Chapter 16 (Special Chapter)

10.4K 375 57
                                    

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Villa Aurelia

Nang makalayo mula sa kinaroroonan ko ang kabayo ni Ivan ay tumayo na ako at sinundan ng tingin ang direksyon na tinahak niya.

Hindi ko namalayan na mula sa likuran ko ay nakalapit na pala sa akin si Tito Lyndon.

"Don't take my son seriously, Rafael." sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

"He resented me." tiim bagang na sagot ko sa kanya nang magbawi ako ng tingin.

"Tulad noon?" naghahamon ang tinig na sabi niya. Inaasahan na niya na ikakaila ko iyon katulad ng ginawa ko noon nang tanungin nila ako kung bakit nagpasya ako na umalis sa lugar na ito.

Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon ko siya.

"Oh, I know," aniya na dinugtungan pa ang sinabi. "Si Ivan ang dahilan kung bakit napilitan kang bumalik ng Maynila noon. Sa isang banda'y mabuti na rin iyon, Rafael. Bata ka pa rin noong mga panahong iyon at maaaring hindi mo alam pakitunguhan ang anak ko. Kind of spoiled dahil nag-iisa."

"Sa palagay mo ba ay kaya ko na siyang pakitunguhan ngayon?" ganting hamon ko sa sarkastikong paraan. "Isang linggo na mula nang dumating ako at wala akong natatandaan na kinausap niya ako ng maayos."

Tinitigan niya ako. Matagal bago siya sumagot. "He's only a boy pretending to be a man, Rafael. At nagtitiwala ako sayo." pagkasabi niya doon ay tumalikod na siya at bumalik sa villa.

Naiwan ako na napapabuntong- hininga at muli kong sinundan ng tingin ang dakong dinaanan ni Ivan na para bang makikita ko pa siya doon.

Napaisip ako sa mga sinabi ni Lyndon.  Masyadong childish kung umasta si Ivan ngunit sa kabila ng mga pagsusungit niya sa akin ay hindi ko maiwasan na isipin siya.

Lalo na sa gabi. Habang nakahiga na ako sa madilim na silid ko ay si Ivan pa rin ang huling tao na naglalaro sa isipan ko.

Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang anyo ng siyam na taong gulang na bata na nagpalayas sa akin sa lugar na ito.

Gwapo siya kung tutuusin. Para siyang pinabatang bersiyon ni Lyndon. Maputi si Ivan at napakakinis ng balat hindi katulad ng kanyang ama na bilad sa araw dahil sa trabaho sa hacienda.

Mayroon siyang magagandang pares ng kulay brown na mata ngunit makikita sa mga matang iyon ang galit sa tuwing tititig siya sa akin.

Hindi ko siya masisisi dahil sa pakiramdam niya ay inaagaw ko ang lahat mula sa kanya.

Mula sa mga magulang niya hanggang sa mga bagay na maaaring maibigay sa kanya ng mga ito sa takdang panahon.

Bigla na lamang tumigas ang anyo ko nang sumagi sa isipan ko ang salitang magulang.

Kahit minsan ay hindi ko naranasan na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya.

Lumaki ako na puno ng galit sa mga totoong magulang ko. Partikular na sa aking ama. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko dadanasin ang mamuhay na may matinding galit sa aking dibdib.

Napailing ako saka ko sinikap na pagaanin ang nararamdaman kong bigat ng kalooban.

Muli ay ibinalik ko kay Ivan ang takbo ng kaisipan ko.

Naalala ko pa kung gaano katinding takot ang lumarawan sa maamo niyang mukha noong mahuli ko siya na ginugupit at sinisira ang baseball cap ko.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now