Chapter 13

9.7K 387 18
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Six Years Ago

2013

Matapos ang biglaang pag-alis noon ni Rafael sa Hacienda Aurelia ay matulin na lumipas ang mga taon.

I was almost seventeen at nakatakda na akong magkolehiyo.

Katulad noong una ay bakasyon muli nang muling magtagpo ang mga landas namin ni Rafael Certeza.

"Ano ang nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ko kay Jako nang bigla na lamang huminto ang owner-jeep na minamaneho niya.

Sa mga panahong iyon ay boyfriend ko na siya at tanggap na rin ng mga magulang ko ang totoong pagkatao ko.

Hindi rin naman nila kami pinigilan sa relasyon namin at dahil doon ay masasabi ko na tuluyan ko na talagang naibalik sa dati ang samahan namin bilang pamilya.

Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan na ring nawala sa isipan ko si Rafael at hindi na rin ako nakakadama ng galit sa dibdib ko.

Si Jako ay matanda sa akin ng isang taon at madalas talaga siya sa hacienda kaya panatag ang loob ng mga magulang ko na siya ang naging boyfriend ko.

Bumaba si Jako sa sasakyan saka niya binuksan ang hood ng jeep. Wala akong interes sa pagbutingting ng mga sasakyan dahil ang gusto ko lang ay gumagamit.

Hinayaan ko si Jako na gawin ang ginagawa niya.

"Ewan ko ba. Wala pa naman akong alam sa makina." sagot niya sa magkahalong iritasyon at pagkapahiya sa tinig niya.

Umikot ang mga mata ko. This is our official first date outside the hacienda.  Mula nang sagutin ko ang panliligaw niya ay ngayon pa lang kami magtutungo sa bayan nang magkasama.

Madalas kaming magsama sa school pero ibang bagay pa rin kapag sa labas ng paaralan kami magde-date.

May isang kilalang fast-food chain na binuksan sa bayan noong nakaraang linggo. Balak akong itreat ni Jako doon.

"Sana pinatingnan mo muna sa Papa mo ang jeep bago mo ginamit." sabi ko saka na rin ako bumaba ng sasakyan.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya at sa nakikita ko ay parang hindi naman siya sigurado sa mga pinagbubu- butingting niya doon.

"Paano iyan kapag hindi na umandar?  Malayo na tayo sa amin." sambit ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya at tila napapahiya na sumulyap sa akin. Pinunasan pa niya ang pawis sa mukha niya at sa kabila ng iritasyon ay napangiti pa ako nang makita kong nagkaroon siya ng grasa sa pisngi.

Gwapo si Jako. Maputi, matangkad at may pares ng mga mapupungay na mga mata na nagustuhan ko sa kanya.
Bukod pa sa maganda ang pangangatawan niya bagay na pinanghihinayangan nang husto ng halos lahat ng kababaihan sa school dahil sa akin lang siya bumagsak.

Well, may magagawa ba ako kung ako ang nagustuhan ng lalaking ito?

"Wala tayong pagpipilian kundi ang maglakad na lang pabalik." hopeless niyang sagot.

Ginalaw niya angbkung anu-ano sa loob at napahiyaw pa siya nang mapaso siya bigla sa mainit pang makina ng sasakyan.

Pasimangot akong nagbuntong- hininga saka ko pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko.

"Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang may balat. This is so frustrating. Isipin mo na lang, hindi na nga tayo natuloy sa pagpunta natin sa bayan ay paglalakarin mo pa ako pauwi." litanya ko sa kanya.

Beloved Bastard (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon