Chapter 29

8.3K 393 74
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

Dahil may mga isinangguni pa sa akin si Rita tungkol sa mga deal na hindi niya maintindihan ay inabot na ako ng tanghalian sa opisina.

Nagdecide kami na kumain muna sa labas bago ako magpahatid sa driver ni Lola.

Matapos ang tanghalian ay bumalik na kami ni Rita sa office. Nagsalubong ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyan ni Ralf sa tapat.

Mabilis na iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit hindi ko na makita ang sasakyan ni Lola.

Lumapit kami sa sasakyan at doon ay napansin kami ni Ralf saka siya lumabas.

"Bakit ka nandito?" malamig na tanong ko sa kanya.

"Ngayon ang uwi natin sa San Isidro diba?" sagot niya.

Hinahanap pa rin ng mga mata ko ang sasakyan ni Lola at napansin iyon ni Ralf.

"Pinauwi ko na si Teroy. Nagbilin si Lola na salubungin ka na dito dahil inabot ka na ng pananghalian." aniya.

Tumikhim si Rita at sabay kaming napasulyap ni Ralf sa kanya.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa gwapong kausap mo?" nakangiting sabi niya sa akin saka niya tinaas-baba ang mga kilay niya.

Hay. Buwisit talaga ang babaeng ito. Wala na akong nagawa pa kundi ipakilala sila sa isa't-isa. Out of politeness.

"Nice to meet you, Rafael," sabi ni Rita nang kamayan siya ng hudyong lalaki.

Tinitigan mabuti ni Rita si Ralf with a friendly smile on her lips.

"You are exactly what Ivan told me about." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ako pinansin ng walanghiyang babae na to.

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng bibig ni Ralf dahil sa tipid na ngiti. "Really?" sabi niya.

Nakangiti namang tumango si Rita.

"Then it must be to my disadvantage dahil hindi magsasabi ng mga magagandang bagay si Ivan tungkol sa akin, Rita."

"Then you don't really know my friend, Rafael." makahulugang sagot ni Rita na sinamahan niya ng ngiti saka siya sumulyap sa akin.

Dahil sa mga pinagsasasabi ni Rita ay umusok ang ilong ko sa inis at pagkapahiya. Bruha talaga ang babaeng ito. Balak pa yata niya kaming i-matchmake ni Ralf.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Ralf saka ko siya binalingan. "Let's go," sabi ko saka ako padabog na sumakay doon.

Itinaas ni Rafael ang dalawang kamay niya, in mock frustration.

"Huwag mong intindihin si Ivan, Rafael. He's a nice guy despite the thorns..." sabi ni Rita.

Inirapan ko siya na nginitian lang niya.

"Then I'll have to find that out." makahulugang sagot naman ng hudyong lalaki bago siya nagpaalam sa kaibigan ko.

Humanda talaga sa akin ang babaeng ito pagbalik ko.

"Bye, Ivan. Enjoy the ride." nakangising paalam ni Rita sa akin. Itinaas ko naman ang kamao ko bilang warning sa kanya na tinawanan lang din ng walanghiya pagkatapos ay kumaway na siya sa akin saka na siya nakangiting naglakad papasok sa loob.

Nagsimula nang magdrive si Ralf. Itinanong ko ang mga gamit ko sa kanya uoang mailihis ang isip niya.

Sinagot naman niya ako. Dinala na raw niya iyon at nasa likod na ng sasakyan niya. Sinulyapan ko ang likod at nakita ko nga ang bag ko.

Beloved Bastard (Completed) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum