Chapter 30 (Season Finale)

8.2K 367 99
                                    

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Manila

Tahimik akong lumalagok ng beer sa sala nang lapitan ako ni Lola Corazon. Tumayo siya sa tabi ko saka niya ako pinagmasdan nang may kalungkutan.

Tiningala ko naman siya saka ko siya nginitian ngunit hinawakan lang niya ang balikat ko saka niya iyon bahagyang hinaplos bilang tanda ng pagkonsola.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ako malungkot na tumingala sa kanya. Kanina ay nabanggit ko na sa kanya ang nangyari sa amin ni Ivan habang pauwi na sana kami sa San Isidro.

"Dahil sa kagustuhan mo na protektahan ang damdamin ni Ivan ay ang damdamin mo naman ang nahihirapan, Apo. Bakit hindi mo na lang ipagtapat sa kanya ang totoo? Masasaktan siya pero makakalaya ka na sa masakit na katotohanan mula sa nakaraan mo." puno ng simpatya na sabi niya.

Mabilis akong umiling saka ako frustrated na tumingin sa mga mata niya. Matanda na si Lola Corazon.
Maliban sa kanya at sa anak kong si Ryle ay wala nang iba pang matitira sa akin kundi si Ivan.

"Mahal ko si Ivan, Lola. Sa sandaling malaman niya ang totoo ay natatakot ako na baka lumayo na siya. Hindi ko na kaya pang malayo ulit sa kanya. Ilang taon na rin akong nagtiis. Kaya gagamitin ko ang lahat ng magagamit kong paraan upang hindi na siya mawala pa sa buhay ko."

Malungkot na tumitig sa akin si Lola. "Hindi kaya nagiging makasarili ka na sa ginagawa mong iyan? May sariling pag-iisip si Ivan. Hindi tamang kontrolin mo ang buhay niya. May karapatan siya na malaman ang totoo. Kung hindi mo kaya ay ako ang magsasabi sa kanya. "

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. "Please, let me handle all of this. Nakikiusap ako sayo. Hayaan mo na makakuha ako ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kaya na mawala sa buhay ko si Ivan. Baka tuluyan na akong bibigay kapag nangyari pa iyon. Nawala na lahat sa akin. Kahit ang mga natitirang bagay na mayroon ako ay isusuko ko para sa kanya."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lola bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"Hindi mawawala sa atin si Ivan, apo. Tayo ang pamilya niya. Kaya sa atin pa rin siya mananatili kahit pa malaman niya ang buong katotohanan."

"Paano kung hindi? Paano kung mas lalo nang lumayo ang loob niya sa atin?" tanong ko nang may pag-aalala.

"Magtiwala ka. Hindi mangyayari ang ipinangangamba mo. Matalinong bata si Ivan. Sigurado ako na maiintindihan niya ang lahat. Maaaring masaktan siya sa simula ngunit alam ko na darating siya sa punto na matatanggap niya ang lahat."

Hinaplos ni Lola ang buhok ko saka siya nagpatuloy habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Kung ako lang sana ang masusunod ay ninanais ko na noon pa na ipaalam sa kanya ang totoo. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil na rin sa pakiusap ninyo ni Lyndon."

"Pareho kayong nakakulong ni Ivan sa kinalalawang nang rehas ng nakaraan. Kung tutuusin ay matagal na dapat kayong nakawala doon kung nakinig lang kayo ni Lyndon sa akin."

"Dumating na ang araw na ikinakatakot ko. Dahil sa pagsisikap nina Aurelia at Lyndon noon na pangalagaan ang batang damdamin ni Ivan ay hindi na nila nasabi man lang ang totoo hanggang sa pareho na silang nawala."

"Hindi pa nagtapos sa kamatayan ni Lyndon ang lahat. Narito ka ngayon sa harapan ko. Sinisikap na ipagpatuloy ang baluktot na pananaw nila."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Muli ay para siyang nawalan ng lakas na napaupo sa kabilang upuan. Puno ng lungkot ang mga mata habang nakatitig sa akin.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now