Chapter 8

9.7K 398 45
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Nagising ako sa malakas na pagbalya ng pinto sa silid ko. Napipikit pa ako na napaangat ng ulo para silipin kung sino ang pumasok.

Galit na anyo ni Papa ang bumungad sa akin dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

Napabalikwas ako ng bangon at nanlalaki ang mga mata ko na sinalubong ang galit na mga mata ni Papa.

"P-papa..." nahihintakutan na sambit ko.

"Bakit mo pinagsarahan ng pintuan kagabi si Rafael? Hindi mo ba alam na maaari siyang magkasakit nang dahil sa ginawa mo?" galit na sita niya sa akin.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko nagawa man lang na bumigkas kahit na anong salita.

Para akong napipi at wala akong maisip na tamang sabihin dahil totoo naman ang ibinibintang niya sa akin.

"Hindi kita pinalaki nang walang disiplina. Maliit ka pa lang ay tinutubuan ka na ng sungay. Ako mismo ang babali ng mga iyan. Dumapa ka sa kama." mabalasik na utos niya saka niya sinimulang kalasin mula sa pantalon niya ang gawa sa balat na sinturon niya.

"P-papa..." angal ko ngunit labis akong nahintakutan nang mas lalo pang naging mabalasik ang tinig ni papa habang inuulit ang iniutos niya sa akin.

"Dapa!" sigaw niya kasabay ng tuluyang pagkakalas niya sa sinturon niya saka niya iyon ipinulupot sa palad niya.

"S-sorry po." halos mangiyak-ngiyak ko nang paghingi ng tawad kahit na hindi pa dumadapo sa akin ang sinturon.

"Ahhhh!" sigaw ko nang maramdaman ko ang sakit na dulot ng malakas na paghampas sa akin ni Papa ay halos mapasubsob ako sa kama dahil sa sakit.

Isa pa muling palo ang naramdaman ko at tuluyan na akong naiyak.

"Hindi mo naisip na walang tutulugan ang Kuya mo. Sa lamig ng klima sa labas ay siguradong magkakasakit siya dahil sa ginawa mo."

Dalawang magkasunod na palo pa ang naramdaman ko at halos iiwas ko na ang pwet ko sa kanya. Sinundan pa ng isa kaya napaupo na ako sa kama habang umiiyak.

"Sorry po! Hindi ko na po uulitin." umiiyak na pakiusap ko habang sinasalubong ko ang galit na mga tingin sa akin ni Papa.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang lumambot ang anyo niya. Para bang nakadama siya ng awa sa akin at muli na niyang ibinalik sa pantalon niya ang sinturon niya.

Iyak pa rin ako ng iyak habang nakasiksik sa headboard ng kama.

"Kay Rafael ka humingi ng tawad." matigas na sabi niya niya ako pinagmasdan na para bang naaawa siya sa akin dahil sa ginawa niya.

"Huwag mong isipin na dahil pinalo kita ay hindi na kita mahal. Anak kita kaya gusto ko na matuto ka sa mga pagkakamali mo. Humingi ka ng paumanhin sa Kuya mo at wag na wag mo na ulit gagawin ang ginawa mo kagabi." sabi niya saka na siya mabilis na lumabas ng silid ko.

Pagkalabas ni Papa ay siya namang pagpasok ni Mama sa silid ko mabilis niya akong nilapitan at niyakap habang inaalo ako sa pag-iyak ko.

Napasulyap ako sa may pintuan at ang galit na anyo ng nakasilip na si Rafael ang sumalubong sa akin. Sa likod niya ay ang dalawang katulong na kapwa seryosong nakatitig sa amin ni Mama.

Matapos ang pangyayaring iyon ay naiiyak pa rin ako na umupo sa may porch kung saan ko nakita kagabi si Ralf.

Namamaga pa rin ang mga mata ko habang nakatanaw ako sa malawak na daanan palabas ng hacienda.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now