Chapter 12

9.7K 438 58
                                    

Dear Readers

Medyo nakailang revise po ako sa pagsulat ko ng chapter na ito. Hindi ko na po siya maproofread tonight kasi inaantok na ako.

Kung may mapapansin po kayo na mga mali or hindi tugmang mga informations wag po kayo mahiya na punahin at magcomment po kayo sa mismong part na iyon para maedit ko po kaagad. Salamat.

Nickolai214

******

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Kasunod ng bata na lumapit kay Ralf ay isang dalagitang katulong. Natatandaan ko siya dahil siya rin ang naghatid ng pagkain ko sa silid kagabi. Iniutos daw ni Rafael.

Pero nasaan ang asawa niya? Umikot ang mga mata ko sa paligid ngunit wala naman akong nakitang babae na posibleng maging asawa ni Ralf.

Imposible naman na si Celine ang ina ng bata dahil base sa nakikita ko ay parang walang gana si Celine sa bata at hindi rin naman lumalapit sa kanya ang bata.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanila at nakipag-usap na lang ako kay Jako.

Matapos ang libing ay halos magkasabay lang kaming nakarating ni Rafael sa villa.

Nagkatinginan pa kami at kapwa napahinto nang paraho kaming bumaba sa mga sasakyan namin.

Nauna akong nag-iwas ng tingin saka na ako nagsimulang maglakad patungo sa villa ngunit kaagad din na nakaagapay sa akin si Ralf.

"Ayos ka lang ba?" may bahid ng pag-aalala na tanong niya. "Ako na ang bahala sa mga bisita magpahinga ka na sa silid mo."

"Yes. I think I need to rest. Hindi rin naman ako masyadong nakatulog kagabi." sagot ko na hindi siya nililingon.

"Kumain ka muna. Sabi ng mga kasambahay natin ay hindi ka raw nag-almusal kanina. Itinanong kita sa kanila."

"Napakasweet mo naman. Parang gusto ko tuloy kiligin." sarkastikong sagot ko habang hindi pa rin siya nililingon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may hagdan. Hinawakan ni Ralf ang braso ko saka niya ako iniharap sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagod sa mukha niya at ang matinding pag-aalala. Pero bakit naman siya mag-aalala?

Nag-aalala ba siya na baka sa akin lahat mapunta ang mga mana at wala siyang makuha kahit singko?

Nararapat lang naman talaga na sa akin mapunta ang lahat dahil ako ang tunay na anak at siya, ampon lang naman siya. Bastardo ng pamilya.

"Papahatiran kita ng mainit na kape at almusal kay Nana Sita. Hindi mo rin daw masyadong ginalaw kagabi ang iniakyat na pagkain sayo."

Natawa ako ng pagak saka ko siya malisyosong pinagmasdan.

"Bakit parang pakiramdam ko ay estranghero ako sa sarili kong pamamahay?" sabi ko at sinadya ko na lagyan ng sarkasmo ang tinig ko.

"Masyado ka yatang naspoil ng mga magulang ko at pakiramdam mo yata ngayon ay pati buhay ko hawak mo na rin."

"Hindi iyan ang gusto kong ipakahulugan sa mga sinasabi ko sayo. Nag-aalala lang ako sayo." mahinahon na sagot niya.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ko saka ko siya tiningnan sa mata.

"Well, salamat sa pag-aalala mo. Aakyat na ako." sabi ko saka ko na inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Ipadala mo na lang sa itaas ang pagkain na gusto mong ipahanda. Pero ayoko na katulong ang mag-aakyat. Gusto ko si Nana Sita lang." sabi ko habang paakyat na ako ng hagdan.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now