Chapter 45 (Final Chapter)

13.9K 521 255
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Gusto ko nang maupos dahil sa isinagot ni Rafael. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya isusuko.

"D-dahil ba kay Celine?" garalgal na tanong ko sa kanya.

"None of your damn business." matigas na sagot niya.

Halos maluha na ako dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. "Why are you making this hard for me?" puno ng pait na tanong ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. "Ikaw ang nagpapahirap, Ivan."

Hindi na siya nagtaas ng tinig ngunit nahihimigan ko pa rin na galit siya. "Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ka narito? Kung ang villa villa ang dahilan ay huwag ka nang mag-alala. Nakausap ko na ang abogado at ipinalilipat ko na sa pangalan mo ang bahay na ito. Hindi ako ganoon kasama para balewalain ang pagkakaloob mo ng sarili mo sa akin."

Hopeless na akong napasandal sa pader. Doon na lamang ako umaamot ng lakas uoang patuloy na makatayo.

"You could have called. Sinayang mo ang oras mo sa pagparito." sambit pa niya.

"R-Ralf," sambit ko sa pangalan niya. "I know I've hurt you. And I'm so sorry. Hindi na ako interesado sa villa. I know it's yours... legally."

Lumipad ang mga mata niya sa mukha ko. Hindi niya inasahan ang sinabi ko sa kanya.

"Inamin na sa akin ni Lola ang buong katotohanan, Ralf. Nabasa ko rin ang diary ni... ni Mama. Nasaktan ako sa katotohanan pero masaya ako at nalaman ko iyon." sabi ko.

"In nauseating detail..." puno ng irony na sambit niya. "Muntik ko nang naulit ang istorya, 'di ba?"

Nakuha ko ang ibig niyang tukuyin sa sinabi niya. Ang nangyari sa loob ng silid ko dito mismo sa villa na ito five years ago.

"It was my fault. I pushed you to it." sabi ko upang pagaanin ang loob niya.

"That wouldn't change a thing. I am still a bastard. Still a rapist's son." nakita ko ang pait sa mga mata niya pagkasabi niya sa mga kataga na iyon.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin pero alam ko na hindi niya ako hahayaan na gawin iyon.

"Huwag kang magsalita nang ganyan. Maliwanag ang pagkakaintindi ko sa nangyari noon. Hindi sinadya o ginustong gawin ng ama mo ang nangyari noon. He paid already for it."

"Namatay din si Lolo dahil sa nangyaring iyon." puno ng pait na sagot niya.

"Ngayon na alam mo na ang lahat. Bigla bang nagbago ang isip mo at gusto mo na akong pakasalan?"

Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Why, Ivan? Dahil ba alam mo na ngayon na ako ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng mga Certeza?"

"Hindi kita masisisi kung ganyan ang naiisip mo sa akin I made the same mistake about you."

Ralf gave me a humourless laugh. "Ano ang nakain mo, Ivan? Bakit para ka nang maamong tupa ngayon? Hindi mo na kailangang umarte pa dahil hindi ka naman maghihirap kahit hindi mo manahin ang hacienda at ang pabrika. Hindi biro ang perang iniwan sayo nina Lyndon at Aurelia. Hindi mo kayang gastusin iyon sa buong buhay mo."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ko siya muling tinitigan.

"I came here to make amends, Ralf. Para humingi ng tawad. I-I love you, you know," napalunok ako. "All my love for you was coiled up iside me through the years. Kinaiinisan ko ang lahat ng babae na nadidikit sayo. Remember that night nang mahuli mo ako na nakasilip sa bintana ng silid ko matapos mong umuwi nang sobrang late galing sa isang party..."

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now