[56] - Better Days Are Coming

89 2 0
                                    

JOSH's POV

The celebration dinner went well and fun. 

Maraming pagkain na niluto si Carl at tinanong niya pa kami isa-isa kung ano ang kine-crave naming kainin para mailuto niya. Mukhang ginanahan magluto si Carl kaya ganon na lang kadami ang niluto niya. 

Hindi naman nawala dun ang pag-inom. 

Anyway, what's a celebration without alcohol? Right? 

Isang bote palang ng alak ang nabubuksan namin kaya naman matino pa ang usapan at kwentuhan naming magkakaibigan. 

"Grabe 'no? Kailangan pa talagang may mamatay para lang matigil 'yang kabaliwan ni Tish." 

It was the first time that someone opened up about that topic. 

Akala ko nga 'yun agad ang pag-uusapan namin ngayong gabi pero nagkamali ako. Walang sinoman sa'min ang nagbukas ng topic na 'yun, hanggang sa maglakas loob si Dennise na buksan ang usapan tungkol dun. 

"Sana noon palang natanggap na niya 'yung totoo 'no?" dagdag ni Hannah, "E di sana wala 'nang buhay ang nawala." 

"Isipin na lang natin na hindi lahat ng tao ay kagaya natin." napatingin kami'ng lahat kay Adrian, "Hindi lahat katulad natin na malawak ang pang-unawa at pang-intindi sa mga bagay-bagay. Isa pa, inamin naman ni Tish na kaya niya nagawa 'yung mga nagawa niya dahil sa labis na pagmamahal." 

"Pagmamahal na hindi na naman nakakabuti para sa kanya." dugtong ni Grace sa sinabi ng asawa. 

"Hay!" Hannah sighed, "Sayang 'no? Sayang 'di na tayo kompleto. Sayang wala si Angelo dito."

Angelo has always been part of our circle. He may not be our friend right from the start, he became one of us.

When Angelo's name came up, my eyes went to Rhianne. I saw her smile.

That smile.

How I miss seeing her smile like that.

"He'll always be part of us. He's always in our hearts and that's where and how we'll remember him." Rhianne said to us.

Dennise agreed, "Anyway, lagi naman siyang nakabantay sa'tin for sure." sambit niya, "Ikaw, Josh?" her eyes went to me, "Tuloy na ba ang pag-alis mo?"

"Oo nga." Carl said.

I know that they'll ask me about it tonight. After this day, sisimulan ko 'nang ayusin 'yung pag-alis namin. A part of me wants to stay but there is also a part of me who wants to go. Lalo na at alam kong makakabuti naman 'to sa pamilya ko. Isa pa, we all need a fresh start.

"'Wag ka na magdalawang isip." sabi sa'kin ni James dahil natagalan ako sumagot, "Oo, malungkot na may kailangan na namang umalis sa'tin at kailangan na naman nating magkahiwa-hiwalay pansamantala pero pamilya 'yan e. 'Yun naman ang motto natin noon pa, diba? Pamilya muna."

That's when I realized that I won't be around at his wedding with Hannah.

"I'm sorry if I won't be around on your wedding day James, Hannah." sambit ko.

James tapped my shoulder and Hannah smiled at me.

"Naiintindihan namin Josh." Hannah said then she and James exchanged glances, "Alam naman namin para rin 'yan sa pamilya mo. Syempre ngayon na wala na si Tito Donald, ikaw na ang padre de pamilya. Ikaw na ang kailangan mag-alaga at umintindi sa Mama mo at kay Zia."

"Siya nga naman Josh.." sabi ni Carl at napatingin ako sa kanya, "...may obligasyon at responsibilidad ka na kailangang punan." 

"Just in case, lagi mo'ng tatandaan na may pamilya kang babalikan dito kahit ano mangyari." Adrian tapped my shoulder. 

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon