Chapter 23

8K 416 92
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Present Time

2019

Villa Aurelia

Halos tanghali na nang magising ako. Bumaba ako sa komedor at nagpatimpla ng kape sa kasambahay na naabutan ko doon.

Hindi naman ako kinikibo ni Nana Sita kaya hinayaan ko na lang din siya.

Nang maibigay sa akin ang kape ay nagpasya ako na pumasok sa sala upang doon maupo.

Kasalukuyan na akong humihigop ng kape nang matuunan ko ng pansin ang mga peryodiko na nasa mesa.

Inilapag ko muna ang kape ko sa mesa at inabot ko ang mga iyon saka na ako nagsimulang magbasa ng balita.

Halos ilang sandali rin akong tahimik na nagbabasa nang sa paglipat ko ng pahina ay lumitaw sa bandang ilalim nito ang maliit na bata na seryosong nakatitig sa akin.

Natigilan ako saka ko ibinaba ang hawak kong peryodiko.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa bata.

Umiling ito saka siya mabilis na tumakbo palayo ngunit nasabit sa carpet ang isang paa niya kaya mabilis siyang lumagapak sa sahig.

Nag-iiyak siya dahil siguro nasaktan kaya mabilis ko siyang dinaluhan at iniupo.

"Shhh! Saan ang masakit? Hihilutin ko." alo ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak.

Iyon ang nabungaran na eksena ni Ralf na hindi ko inasahan na pag-iisipan niya nang masama.

Mabilis niyang binuhat ang anak niya saka niya iyon hinalikan sa ulo. Yumakap naman ng mahigpit ang bata saka niya iyon pinatahan.

Nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko pa rin lubos na maisip na may anak na si Ralf.

Pero naiintriga pa rin talaga ako tungkol sa ina ng batang ito. Sino si Isabel? Paanong hindi ko man lang siya nakilala noon?

Bakit hindi siya nabanggit sa akin ni Papa kahit minsan? Hindi ko naman matanong si Nana Sita dahil alam ko na nakay Rafael na ang loyalty niya.

Bukod pa sa hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin nang nagdaang gabi.

Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla na lamang ay mabigla ako dahil napansin ko ang mga naniningkit na tingin sa akin ni Rafael.

"Sa susunod kung gusto mo akong saktan, ako na lang. Huwag mo nang idadamay pa sa galit mo sa akin ang anak ko. Wala siyang kinalaman sa ating dalawa." galit na sermon niya sa akin saka na siya nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Naiwan ako na hindi malaman kung matatawa o maiinis dahil sa pagbibintang niya.

Hindi ako makapaniwala na ganoon na pala kakitid ang utak ng lalaking iyon.

Matapos ang tanghalian ay sinundo ako ni Jako upang ipasyal sa kabilang bayan. Kumain kami sa isang sikat na Restaurant sa Olivares.

Higit na maunlad ang bayan na iyon kaysa sa bayan namin na pinababayaan lang ng mga walang kwentang nanunungkulan.

Nabanggit sa akin ni Jako na pag-aari raw iyon ng isang sikat na chef mula sa kontrobersiyal na pamilya ng mga Montevista.

Si Nigel Montevista Laurel. Kilala ko siya dahil nakikita ko ang mga larawan niya sa mga magazines na binabasa ko sa opisina.

Hindi maipagkakaila na gwapo ang lalaking iyon at pinagnanasahan ng karamihan.

Pero hindi si Nigel ang tipo ng lalaki na magugustuhan ko. Mas naaakit ako sa dashing hunk na pinsan niya. Si King Lewis Montevista.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now