Chapter 6

12.1K 457 7
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro

Sa canteen ay naabutan ko si Ralf na nakaupo sa isang mesa na nasa malapit sa main door.

Nagbabasa siya ng peryodiko. Hawak niya iyon sa isa niyang kamay habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang tasa ng mainit na kape sa sa isang kamay.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy ako sa may counter. Naghanap ako ng maaari kong kainin sa ganitong oras.

Nag-order ako ng isang tasa ng kape at isang order ng kanin at ulam. Pinili ko ang tapa ng kabayo dahil matagal na akong hindi nakakakain ng ganoong uri ng putahe.

Napasulyap ako sa kabilang estante at natakam ako sa nakadisplay doon na chocolate cake kaya idinagdag ko iyon sa order ko.

Ilang sandali akong naghintay bago naiserve ng tindera ang mga inorder ko na pagkain.

Inilagay ko ang mga iyon sa tray saka ako nagrequest ng bottled water dahil hindi talaga ako sanay uminom ng tubig sa poso. Pero kung sa hacienda manggagaling ang tubig ay ayos lang dahil alam ko na malinis iyon.

Saktong naiabot sa akin ng tindera ang chocolate cake nang magsalita si Ralf mula sa likuran ko.

"I-charge mo na rin sa akin iyan, Letty." sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

"Sige sir. Basta ikaw." maarteng sagot naman ng babae at nahuli ko pa ang pagpapacute niya habang nakatitig siya kay Ralf.

"No! Magbabayad ako ng sarili ko. Hindi mo na kaila-"

"Pati ba naman itong simpleng pagbabayad lamang ng kinain natin ay pagdidiskusyunan pa natin, Ivan?" putol niya sa sinasabi ko.

Ibinalik ko sa bulsa ko ang wallet ko. Nagulat pa ako nang bigla na lamang bitbitin ni Ralf ang tray ko saka na siya magpatiunang naglakad patungo sa mesa na inookupa niya kanina.

Nagsimula na akong kumain nang makaupo kami pareho doon.

Muli niyang dinampot ang peryodiko na binabasa niya saka siya humigop sa kape niya.

"Hindi ka ba mag-aalmusal?" bigla ay namutawi sa bibig ko.

"Hindi ako sanay sa almusal. Unless ikaw ang maghahain sa akin." nakangiting sagot niya.

Sumimangot ako saka na ako sumubo ng pagkain. Wala akong plano na makipaglokohan sa lalaking ito ngayon.

"Kapag ako ang naghain sa pagkain mo ay sisiguraduhin ko na ang pinakamatinding lason ang ilalagay ko doon." sabi ko.

Ngumiti naman siya saka niya ako sinulyapan. Ibinaba niya ang hawak niyang peryodiko saka niya ako pinagmasdan habang nakapalumbaba siya sa mesa gamit ang isang kamay niya.

Nagsisisi tuloy ako na nagsalita pa ako. Nakakadama na ako ng pagkailang dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Kahit lagyan mo pa ng lason ang pagkain ko ay kakainin ko pa rin basta ikaw ang naghanda." sabi niya habang nakangiti pa rin siya.

I rolled my eyes. Imposible din ang lalaking ito. Lalasunin na nga siya ay natutuwa pa. Nahihibang na siya.

Nagpatuloy na ako sa pagkain at hindi ko na lang siya pinansin pa. Nakatitig pa rin siya sa akin at minsan tuloy kapag napapasulyap ako sa kanya ay parang gusto ko nang tusukin ng hawak kong tinidor ang mga mata niya.

"May boyfriend ka ba sa maynila?" bigla ay tanong niya.

"Meron. Bakit?" sagot ko kahit ang totoo ay wala naman talaga.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now