Chapter 11

10.1K 443 50
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Naglakad kami nang hindi nag-iimikan hanggang sa makabalik kami sa bungad ng tulay.

Kaagad akong nagpalit ng damit sa loob ng sasakyan. Pero syempre pinaalis ko muna si Ralf.

Hindi ako komportable na nagbibihis ako na nasa malapit lang siya.

Natapos na akong magbihis nang makita ko si Ralf na nakaupo sa isang bato na nakausli sa lupa.

Hinubad na pala niya ang damit niya at tanging ang basang pantalon na lamang niya ang suot niya.

Nakabalandra tuloy sa mga mata ko ang matikas na likuran niya. Malalapad na balikat. Malalaking braso na para bang napakatigas kung hahawakan mo.

Bumaba pa ang mga mata ko sa makinis niyang likod na kahit doon ay mababakasan mo ng muscles.

Hindi siya maputi ngunit hindi ko rin naman masasabi na maitim siya. He's a good example of a hunk. Tama ang laki ng mga muscles sa katawan at naaayon sa tikas at tangkad niya.

Patuloy pa ako sa pagsuri sa hubad na katawan ng nakatalikod na lalaki nang maagaw ang atensyon ko ng isang buhay na pilat sa may tagiliran niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko at wala sa loob ako na humakbang papalapit sa kanya habang nakafocus pa rin ang mga mata ko sa pilat na para bang likha ng bumaon na patalim.

Hindi ko nakikita iyon five years ago dahil madalas rin namang magtanggal ng damit sa harapan ko ang lalaking ito kaya nakakasiguro ako na bago pa lamang iyon.

Hindi pa ako tuluyan na nakakalapit sa kanya nang bigla siyang nagbaling ng tingin sa akin at nahuli niya ang mga mata ko na nakatingin sa pilat niya.

Mabilis naman siyang tumayo saka niya isinuot ang napiga na niyang tshirt. Marahil ay upang takpan ang pilat na tinitingnan ko.

"Saan mo nakuha ang pilat mo sa likod mo?" bigla ay hindi ko naiwasang tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin saka siya ngumiti. Ngiting pilit at walang buhay. Hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Nakapagbihis ka na pala. Hindi ka ba nagugutom?" paglilihis niya sa tanong ko.

Umiling ako pagkatapos ay umupo ako sa nakausling bato na kanina ay inuupuan niya saka ako tumitig sa agos ng tubig ng ilog sa ibabaw ng tulay.

"Hindi ka ba magpapalit ng damit? Basa na iyang suot mo." sabi ko sa kanya nang maupo siya sa isa pang bato na halos malapit lang sa kinauupuan ko.

"Hindi ko naman inasahan na maaabutan tayo ng bagyo kagabi kaya hindi ako nagdala ng pamalit." sagot niya.

Hindi ko na siya kinulit pa tungkol sa pilat na nakita ko sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya alam ko na wala siyang balak na sabihin sa akin iyon.

Saka hindi kami close para magkwento siya sa akin ng tungkol sa personal niyang buhay. Bukod pa sa hindi naman ako masyadong interesado pero ngayon ay parang may nabubuhay na curiousity sa isip ko.

Hindi ko lubusang kilala si Rafael. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinanggalingan niya. Basta ang narinig ko lang noon sa pag-uusap ng mga katulong ay masamang tao daw ang ama niya at si Rafael ngayon ang nagbabayad sa mga kasalanan nito.

Mabuti na lamang daw ay may mabuting puso si Donya Corazon at kinupkop at pinalaki niya ang batang si Ralf na parang tunay niyang apo matapos itong maulila sa mga magulang.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now