Chapter 43 (Special Chapter)

9.6K 386 62
                                    

Beloved Bastard

Jako Iriola

San Isidro

Halos magdidilim na nang makauwi ako ng San Isidro.

Dahil sa sama ng loob ko sa pagkabasted sa akin ni Ivan ay niyaya ko ang mga tropa ko na mag-inuman sa isang kilalang bar sa Olivares.

Doon ay nilunod ko na ang sarili ko sa alak saka ako nagpakasaya. Masakit ang pagtanggi sa akin ni Ivan ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit pakiramdam ko ay ayos lang ang lahat.

Madaling araw na nang inihatid ako ni Nigel sa tapat ng bahay namin. Nag-offer na rin siya na ihatid ako hanggang sa loob dahil lasing na ako ngunit ipinilit ko na kaya ko ang sarili ko.

Napapailing na lamang siya na inihatid ako hanggang sa may gate. Naglakad na ako papasok sa main door.

Madilim na sa loob ng kabahayan nang pumasok ako.

Hindi na ako nag-abala pa na magbukas ng ilaw. Tinalunton ko ang daan patungo sa hagdan.

Kumapit ako ng mahigpit sa hamba ng hagdan habang umaakyat ako. Masaya ako na naglakad patungo sa silid ko. Humming a song na kahit ako ay hindi alam kung anong awitin ba iyon.

Napangisi ako saka ko ipiniling ang ulo ko dahil sa kabaliwan na ginagawa ko.

Nakadama ako ng alinsangan saka ko nilakasan ang aircon sa loob ng silid ko na bahagya ko nang napansin na bukas na pala.

Nagsimula na akong alisin isa-isa ang mga damit ko saka ko na lamang itinira ang boxers ko.

Dahil hilong-hilo na ako ay nakapikit na akong dumiretso sa kama at marahan kong ibinagsak ang sarili ko doon.

Napangiti ako saka ko ipinasok ang katawan ko sa loob ng kumot. Napakatagal na rin mula nang umuwi ako sa bahay ng ganito kalasing.

Halos makulingling noon ang mga tenga dahil sa walang katapusang sermon sa akin ng parents ko. Pati na rin si Kuya na daig pa si Mama kung magbunganga.

Malamang na bukas ay uulalin na naman ako ng sermon at kailangan ko nang ihanda ang sarili ko.

Gumulong ako patungo sa gitna at nagtaka ako nang may makapa ako na isang matipuno at hubad na katawan ng lalaki sa ibabaw ng kama ko.

Niyakap ko iyon saka ko sinamyo ang kanyang balat. Shit! Ang bango at ang tigas ng mga muscles.

Bahagya na siyang gumalaw nang marahil ay maalimpungatan siya sa ginawa kong pagsalat sa maskuladong dibdib niya.

Oh Shit! Saan ba nanggaling ang lalaking ito at bakit napakasarap niyang yakapin.

Dinampian ko pa ng masusuyong halik ang hubad na likuran niya saka ko pinasadahan ng pasaway na dila ko ang masarap niyang balikat.

Naramdaman ko na napabalikwas siya ng bangon ngunit malakas ko siyang hinila payakap at muli ay napaatras siya na napahiga sa kama.

"Fuck!" narinig kong usal ng baritonong tinig niya na kay sarap sa pandinig.

"Kung panaginip lang ito ay ayoko nang gumising." unconsciously ay sambit ko without knowing na totoong nangyayari ang lahat at hindi ko alam ang ginagawa ko.

"What is a perfect man like you doing in my bed? Hindi mo ba alam na nakakaturn-on ka?" playful na sambit ko.

Isang mabilis na pagbangon ang ginawa niya. Tumayo siya sa gilid ng kama. Binuksan niya ang lampshade saka niya ako binalingan.

"Shit! What the heck! What are you doing, man?" frustrated na sambit niya.

Napamulat ako ng mga mata nang mapagtanto ko na hindi ako nananaginip.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now