Chapter 31

10.4K 430 83
                                    

Author's Note

Skip po muna natin yung Season Finale. Medyo madugo kasi paggawa ng chapter na iyon.

Don't worry hindi naman iyon makakaapekto sa kwento kasi POV naman ni Rafael iyon after ng pagtatalo nila sa kotse dun sa chapter 29.

Heto naman ay POV ni Ivan after ng scene sa chapter 29.

Bago ako mawala ng ilang araw ay magpapabaon muna ko ng isang chapter.

Thank you!

-Nickolai214

••••••

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Nang maihatid ako ni Jako sa Villa Aurelia mula Maynila ay mabilis na rin siyang nagpaalam.

May aasikasuhin daw siya sa bayan at iniutos ng Papa niya sa kanya iyon noong nakaraang araw pa ngunit dahil nasa Maynila siya ay hindi niya kaagad nagawa.

Bitbit ang bag na dala ko ay nagpasya ako na pumasok na sa loob ng villa. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ay marinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Ryle.

"Tito Aybaaan!" sigaw niya.

Natigilan naman ako saka ako napalingon sa kanya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala akong makita na ibang tao doon.

Bahagya ko nang isinara ang pinto saka ako humakbang patungo sa hagdan nang bigla na lamang tumakbo ang bata patungo sa akin.

"Tito Ayban can we play?" inosenteng taning niya sa akin habang nakatingala siya.

Hindi ko alam ngunit naku-cute-an ako sa batang ito ngunit hindi ko makita ang resemblance niya kay Rafael.

Napailing ako. Maaaring nagmana siya ng facial features sa nanay niya. Gusto ko tuloy makadama ng inggit sa Isabel na iyon na kahit minsan ay hindi ko nakilala.

Napasulyap ako sa kaliwang kamay ng bata. Hawak niya ang isang laruang kotse saka siya matiyaga na naghihintay sa isasagot ko.

"Tito Ayban?" muli ay sambit niya sa mahinang tinig.

Napahinga ako ng malalim saka ko siya muling sinulyapan. "Pagod ako ngayon Ryle. Makipaglaro ka na lang sa yaya mo." sabi ko sa kanya.

"Pero ikaw po gusto ko makalaro. Sabi po ni Daddy you're a nice guy. Tapos love ka daw niya kaya dapat love din daw kita." sabi niya.

Napakurap naman ako. Hindi ko inasahan na sasabihin iyon ni Ralf sa anak niya.

Ngunit sa kabila ng pagtataka ko ay nakadama rin ako ng amusement sa bata. Sa pagkakatanda ko ay three years old pa lang siya pero malinaw na siya kung magsalita.

Well, except for my name. Napangiti ako sa kaisipang iyon.

Ginulo ko ang buhok ng bata saka ako umupo sa isang baitang ng hagdan.

Kung ginagalit ako ng ama niya ay ang batang ito naman ang nagpapawala ng inis ko. Kaya hindi naman siguro masama kung makipaglapit ako sa kanya.

Hindi naman siya kasama sa galit ko sa ama niya. This boy is innocent. Magaan ang loob ko sa kanya.

"Okay! Maglalaro tayo mamaya. Pero iaakyat ko muna ang mga gamit ko, ha?" malambing na sabi ko sa kanya.

"Can I go with you upstairs?" tanong niya.

Natawa naman ako saka ko isinukbit sa balikat ko ang bag ko. "Okay! Masyado kang nagpapalambing sa akin ah. Hindi ka siguro nilalambing ng Papa mo no?" wala sa loob na sambit ko.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now