Chapter 5

14.3K 491 3
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Alas dos na ng madaling araw ngunit nananatili pa rin akong gising. Hindi pa rin nagbabago ang panahon sa labas at duda ako kung titigil ba ang napakalakas na ulan na ito bukas ng umaga.

Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko saka ako bumaligtad ng pwesto sa pagkakahiga ko sa kama.

Nakatanaw na ako ngayon sa labas ng bintana at wala akong ibang nakikita kundi malalakas na bagsak ng ulan at hamog sa buong paligid.

Muli ay nagsimula na namang bumalik ang realidad sa akin. Ang dahilan kung bakit ako uuwi ngayon sa lugar na ito.

Kung saan ako lumaki. Kung saan ako nagkaisip at kung saan ko pinangarap noon na buoin ang pamilya ko na winasak ni Rafael.

Nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Banayad akong suminghot at sinikap ko na pigilan ang mga luha na gustong dumaloy sa mga mata ko.

Pero pinanlalabo ng mga iyon ang paningin ko kaya kumurap ako at hinayaan ko nang tumulo ang mga iyon.

Mag-isa lamang ako sa loob ng silid na ito at malaya kong mailalabas ang lahat ng bigat na nadarama ko sa dibdib ko.

"You're so unfair, Papa." anas ko sa nagsisikip na kalooban saka na ako tuluyang napahagulhol.

Nakikipagsabayan ang mga luha ko sa malakas na ulan sa labas ng hotel.

Hinayaan kong lumabas ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko sa dibdib ko sa nakalipas na limang taon.

Mga emosyong sinarili ko sa kagustuhan ko na ipakita sa lahat na hindi ako ang talunan.

Nagsilabasan ang mga luha na pinipigilan ko mula pa kahapon nang malaman ko ang nangyari sa sarili kong ama.

Napapikit ako dala na rin ng pagod sa biyahe ay nagsisimula na akong makadama ng pamimigat ng mga mata ngunit nagawa pa ring sumingit ng isang maliit na alaala sa utak ko.

"Are you alright, Jasper?" banayad na sabi ni Lola Corazon sa nag-aalalang tinig.

Tanging si Lola lamang ang tumatawag sa akin sa pangalan na Jasper dahil ang lahat ay nasanay na sa tawag sa akin ng mga magulang ko na Ivan.

Pinagulong niya ang wheelchair niya saka niya ako nilapitan habang nakatanga ako sa loob ng silid ko at hindi ko malaman kung nag-eempake ba talaga ako o nakatanga lang.

"I'm f-fine, Lola." sagot ko sa gumagaralgal na tinig.

Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya at nagpatuloy na ako sa paglalagay ng mga damit ko sa loob ng maleta.

"It's just t-that..." tumingala ako upang pigilan ang mga luha ko. "...hanggang sa huling sandali ay... hindi ako naging mahalaga sa kanya." dagdag ko pa sa nababasag na tinig.

Kinabig ako ni Lola saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Jasper, hijo. Nagkakamali ka sa iniisip mo. Mahal ka ng papa mo. Mahal na mahal." aniya sa naghihirap na loob.

Hindi ako sumagot. Masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng pag-iyak ko. Hinayaan ko na lamang si Lola na yakapain at ikonsola ako.

"Sana ay kaya ko pang magbiyahe." sambit niya. "Kaya lang ay laging umaatake ang arthritis ko at malamig sa asyenda." dagdag pa niya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya saka ko hinawakan ang mga kamay niya bago ako nag-angat ng tingin at sinalubong ang nag-aalalang mga titig niya.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now