Chapter 20

8.3K 373 49
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Mula sa pagkakasubsob ko sa unan ay nag-angat ako ng mukha nang marinig ko na bumukas ang pintuan sa silid ko at pabagsak din na naisara.

"A-ano ang ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko nang makita ko si Ralf na nakatayo sa loob ng silid ko.

"Iyan ang napala mo sa paninilip," aniya sa naniningkit na mga mata.

Sandali akong nalito. Mabilis akong bangon at umupo ako sa gilid ng kama.

"Wala kang karapatan para pumasok dito sa silid ko," sabi ko at bahagya nang tumaas ang boses ko.

"Wala kang karapatan na pakialaman ako sa relasyon ko kay Jako dahil kahit ikaw ay-" hindi ko itinuloy ang sinasabi ko nang may maisip ako bigla.

Mapapatunayan niya na ako nga ang nasa kamalig kanina kapag nagpatuloy pa ako sa sinasabi ko.

"Dahil kahit ako ay ano?" galit niyang ulit sa sinasabi ko kanina saka siya dahan-dahan na humakbang papalapit sa akin. "Ano ang ginagawa mo sa kamalig? Manubok? Panoorin ako?"

"Hindi ko alam na naroon kayo!" hiyaw ko. Napapahiya at nagagalit na ako. "Bakit ikaw? Hindi ba at nandoon ka rin naman sa tagpuan namin ni Jako? Nagkataon lang na walang kamalig na nagtatago sa amin kaya agad mo kaming nakita!"

"Damn you!" galit na mura niya.

Naglalabas ng apoy ang mga mata niya. Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay yumuko siya at hinawakan niya ako sa magabilang balikat ko saka niya ako marahas na itinaas.

"Jako wouldn't get as far as I've gone. Nakalantad man o kahit na nasa loob pa kayo ng kuweba! Hindi ko hahayaan na mahawakan ka pa niya ulit. I'll kill him first!"

Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang ay nagagalit siya sa mga sandaling ito at nagagalit din ako at natatakot ako sa kanya.

Natatakot ako sa bagsik ng anyo niya. Kagaya ng nangyari noong nine years old ako sa loob ng silid niya. Nang sinira at ginupit-gupit ko ang paboritong baseball cap niya.

Natatakot ako sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko at bahagya na akong napangiwi.

"Bitiwan mo ako! Hayop ka, wala kang karapatan na saktan ako nang ganyan!" sigaw ko sa kanya saka ko sinubukan magpumiglas pero mabilis din niyang nahawakan ang mga braso ko.

Malakas ang lalaking ito at hindi ako makawala dahil parang mga bakal sa higpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa mga braso ko.

Nakita ko na tumigas ang anyo niya saka siya mataman na tumitig sa akin. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko iiwasan ang mga iyon. Kung galit siya ay kanina pa ako nagagalit din sa kanya.

"You were behind that wall for minutes before you turned chicken at the last minute?" nagtatagis ang mga ngipin niya sa galit.

"Bakit ka umiiyak? Hindi mo ako kayang panoorin?"

Marahas niyang pinahid ang mga luha na nagkalat sa mukha ko gamit ang isang kamay niya.

"Wala kang pakialam!" sabi ko saka ko siya tinangka na sampalin gamit ang isang kamay ko na pinakawalan niya dahil sa pagpahid sa luha ko ngunit mabilis din niyang nahuli muli iyon.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now