Chapter 22

8K 398 71
                                    

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

"Bakit pabigla-bigla ka ng desisyon, anak?" malambing na sabi ni Mama nang kumpirmahin ko sa kanya ang tungkol sa plano ko na sa Maynila na ako mag-aaral ng kolehiyo.

Hindi na ako napigilan nina Papa dahil dumirekta na ako kay Lola tungkol sa naging pasya ko.

Kahit hindi nila ako payagan ay aalis pa rin ako sa lugar na ito ano man ang mangyari. Iyon ang sinabi ko kay Papa na talaga namang plano kong gawin.

Mabuti na lamang at hindi na siya nangulit pa at sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang payagan ako.

Kaysa mapariwara daw ako ay mas gugustuhin na niya na sa Lola Corazon ko sa Maynila na ako manatili habang nag-aaral ako ng kolehiyo.

Muli siyang nagsalita nang hindi ako kaagad na nakasagot sa tanong niya.

"Kunsabagay ay mas mabuting magkaroon ka ng ibang environment hindi iyong dito ka lang sa hacienda. Tama marahil na sa Mama sa Maynila ka na manatili habang nag-aaral ka na sa kolehiyo. Kaya lamang ay nagugulat ako sa biglaang pagpapasya mo na ito." litanya niya.

Hypocrite!

Gusto ko iyong isigaw sa sarili kong ina. Kunwari ay nagulat pa siya pero alam ko naman na ikinatutuwa niya na mawala ako sa villa.

Magagawa na niya ng husto ang kanyang kataksilan. Silang dalawa ni Rafael.

Sinulyapan ko si Papa na nananatiling walang kibo. Marahil ay galit siya sa akin dahil sa inasta ko sa kanya kagabi at kaninang umaga.

Gusto kong maawa sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya kay Mama ay binubulag niya ang sarili niya. Kahit ako ay binabalewala niya.

"Sinabi ko na sa inyo na pinag-iisipan ko ang kolehiyo ko, Mama." pormal na sagot ko. "Ngayon ay sigurado na ako sa gusto kong gawin."

"Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?" malungkot na tanong ni Mama na sinamahan pa niya ng malungkot na ekspresyon ng mukha.

Gusto kong matawa. Ngunit pinili ko na magkunwaring walang alam. Sa palagay ko ay hindi naman nababanggit sa kanya ni Papa ang tungkol sa sinabi ko kagabi at sa naging pag-uusap namin kanina.

Kaya hahayaan ko na lamang na sa ganitong paraan kami magkakahiwalay. Ako na lang ang iiwas sa kanila. Kay Rafael.

"Buo na ang pasya ko. Kagabi ay nakapag-isip na ako ng mabuti. Doon na ako kay Lola maninirahan. Tawagan ninyo si Lola. Bukas ako aalis."

Hindi na ako masyado pang kinulit ni Mama. Siya na rin ang nagkumpirma kay Lola na matutuloy ang pagdating ko sa susunod na araw.

Kinagabihan ay nagulat na lamang ako nang bigla na naman akong pasukin ni Ralf sa loob ng silid ko.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Seryosong anyo ni Rafael ang sumalubong sa akin habang matiim siyang nakatitig sa akin.

"Ano ang kailangan mo? Bakit narito ka na naman sa loob ng silid ko? Hindi ka na ba talaga marunong kumatok?" wika ko.

Pilit kong itinago ang nararamdaman kong poot sa dibdib ko para sa lalaking ito. Upang magawa ko iyon ay sinikap ko na manatiling pormal.

"Ivan," sambit niya na hindi malaman kung ano ang sasabihin. "Kung... kung dahil sa ginawa ko sayo nung nakaraan kaya ka aalis ay humihingi ako sayo ng tawad. You don't have to go."

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now