Chapter 42

8.6K 368 45
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro

Matapos kong mabasa ang mga lihim ni Mama ay napatulala na lamang ako sa pader ng aking silid.

Mugto ang mga mata ko at puno ng luha ang mga pisngi ko.

Isinara ko ang diary saka ko pinunasan ang mga luha ko.

Nagkamali kayo, Mama Lumaki ako na puno ng insecurities. Totoong minahal ako ng pamilya Certeza ngunit hindi naging sapat iyon para punan ang ilang taon kong paghahanap sa kasagutan sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Ngayon ay malinaw na ang lahat pero bakit ang sakit? Napakasakit isipin na ang buhay na kinalakihan ko ay isang malaking kasinungalingan lang pala lahat.

Hindi ako tunay na Certeza at kahit bali-baligtarin ko ang mundo ay kay Rafael pa rin pala talaga nararapat ang lahat.

Napahikbi ako dahil sa sobrang sama ng loob. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na hindi na ako nag-iisa sa loob ng silid ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lola na nakatayo sa may pintuan. Puno ng lungkot ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa kama saka niya ako niyakap ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya saka ako muling napahikbi.

"Lola," sabi ko sa pagitan ng pagsinghot. "My whole life has been a lie."

"Shhh!" alo niya sa akin. "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Mahal ka nila at ayaw nilang isipin mo na hindi ka parte ng pamilya kaya nila inilihim sayo ang katotohanan. Lalo na si Rafael."

"Pero ang sakit, Lola. Ang sakit sakit!" umiiyak na sagot ko sa kanya.

"Buong buhay ko ay naghahanap ako ng kasagutan sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Umabot pa ako sa punto na pinag-isipan ko na ng hindi maganda sina Ralf at Mama."

Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga bago siya nagsalita.

"Noon ko pa sana gustong ipagtapat sayo ang totoo pero pinigilan ako ni Lyndon. Pero sa nakikita ko na nangyayari sa inyo ngayon ni Rafael ay hindi ko na kaya pang itago ang lahat." garalgal na pagkakasabi ni Lola.

"Huwag mo sanang iisipin na hindi ka namin mahal. Minahal ka namin na parang sariling dugo't laman namin. Minahal ka ni Aurelia pero mahal din niya si Rafael."

"Marahil ay nakadama ng guilt noon si Aurelia na ikaw na hindi niya dugo'y inalagaan at minahal niya gayong ang sarili niyang anak ay ipinaubaya niya sa akin."

"Unti-unti na ngang lumambot noon ang puso ng anak ko subalit hindi si Rafael. Natuto siyang maging mapait at nagkaroon siya ng matinding sama ng loob sa ina niya."

"Nagsisimula pa lamang silang magkaayos na mag-ina noon nang mapagpasyahan mo na lisanin ang San Isidro. Nawala si Aurelia na hindi man lang nakakabawi kay Rafael."

"Oh God! I know it's my fault. I'm sorry, Lola. Hindi ko sinasadya." paninisi ko sa sarili ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.

Hinaplos naman ni Lola ang likod ko saka niya hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.

"Hindi mo kasalanan ang lahat. Walang may kagustuhan ng nangyari." aniya.

"Kung hindi sana ako nagpilit noon na magtungo rito ay hindi mapapahamak si Mama. Alam ko na sinisisi ako ni Rafael sa nangyari noon."

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Lola. Pinunasan niya ang mga luha ko saka niya pinisil ang balikat ko.

"Hindi ka kailanman sinisi ni Rafael, Ivan. Minahal ka niya sa kabila ng mga nangyaring alitan sa pagitan ninyong dalawa."

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now