Chapter 28

7.8K 383 17
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

"Bakit ginawa ng Mama mo iyon?" tanong ni Rita nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa probinsiya.

"Bakit basta na lang din hinayaan ng Papa mo?" dugtong pa niya.

Humugot ako ng matalim na paghinga saka ko siya sinagot. "Because he was my mother's lover." akusa ko.

Napasandal sa sandalan ng swivel chair si Rita saka niya ako pinagmasdan.

"Hindi kaya nagkakamali ka lang ng akusasyon, Ivan?" banayad niyang sabi.

"I saw them, Rita, with my own eyes!" sagot ko. Napaangat ako mula sa executive chair at halos ipukpok ko sa mesa ang mga kamay ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng kaibigan ko.

"You were seventeen. You might have concluded something from a child's point of view. Hindi marahil gagawin ng Mama mo na iwan ang isang family heritage sa Rafael Certeza na ito nang walang matibay na dahilan. Lover or not. At isipin mo na lang. Pinayagan iyon ng Papa mo." aniya.

Umismid ako. "My father was hopelessly and unreasonably in love with my mother, Rita. She was twelve years younger than my father and she's very beautiful."

Tahimik lang na nakikinig sa akin si Rita habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita.

"My mother adored Ralf the first time she set her eyes on him when he was about sixteen."

"Sixteen?" ulit niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Rita doon. "And your mother must be around..."

Nag-isip siya at sinagot ko ang binibilang niya sa isip niya.

"Thirty three." sabi ko.

Ilang sandaling nag-isip si Rita bago siya napailing. "Surely ay hindi gagawin ng Mama mo iyon, Ivan. Napakabata pa noon ni Rafael..."

"He doesn't look his age then," putol ko sa sinasabi niya. Then I close my eyes for awhile. Saka ko inalala sa isip ko ang anyo ni Rafael noong sixteen pa lang siya.

"He was tall and kind of... s-sexy." tila hindi ko mabigkas na paglalarawan sa kanya. "H-he is more so now..."

"Hmm... really?" naaaliw na sabi ni Rita dahil sa pagkautal ko sa pagdedescribe kay Rafael.

"You were barely nine pero nasabi mong sexy siya. When do I get to meet this sexy man?" may bahid ng tukso ang tinig ni Rita sa paraan ng pagtatanong niya.

Sumimangot ako dahil sa tono niya. "Huwag kang magbigay ng kulay sa description ko sa kanya, Rita. Gusto ko lang i-justify sayo kung bakit na-attract ang mother ko sa kanya."

"Uh-huh," sabi ni Rita saka niya itinaas ang dalawang palad niya.

"Wala akong ibang ibig sabihin." aniya saka siya kunwaring nagpipigil ng ngiti niya. "Baka mamaya niyan crush mo lang pala siya. Kaya ka inis na inis sa kanya." nang-aasar na bulong niya.

Buwisit talaga tong babae na to. Inis ma bulong ko sa isip ko. Dinampot ko ang nakita kong magazine na nasa ibabaw ng table ko saka ko iyon inihagis sa kanya.

Napatili naman siya habang umiilag na iniurong ang swivel chair niya. Natatawa siyang tumingin sa akin nang hindi ko siya natamaan.

"Bakit ka ba nambabato?" natatawang sabi pa niya.

"Nabubuwisit kasi ako sayo." asar na sagot ko na tinawanan lang niya.

Ganito talaga si Rita sa akin. Palibhasa ay alam niya na madali akong mapikon kaya madalas niya akong tuksuhin.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now