyon na lang si Josh na umalis at talikuran sila. Lahat sila ay labis na nasaktan sa nangyari, dahilan para magdesisyon na lamang sila'ng ituloy ang kanilang buhay dahil 'yun naman ang ginawa ni Josh sa iba'ng bansa at 'yun ang gusto nito'ng mangyari.


Nagdesisyon ang barkada na magsimula ng panibago'ng buhay, na kahit hindi naging maganda ang pag-alis ni Josh, tinanggap na lamang nila ito at kinalimutan.


Hindi na muli'ng nagparamdam pa si Josh sa isa sa kanila o sa kahit na sino sa kanila, kaya inisip ng barkada na makakabuti kung kalimutan na lang din nila ang nangyari at magsimula ng panibago'ng kabanata.


Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan na nga'ng nagbukas ng damdamin si Angelo kay Rhianne, hindi naman nagdalawa'ng isip si Rhianne at binigyan ng pagkakataon ang binata para umakyat ng ligaw at iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito sa kanya. Sinuportahan ito ng buo'ng barkada dahil wala naman sila'ng nakikita'ng masama rito.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now