Chapter 2

18.9K 616 23
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Inirapan ko siya saka na ako nagpatuloy sa pag-akyat ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay bumaba siya para salubungin ako saka na niya kinuha sa kamay ko ang maleta na ibinigay ko naman.

"Bubuhatin din pala kung anu-ano pa ang sinasabi." naiinis na bulong ko.

Hindi naman iyon pinansin ni Ralf. Nagpatuloy siya sa pagpanhik habang bitbit ang maleta ko. Ako naman ay sumunod na sa kanya sa itaas.

Pagdating namin sa itaas ay iniikot ni Ralf ang mga mata sa dalawang pasilyo na naiilawan lamang ng malamlam na bombilya.

Kumanan siya matapos niyang sulyapan ang numero sa susi na hawak niya. Sa dulo ng pasilyo ay naroon ang silid. Ibinaba niya ang maleta at ipinasok sa susian ang susi.

"Get inside." utos niya nang tuluyan nang nagbukas ang pintuan.

"No!" matigas na sagot ko. "I wouldn't share a room with you!"

Isang naiiritang paghinga ang pinakawalan ni Ralf bago niya ako sinagot. "Did you think I had that in mind?" nasa tinig niya ang panunuya sabay hagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik ulit.

"Kilala kita Rafael. Kahit lalaking-lalaki ka ay hindi ka mapagkakatiwalaan pagdating sa bagay na iyan." matigas na sabi ko.

"You're a sex maniac na kahit ang mga katulad ko ay hindi mo pagdadalawang isipan na pagsamantalahan basta sinumpong ka ng sakit mo." dagdag ko pa.

Hindi siya nakakibo dahil alam niya kung ano ang sinasabi ko. Sumulyap pa siya sa katawan ko hanggang sa dumako ang mga mata niya sa medyo matambok na mga dibdib ko.

Medyo malusog kasi ako pero hindi ako mataba dahil may regular exercise at diet ako. Kaya medyo matambok ang mga dibdib ko.

Gusto ko siyang sampalin dahil sa malisyang nasa mga mata niya na sinadya niyang ipakita sa akin.

Sa pakiramdam ko ay nakahubad ako dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa katawan ko. Napasulyap pa ako sa dibdib ko at nakita ko na nakabakat iyon sa suot kong tshirt dahil nabasa ako sa ulan kanina.

"Pagdating sa akin ay napakaselan mo. For all I know, ilang lalaki na rin ang naka-" hindi na niya natapos pa ang sinasabi niya dahil malakas na dumapo ang palad ko sa kaliwang pisngi niya na lumikha pa ng malakas na tunog.

Ilang sandaling maigting na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakita ko pa ang paggalaw ng muscles niya sa mukha dahil sa lakas ng impact ng pagsampal ko sa kanya.

Nakita ko ang galit at pagkainis sa gwapo niyang mukha bago siya tumingin sa akin gamit ang naniningkit niyang mga mata.

"Don't do that again or you'll be sorry." aniya. Nasa tinig niya ang pagbabanta kasabay ng paggalawan ng mga muscles niya sa mukha.

Pinaikot pa niya ang dila niya sa loob ng bibig niya saka niya hinaplos ang pisngi niya na nasampal ko.

Wala akong maisagot sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya na tila natutulala. Nagulat din ako sa ginawa ko.

Hindi ako bayolenteng tao. At ang nakapagtataka ay kung bakit sa muli naming pagkikita ni Ralf makalipas ang ilang taon ay agad niyang napukaw ang galit ko sa kanya. Katulad din noon.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lamang niluwagan ni Ralf ang pagkakabukas ng pinto. Natatakot ako na baka saktan din niya ako.

"Hindi kita sasaktan kung iyan ang naiisip mo ngayon." sabi niya sa mahinahon nang tinig.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now