Chapter 33

7.9K 375 79
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Noong araw din na iyon ay pinuntahan ko si Tonyo at nahanap ang mga nawawalang baka. Nagkamali lang sila ng bilang.

Pagbalik ko sa villa ay inasikaso ko kaagad si Ryle at doon ko na rin siya pinatulog sa silid ko.

Nagising na lamang ako na may mabigat na braso na nakayakap sa akin.

Mabilis akong nagmulat ng mga mata at dagling napabangon sa sobrang pagtataka ko.

Nakita ko si Ralf na mahimbing ang tulog sa ibabaw ng kama ko habang nakasiksik at nakayakap din sa kanya ang napakaliit na katawan ni Ryle.

Hindi ko naiwasan na pagmasdan siya. Dahil sando na kulay puti lamang ang suot niya ay litaw na litaw ngayon sa mga mata ko kung gaano siya kakisig.

Hindi ko maialis sa mga muscles niya sa braso ang mga mata ko na tumulay pa patungo sa malapad na dibdib niya.

Napalunok ako dahil sa tanawin na nakikita ko. Dahil sa paggalaw niya ay mabilis na akong nagbawi ng tingin.

Tumayo na ako saka ko na inayos ang sarili ko. Pagbaba ko ay may nakahanda nang almusal na inihain sa akin ni Nana Sita.

Kasalukuyan na akong kumakain ng agahan habang pasulyap na binabasa ang nasa headline ng peryodiko nang bigla na lamang sumulpot sa komedor si Rafael.

Nag-angat ako ng tingin at ang galit na anyo ni Ralf ang sumalubong sa akin.

"Totoo ba?" galit na tanong niya sa akin.

Tumaas ang isang kilay ko saka ko sinalubong ang mga nagbabagang tingin niya sa akin.

Mula nang magtalo kami sa loob ng sasakyan niya sa Maynila two days ago ay ngayon lang kami nagkaharap muli.

"What do you mean?" patamad na sagot ko sa kanya saka ko dinampot ang tasa ng kape at bahagya ko iyong hinigop upang mainitan ang sikmura ko.

"Totoo ba ang sinabi sa akin ni Tonyo na sinabihan mo si Mang Ben kahapon na tatanggalan mo na siya ng trabaho pati na rin ang iba pang matatanda sa hacienda?" maawtoridad na tanong niya. Halata na nagpipigil siya ng galit.

Ibinalik ko sa platito ang tasa ng kape saka ako pumormal na tumingala sa kanya.

"Matanda na si Mang Ben. Bukod pa sa may dinaramdam na siya sa katawan niya. Hindi na niya kaya pang gampanan ng maayos ang trabaho niya. Kaya naisipan ko na imungkahi sana sayo ang tungkol sa pagreretiro ng matatandang tauhan natin." sabi ko sa normal na tinig.

Dinampot ko ang table napkin saka ko pinunasan ang bibig ko. "Hindi ka umuwi ng dalawang araw kaya hindi ko kaagad nasabi sayo ang tungkol sa plano ko. May karapatan pa rin naman siguro ako sa hacienda hindi ba? Knowing na ang villa lang naman ang nasa pangalan mo."

Tumigas ang anyo niya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya habang sinisikap niya na pigilan ang galit niya sa akin.

"Hindi kaila sa lahat na galit ka sa akin mula pa noon pero hindi ko inasahan na aabot ka sa ganito. Wala ka bang puso? Kabuhayan ng mga tapat na trabahador natin ang gusto mong alisin. Para sabihin ko sayo ay nagkaroon ng mild stroke si Mang Ben kagabi dahil sa kakaisip sa mga sinabi mo sa kanya."

Nabigla ako sa sinabi niya ngunit nang mapagtanto ko na mild stroke lang naman ang nangyari ay nawala ng bahagya ang kaba ko.

But then, hindi rin biro ang mild stroke. Dahil sa narinig ko ay bahagya akong nakadama ng guilt.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now