Chapter 15 (Season Finale)

9.8K 370 17
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Galing ako sa party ng isa sa mga kaklase ko na taga bayan at ginabi na ako sa pag-uwi. Mabuti na lamang at inihatid ako ni Jako.

Hindi na rin siya nagtagal dahil malalim na ang gabi at pinapauwi na siya ng mga magulang niya.

Gusto ko na rin naman magpahinga kaya pagkababa ko sa sasakyan ay kaagad na akong nagpaalam sa kanya.

Hinintay ko pa ang pag-alis ng sasakyan niya bago ako naglakad patungo sa villa.

Kasalukuyan na akong patungo sa may pinto nang isang malakas na pagtikhim ang nagpahinto sa paglalakad ko.

Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang seryosong panunuri niya sa buong katawan ko. Nakadama tuloy ako ng bahagyang pagkailang.

"Masyado yata kayong ginabi. Kumain ka na ba?" tanong niya in a friendly tone.

Napangiti naman ako saka ako naglakad palapit sa kanya.

"Oh! Hindi ko alam na hinihintay mo pala ako." sabi ko saka ko siya nginitian na para bang close kami.

Tumaas naman ang sulok ng labi niya saka niya binitawan ang hawak niyang gitara sa isang sulok saka niya ako muling hinarap.

Napalunok pa ako nang mapasulyap ako sa nakaumbok na dibdib niya. Bakat na bakat iyon sa suot niyang sando at sa braso niya ay litaw na litaw ang mga muscles.

Damn! Bakit ba ang ganda ng katawan ng lalaking ito? Nagkakasala tuloy ako sa ginagawa kong pagtitig sa mga muscles niya.

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?" sabi niya na nagpaangat ng tingin ko sa mukha niya.

Nakangisi siya na tila ba gusto niyang bigyan ng kahulugan ang pagtitig ko sa katawan niya na totoo naman talaga na may kahulugan.

Napahiya ako at nag-init ang mga pisngi ko dahil sa napaka-awkward na sitwasyon.

Ngunit hindi ako basta magpapatalo sa lalaking ito. Legal akong anak samantalang ampon lang siya.

"Hindi ikaw ang unang gumawa sa akin ng ganyan. Sanay na ako na pinagmamasdan ng iba ang katawan ko." sabi niya.

Ngumiti naman ako saka ko siya hinarap. Hindi ako lasing. Nakainom lang ako. At nasa matinong estado pa rin ang pag-iisip ko.

Sinikap kong alisin ang pagkapahiya sa anyo ko saka ko matapang na sinalubong ang mga mata niya.

"Well, you have a perfect body na pagnanasahan ng kahit na sino." lumapit pa ako sa kanya saka ko tinitigan ang mga mata niya na seryoso ring nakatitig sa akin.

"Hindi ka na patpatin katulad noon. Hindi nga kita nakilala kaagad dahil sa laki ng ipinagbago mo."

Bumaba ang mga mata ko sa dibdib niya. Inangat ko ang kamay ko saka ko pinagapang sa malalim na hiwa ng maskuladong dibdib niya ang hintuturo ko ngunit mabilis na hinawakan ng kamay niya ang braso ko.

"Shit!" mura ko saka ako tumingin sa kanya.

"Sa pagkakatanda ko. Ang pinakahuling gumawa sa akin ng ginagawa mo ay dinala ko sa kama. Doon ko siya pinaligaya at magdamag na inangkin. Baka gusto mo rin masubukan?" galit na banta niya sa akin.

Marahas kong binawi ang kamay ko saka ko siya tiningnan ng masama.

"Bastos!" inis na sabi ko sa kanya.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now