1

13.6K 164 31
                                    

J

Napansin kong lumungkot si Deanna habang kinukwento niya yung nangyari sakanya dati.

Naiintindihan ko naman siya, di naman talaga madali yung pinagdaanan niya. She almost lost her leg.

Ramdam ko yung pakiramdam niya. Kasi sa dami kong ng naging pasyente.

From their injuries, the treatment process, the recovery, yung therapy, ang daming dapat pag daanan bago makabalik sa dati.

Kitang kita ko sa mga patients ko yung frustration lalo na yung mga may severe injuries. Di kasi biro yun.

Pero eventually, after nila maka recover, ang fulifilling sa pakiramdam as a doctor na makita sila na nakakalakad na ulit ng maayos.

Mahirap ang hindi makalakad o makatayo man lang. Apektado lahat. Madami kang di magagawa ng ikaw lang. At yun ang nakakafrustrate talaga, yung bawat galaw mo kailangan mong dumepende sa iba.

At ngayong kailangan ako ni Deanna, gagawin ko lahat para matulungan siya. Para ibalik yung binti niya sa normal nitong lagay.

But, as I can see, it doesn't look good. I need to know her medical history.

"Baby, wake up... We're here na." gising ko sakanya. Dumaan muna kami dito sa condo unit niya sa BGC.

Mag papalit daw muna siya at kukunin din namin yung mga medical result niya.

"Baby, pasok mo na sa loob. May parking space ako sa 2nd level."

Pagpark namin. Inalalayan ko na siya. Sinuot na muna niya yung leg brace niya. Pero hirap na talaga siya lumakad.. Buti na lang malapit sa elevator yung parking space niya.

Halos buhat ko na siya eh. Di na kasi niya maapak yung paa niya.

"Baby, dun yung unit ko pa sa dulo.. Sorry, baby.. You dont have to do this naman." sabi ni Deanna habang nakaakbay sakin.

Naglalakad na kami dito sa floor niya.. Ang taas naman. Nasa 15th floor siya.

"I have to, I want to, baby.. I'll help you. Wag mo ko isipin."

Pag pasok namin sa unit niya... Woooow! Just wow! Ilan ba nakatira dito? Ang laki naman masyado neto. At ang ganda ng interior, mixed of white, black and gray.

Iniupo ko na siya sa couch..

"Ahhh, baby, pasok tayo sa room ko, papalit lang ako. Nandun din yung medical results ko eh."

"Okay, baby, lika.." inalalayan ko ulit siya.

Iniupo ko siya sa kama niya. Ang laki naman ng kwarto na to.

Kaso medyo makalat nga lang ang daming blueprints sa floor, at nasa floor lang yung mga drawing materials niya.

Baka di na niya naaayos to agad sa sobrang busy niya siguro.

Ako na kumuha ng damit niya para di na siya tatayo. Kinuha ko na din sa drawer niya yung mga results niya before.

Nandito na ulit kami sa living room ng unit niya. Nakaupo sa couch. Binabasa ko na yung mga results niya non at yung pinaka recent xray niya.

"Baby, nagugutom ulit ako. Ang traffic kasi kanina eh.." sabi ni Deanna.

"You want me to cook? May food ka ba here?"

"Wala, baby. Order na lang tayo online."

"Hmmm sige, baby." kinuha ko na  yung phone ko para mag order.

"Ako na mag oorder, baby. What do you want?"

"Kung ano na lang sayo, yun na din sakin." binabasa ko na ulit yung results niya.

"Okay, baby."

Hmmmmm... Ang tagal na pala ng accident niya. Site accident yung nakalagay dito. 6 months ago na.

And its a complete fracture.. Whaaat? Hindi maganda to. And it looks like na she's suffering now from displaced fracture. Hindi ata naging maayos yung treatment niya. Sino ba doctor nito, bat hinayaan lang na ganito. Nakakainis!

"Baby, can we stay here na lang. Tomorrow na tayo punta sa hospital?" napaangat ako ng tingin kay Deanna

"Hmmmm, no, baby.. Kasi based sa result mo, di ka pa talaga okay. Baka lalong lumala yan, pag di pa natin nacheck agad."

Nilambing lambing ko pa siya. Naku, Deanna... Ano bang meron, bat parang ayaw mo pumunta sa hospital.

"Sige na nga, after we eat. Saglit lang tayo dun, baby ah..."

"Yes, baby, we'll make it quick as possible."

Pag dating ng order namin, kumain kami agad at saka bumyahe na papuntang hospital.

Tahimik lang kami pareho habang nasa byahe...

Binuksan ko na lang yung radio ng kotse niya...

'Closing time
Every new beginning comes from some other beginning's end...

Yeah, I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
Take me home...

Closing time
Time for you to go back to the places you will be from...

I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
I know who I want to take me home.
Take me home...

Closing time
Every new beginning comes from some other beginning's end...'

----------

🙋

Hi, everyone! Book 2 here!

How about that?

Closing TimeWhere stories live. Discover now