Chapter 32

8.5K 378 74
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Sa buong maghapon na pananatili ko sa Villa Aurelia ay hindi ko nakita kahit man lang ang anino ni Ralf.

Tanghali na nang iwanan ako ni Jako. Hindi ko man lang siya naasikaso ng maayos dahil mula nang magising si Ryle ay hindi na ito umalis sa tabi ko at pilit na nagpapalambing.

Kahit hindi nagsabi si Jako ay naramdaman ko ang pagkainis niya kanina dahil hindi na halos kami makapag-usap ng maayos dahil kay Ryle.

Sa tuwing sinasaway ni Nana Sita ang bata ay umiiyak lalo ito dahil sa maling pamamaraan.

Hinahanap ng bata si Rafael. Hindi rin ito nagbilin kung kailan siya uuwi dito sa San Isidro.

Marahil ay wala na siyang mukha pa na maihaharap sa akin dahil bistado ko na ang sikreto niya. Sikreto nilang dalawa ni Mama na inakala niya na walang nakakaalam sa nakalipas na mga taon.

Ngunit nasaan na nga ba ang lalaking iyon? Bakit basta na lang niya iniiwanan nang ganito ang anak niya? Ako tuloy ang naaawa dito sa bata.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan sa akin ni Ryle at mula pa kahapon ay ayaw na niyang humiwalay pa.

Nabasa yata ni Nana Sita ang nasa isip ko at sa pagalit na tono ay pinagsabihan niya ako.

"Masyado mong ini-spoil si Ryle kaya nagiging matigas na rin ang ulo niya kagaya mo. Hindi iyan dating ganyan. Dahil pinalaki siya ni Rafael nang maayos at may paggalang."

Hindi ko alam ngunit sa pagkakataong ito ay nakakadama na ako ng kaunting pagkairita sa dating yaya ko.

Close kami ni Nana Sita. Noong maliit pa ako at kahit noong nagbibinata na ako. Ngunit nagsimula iyong magbago mula nang bumalik dito sa hacienda si Rafael five years ago.

Napasulyap ako sa kanya. Matapang naman niyang sinalubong ang mga tingin ko. Ilang sandali pa ay binalingan ko si Ryle.

"Sandali lang Ryle may pag-uusapan lang kami ni Nana Sita." paalam ko sa bata na nakangiti namang tumango habang naglalaro.

"Huwag kang malikot. Huwag ka rin aalis dito. Sandali lang kami." sabi ko.

Tumango naman siya saka siya nagpatuloy sa paglalaro.

Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ako humarap kay Nana Sita.

"Sumunod kayo sa akin, Nana." maawtoridad na sabi ko sa kanya saka ako nagpatiunang naglakad patungo sa may portico. Sumunod naman kaagad siya.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago niya ako matapang na inabala sa pag-iisip ko.

"Maaari ka nang magsalita." aniya sa malamig na tinig na ikinainis ko na ngunit sinikap ko pa ring pigilan ang sarili ko.

Binalingan ko siya saka ko sinalubong ang mga mata niya.

"Hindi ko kayo nais na bastusin dahil kahit papaano ay kayo pa rin ang nag-alaga sa akin noong maliit pa ako. Bilang paggalang na rin kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga parinig ninyo sa akin."

"Pero sa mga lumipas na mga araw ay para bang sobrang nakakainsulto na ang mga salitang lumalabas sa bibig ninyo." patuloy ko.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung naiinsulto ka ay wala akong magagawa." paismid na sagot niya.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ako frustrated na sumulyap sa kanya. Bahagya akong napailing. Bakit tila yata tumatanda nang paatras si Nana Sita?

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now