Chapter 39

8.3K 387 39
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

"Hindi ko na nagisnan si Rafael. Natitiyak ko na bumalik na siya sa hacienda kaninang madaling araw." sabi ni Lola saka niya nilingon ang loob ng silid. Pagkatapos ay bumalik sa akin ang kanyang tingin. "I saw blood spots on the cover, Ivan,"

Parang gusto ko nang matunaw dahil sa mga sinabi ni Lola. May palagay ako na tinakasan na ng lahat ng dugo ang buong mukha ko.

"K-kung ano man ang... iniisip n-ninyo'y-"

"Ano ba ang maaari kong isipin?" agap niya sa sinasabi ko habang nakatitig pa rin siya sa akin. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya. Then she said wearily:

"Nalilito ako sa mga nangyayari. Bagaman matagal na kayong magkakilala ni Jako ay alam ko na matagal mo nang pinutol ang relasyon mo sa kanya at nanatili kayong magkaibigan. Nakabibiglang malaman na nagsasabi kayo na magpapakasal kayo."

Malungkot akong pinagmasdan ni Lola at sa tingin ko ay para siyang tumanda lalo dahil sa anyo niya ngayon.

"Ngayong umaga ay dinatnan ko na ganyan ang silid ni Rafael. May bahid ng dugo ang mga kumot, ikaw ay pagod at puyat at mugto ang mga mata. Wala si Rafael."

"L-Lola..." muli ay wala na naman akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Kahit ako ay nalilito na rin talaga sa mga nangyayari. Lalo na sa mga ikinikilos ko sa nagdaang mga araw.

"I would have thought that he must have... raped you. Dahil sa matagal na panahon na magkakilala kayo ay palagi ka na lamang nasusuklam sa kanya," buong kapaitan niyang sabi na ikinagulat ko.

"Pero nangyari ang lahat dito mismo sa silid ni Rafael. Kahit paano'y nangangahulugan na ikaw ang nagpunta dito. Ganoon nga ba ang nangyari, Ivan?"

Napaiyak na ako sa bahaging iyon. Hindi ko matanggap na sa mga nangyari ay ako nga talaga ang lumalabas na may kasalanan ng lahat.

Sana pala ay hinayaan ko na lamang na nakabukas ang silid ni Rafael kagabi. Sana ay hindi na lamang ako nagtungo doon. At sana ay hindi ako nagpatangay sa damdamin ko at ako pa mismo ang nagbigay ng permiso kay Ralf upang galawin ako.

Mabilis akong tumakbo patungo sa silid ko. Hindi ko kayang harapin si Lola dahil sa mga nalaman niya ngunit sumunod pa rin siya sa akin doon.

"He didn't raped you, did he?" tanong niya sa nagmamadaling tinig. Tila ba may mangyayaring hindi maganda kapag hindi ko sinagot ang tanong niya. Nahihimigan ko kay Lola ang pagpapanic niya at ang pag-aalala dahil sa nalaman niyang nangyari kagabi.

"He didn't drag you inside at ginawa sayo ang anumang nais niyang gawin? Sagutin mo ako, Ivan! Pinuwersa ka ba ni Rafael?" may bahagyang galit akong nahihimigan sa tinig niya.

Hindi ko siya kayang sagutin. Hindi ko na kaya pa ang patuloy na kahihiyan dahil sa mga maling desisyon ko.

Ilang sandali niya akong hinintay na sumagot ngunit walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko.

Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob ko sa unan. Nakita ko ang concern at pag-aalala sa mga mata niya.

"Five years ago ay sinabi sa akin ni Rafael ang nagawa niyang kasalanan sayo, Ivan." wika ni Lola nang wala talaga siyang makuhang sagot mula sa akin. "Sinabi niya sa akin na muntikan ka na niyang magahasa noon sa loob mismo ng silid mo."

Nanlaki ang mga mata ko saka ako mabilis na napabangon mula sa kama. Hinarap ko si Lola. Hindi ako makapaniwala na sinabi sa kanya iyon ni Rafael.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now