Chapter 10

10.1K 458 55
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia Bridge

"P-papaano tayo tatawid diyan? Tingnan mo nga yang troso. Humarang lang iyan sa pundasyon ng tulay kaya hindi tuluyang inanod ng tubig." sabi ko.

"Iyan mismong troso na yan ang kakapitan natin para makatawid tayo sa kabilang dulo." sabi niya saka niya hinagod ng tingin ang suot ko.

Maiksing blue above the knee shorts lang ang suot ko. Simpleng plain navy white shirt at rubber shoes. Malapit na rin naman kami sa hacienda kaya iyon na ang pinili ko na suotin. Isa pa ay maulan pa rin ang panahon.

"Nagputi ka pa talaga ah." sabi niya kasabay ng pagtitig niya sa may puwetan ko.

Bastos!

Nakita ko sa mga mata niya ang pagsang-ayon niya sa suot ko pagkatapos ay naglakad siya patungo sa sasakyan.

Kinuha niya ang bag ko at iniwanan na ang maleta sa loob. Ni-lock niya ang sasakyan saka na siya naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.

"Let's go!" sabi niya sa akin saka niya iniabot sa akin ang maliit na bag ko.

"Tiyak na nag-aalala na sa atin si Nana Sita." dugtong pa niya.

Para naman akong itinulos sa pagkakatayo. Nanlalaki angvmga mata ko habang nakatitig ako sa malakas na agos ng tubig sa ibabaw ng tulay.

Sa tulay na ito binawian ng buhay si Mama five years ago. Bumabagyo rin noon at galing sila sa kabisera kasama ng driver ng pamilya.

Pilit nilang tinawid ang tulay na ito gamit ang bagong four-wheel drive pickup na kakabili lang ni Papa noon.

Kumpiyansa si Papa na kaya ng bagong sasakyan niya ang tumawid sa tulay dahil hindi pa naman gaanong mataas ang tubig.

Tinawid nila ng walang pag-aalinlangan ang tulay subalit hindi nila inasahan ang mga putol na puno at troso na inaanod ng malakas na agos. Humampas ang isang malaking sanga ng puno sa four-wheel drive at sapat na iyon upang makalikha ng trahedya.

Buhay si Papa subalit kasamang nasawi ni Mama ang driver ng pamilya namin.

Hawak na raw ni Papa si Mama noon ngunit isang malaking kaputol na kahoy ang bumangga sa ulo ni Mama.

Nakabitaw si Mama sa pagkakakapit niya kay Papa saka siya lumubog sa tubig.

Sinubukan pa siyang sisirin ni Papa pero dahil sa paglakas ng agos ay hindi na niya ito nahabol pa.

Mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang inaanod na kahoy at nakaahon siya nang mapadako siya sa may mababaw na parte ng ilog.

"Ivan," untag ni Ralf sa akin. Bahagya pa akong napapitlag.

Hinawakan niya ako sa braso. "Halika na." sabi niya kasabay ng pag-akay niya sa akin pero hindi ako nagpahila sa kanya.

"A-ayoko." matigas na sabi ko. May bahid na ng histerya ang tinig ko. "A-ayokong tumawid diyan. Baka... Baka... Oh!" nanghihinang sabi ko saka na ako naiyak.

Hindi ko talaga kayang tawirin ang tulay na ito. Nakikita ko pa lang kung ano ang tatawirin namin ay parang gusto ko nang panghinaan ng loob.

Ngayon lang ako muling nagkaganito sa harapan mismo ni Rafael. Una ay noong mahuli niya ako na ginugupit ang sumbrero niya.

Hindi rin ako makaapuhap ng sasabihin ko noon at nakakadama ako ng matinding takot at kaba. Ganoon din ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"Please, R-ralf," garalgal kong pakiusap.

Beloved Bastard (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon