Chapter 36

9K 431 30
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Mabilis lang ang naging paghalik niya sa akin ngunit hindi pa rin nawawala sa mga mata niya ang matinding pagnanasa.

Naalarma ako nang magsimula nang maglakbay sa balat ko ang mga labi ni Rafael.

Hinalikan niya ako sa ilong. Sumunod ay lumapat ang mga labi niya sa kaliwang pisngi ko.

Napapikit ako. Pagkatapos ay hindi ko namamalayan na napadiin ang pagkakahawak ng mga palad ko sa maskulado niyang mga braso.

Walang protesta na kumakawala sa bibig ko. I was just here in his arms pliant.

Narinig ko ang pagsara ng pinto kasabay ng pag-akay niya sa akin papasok ng tuluyan sa loob ng kanyang silid.

Sana'y sapat na ang pagkalabog ng pintuan upang manumbalik ang katinuan ng isip ko. Pero nakaliliyo ang ginagawa sa akin ni Rafael.

Muli ay naramdaman ko ang pag-angkin niya sa mga labi ko kasabay ng pagsandal niya sa akin sa likod ng pinto.

Idiniin niya sa akin ang harapan niya. Muntik pa akong mapasinghap ngunit hindi niya pinapakawalan ang mga labi ko.

Naramdaman ko ang malaki at matigas na bagay na kumikiskis sa mga hita ko.

Halos mabaliw ako sa tindi ng mga nangyayari. Hindi ko na rin inaksaya pa ang pagkakataon ko.

Sinimulan ko nang tugunin ang mga halik niya habang ang mga kamay ko ay kusang yumakap sa maskulado niyang katawan.

Mainit, marubdob, malalim at mapaghanap na mga halik ang iginawad niya sa akin na buong puso ko namang tinugon.

Sa bawat paggalaw ng mga labi niya ay siyang paghabol ng sa akin.

Sa kabila ng brusko at matigas na anyo ni Rafael ay napakalambot ng mga labi niya na napakasarap halikan.

Para akong idinuduyan sa sari-saring emosyon at damdamin na binubuhay niya sa katawan ko.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib niya at wala sa sarili na hinaplos ko iyon. Tinamaan ko ang maselan na parte na ikinaungol niya dahilan upang kumalas siya mula sa kanyang mga halik.

Kapwa kami hinihingal habang masuyo na magkahinang ang mga mata namin.

"Just like the old times. Para kang drugs na sumisira sa buong sistema ko. Pati ang isip ko ay naaapektuhan na rin ng mga halik mo." bulong niya.

Bumaba ang mga tingin ko sa dibdib niya. Hindi nakaligtas sa akin ang mapupula at nakatayong mga nipples ni Rafael.

Nilaro ko iyon gamit ang daliri ko. Napapikit siya saka siya napamura na lalong nagpatindi ng nararamdaman ko sa kanya.

"Shit!" he cursed kasunod ng malalalim niyang paghinga habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kamay at daliri ko sa hubad niyang katawan.

"Kiss me!" pakiusap ko sa kanya sa napapaos ko nang tinig.

Hindi naman ako nagdalawang salita. Bigla ay na inangkin na muli ng mga labi niya ang naghihintay ko nang mga labi.

Marahan, masuyo at walang pagmamadali.

Kumalas siya sa mga halik saka niya ako dinampian ng isa pang pahabol na halik sa mga labi ko.

Ilang sandali kaming nagtitigan at nakita ko ang pagsilay ng payak na ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan niya ang namamasa ko nang mga labi.

Napalunok ako nang mapadako ang tingin ko sa bakabuka niyang mga labi.

Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya saka ko siya binigyan ng isang mabilis at masuyong halik.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now