Chapter 17

9.3K 365 34
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Sa loob lamang ng halos isang buwan mula nang dumating sa Hacienda Aurelia si Rafael ay hindi mabilang na kadalagahan ang tuwina'y gustong makatawag ng kanyang pansin.

May mga imbitasyon sa party na dumarating sa bahay para kay Ralf. Galing iyon sa mga babaeng nakakakilala na sa kanya sa lugar na ito.

Pinagbibigyan naman lahat iyon ng hudyong ampon ni Lola.

Ngunit ang nakapagtataka ay hindi ako natutulog hangga't hindi pa siya dumarating ng bahay kahit inaabot na ako ng madaling araw sa kakahintay.

"Bakit gising ka pa? Alas-dos na nang madaling araw."

Nagulat ako nang mula sa ibaba ay bigla na lamang tumingala si Ralf sa bintana ng silid ko saka siya nagsalita.

Mabilis akong umalis mula sa pagkakadungaw sa bintana at sumandal ako sa katabing pader nito saka ko hinayaan na sumara ang kurtina.

Hindi ko lubos maisip kung paano niya ako nakita sa kabila ng napakadilim sa loob ng silid ko.

"Don't hide behind the curtains, Ivan. Bakit hindi ka pa natutulog?" patuloy niya sa malakas na tinig.

Napapikit ako. Sa lakas ng boses niya ay imposibleng hindi magigising ang sinumang nasa villa dahil napakatahimik ng gabi.

Napilitan tuloy ako na hawiin muli ang kurtina saka ako dumungaw sa bintana.

"N-nagising lang ako sa pagdating ng sasakyan mo." sagot ko sa kanya.

Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa may portico ay nakita ko na nagflash sa dilim ang mapuputing ngipin niya bilang pagngiti.

"Hindi ko gustong maniwala sa sinabi mo but I'll buy that. Now, be a good boy at matulog ka na.  I came home unscathed, Darling."

Bago pa ako nakaisip ng matalim na isasagot sa kanya ay mabilis na siyang nawala sa paningin ko.

Walanghiyang bastardo na iyon. Nagawa pa niya akong ipahiya sa sarili ko.

Gusto kong matunaw sa labis na pagkapahiya kaya ang unan ang napagdiskitahan ko ng inis ko.

Hinampas ko na nang hinampas iyon sa kahit saang parte man ng kama iyon tumama.

Nang mapagod ako ay hinihingal kong ibinagsak sa kama ang katawan ko baon pa rin sa isipan ang nangyaring kahihiyan ngayun-ngayon lang.

Bakit ko pa kasi siya sinilip sa bintana? Nakakainis!

Dalawang araw matapos ang insidente sa bintana ay naimbitahan ako ng mga kaklase ko na sumama sa party ni Jea.

Dahil may sakit si Jako ay hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na sumama sa party na iyon lalo pa at medyo malayo at overnight sa beach.

Gusto ko talagang sumama sa party na iyon lalo pa at bihira lamang ako makadalo sa mga beach party na ganun.

Walang beach na malapit sa Hacienda Aurelia maliban sa dagat na nasa loob ng Hacienda na pag-aari ng mga Buenavista sa kabilang bayan.

Ngunit private property iyon at hindi naman malapit sa kanila ang pamilya ko dahil kalaban namin sila sa negosyo.

Nagpapahangin ako sa may porch nang bigla akong tabihan ni Ralf.

Beloved Bastard (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon