8

4.2K 146 15
                                    

J

Gabi na pero di pa din nagigising si Deanna. Past 7pm na.. Tulog na tulog pa din siya.

Dinaan na kanina dito ni Mafe yung mga gamit ko na pinadala sa kanya. Ayoko iwan si Deanna dito. I can stay here naman sa hospital, may doctor's quarters naman kami dito, if we need to shower and change.. Or take a nap..

"Doc, tara dito. Kwento ka naman.. Hehe.. Hayaan mo na matulog si Deanna dyan. Hobby nya yan. Di mawawala yan. Hehe.. Tara dito, ganda ng palabas, Zootopia, favorite namin ni Deans to." tawag niya sakin.

Putek, ano yung Zootopia???

Nasa receiving siya.. Nanunuod ng tv.. Nakapagpalit na din siya. At home nga siya eh. Naka jogging pants lang siya at hoodie. Hahaha.. Kanina kagalang galang siya sa uniform niya, ngayon mukha siyang cartoon character. Hahaha.

Halatang close nga sila ni Deanna, the way niya banggitin yung name ni Deanna, parang lagi niyang inaasar. Saka ang dami niyang alam kay Deanna, like favorite food, tapos eto favorite movie.

Lumapit na ako sa kanya. Nakakahiya naman. Baka isipin niya snob ako eh. Dapat good shot ako sa mga kaibigan ni Deanna.

"Doc, dito, upo ka.." umurong na siya.

Pinagpag pagpag pa niya yung uupuan ko. Haha. Nakakatawa naman.

"What do you want doc? Coffee, juice, iced tea, milk? Name it doc. Kukuha kita. Hehe. Movie marathon tayo."

"Naku, okay lang ako.. Wag ka na kumuha." sobrang asikaso naman neto.

"Bahala ka dyan, doc. Kukuha na ko ng food natin.. Hehe dyan ka lang, maganda yang movie. Promise.."

Tumayo na siya at pumunta sa kitchen..

Ano ba tong zootopia na to. Animated pala to. Kala  ko parang animal planet hahaha..

"Eto na doc hehe.." nilapag na niya isa isa sa table sa harap namin yung mga food..

Grabe ang dami naman neto.. Nachos, slices of pizza, at mountain dew code red, may dala din siyang mga chips.. Halatang inimport niya pa lahat to sa ibang bansa ah hehe..

"Wag mo na kong tawaging doc. Jema na lang.. Nakakailang eh.. Sobrang professional ng dating. Friend ka naman ni Deanna."

"Sige, Jema na lang.. Friends na din tayo ah... Maddie or Madz is cool with, kahit ano itawag mo sakin dun.." ang energetic naman niya.

"Ang dami naman ng dala mong food.. Mauubos ba natin to? Ilang movies ba papanuorin natin hehe.."

Tinatry ko maging at ease na kasama siya.. Naiilang kasi ako kanina eh. Di ko naman kasi talaga siya kilala. Pero mukhang mabait talaga siya..

"Eto, madami na sayo to? Eh kulang pa to kay Deanna eh... Saka lahat ng dala ko binili ko for Deanna. Binilin niya sakin lahat yun bago ako lumipad last month.. Pag may nakalimutan daw ako ni isa sa mga binilin niya, ipapamulto daw niya ko kay Ce---" Napahinto siya bigla...

Yung mukha niyang todo ngiti pa, biglang nag iba..

Tumayo siya bigla..

"Ay, Jema, kuha lang ako ng ketchup para sa pizza ah... Nakalimutan ko..." pumunta na siya sa kitchen.

Ipapamulto siya ni Deanna kay Celine, ganon... Di pa niya tinuloy. Nahiya pa siya..

So, kilala niya si Celine? Sa pagkakasabi niya halatang close silang tatlo..

Bumalik na siya ulit.. Naging awkward tuloy ulit yung atmosphere..

"Jema, do you like traveling ba? I mean, being in an aircraft ganon." tanong niya habang nasa tv ang tingin niya.

Closing TimeWhere stories live. Discover now