50

3.7K 136 27
                                    

J

"Hey, Mafs! Dito tayo.. Tara!" salubong samin ng isang babae pag pasok namin dito sa bar.

Kawork ata to ni Mafe. Nakikita ko to sa mga post ni Mafe sa instagram eh.

Ang daming tao, weekend kasi eh..

Hindi ko naaya si Jia kanina. May lakad pala sila ni Miguel din ngayon. So, ako lang ang kasama ni Mafe.

Minessage ko na din si Deanna kanina kaso di siya nag reply. Late na din kasi ako nakapag message.

Tinry ko siya tawagan kanina pero naka off yung phone niya which is unusual. Di naman siya nag papatay ng phone and never niyang hinayaan na ma battery low siya. 

Bumili pa nga siya ng dalawang powerbank just to be sure na may battery siya kahit nasaan siya. Kasi yun na nga lang ang communication namin.

Umupo na kami sa isang couch dito sa elevated area ng bar. May nakaupo ng tatlong tao pagdating namin dito. Puro babae sila. Tapos ako, si Mafe at yung sumalubong samin kanina sa entrance. Bale anim kami.

"Ah guys, ate Jema ko nga pala hehe.. Ate Jema, this is Cait, Rica, Alina and Eya.. Mga engineers din sila.."

"Hi, everyone. Nice meeting you." ngumiti lang ako sa kanila.

Si Mafe nagpaalam muna na pupuntang comfort room.

"Hello, ate.. Di ba doctor po kayo?" tanong ni Eya.

Eto yung sumalubong samin kanina. Pala ngiti siya..

"Ah, yes.. Doctor ako hehe.."

"Wow, ang galing niyo ate.." yung Rica naman yung nagsalita.

"Ate Jema, mababait po kami hehe.. Wag ka po mahihiya ah. Let's enjoy the night. Treat ko po to. Birthday ko po kahapon." yung Alina naman ang nagsalita.

Langhiyang Mafe to, libre daw niya. Yun pala birthday treat to ng kawork niya. Nakakahiya. Sinasabi ko na nga ba, di manlilibre yun eh..

"Ay, talaga.. Sira talaga to, si Mafe.. Di sinabi, akala ko treat niya sakin to. Birthday treat mo pala. Nakakahiya. Mag share na lang ako. Happy birthday ah.."

"Its okay, ate.. Treat ko na to.. Hehe.. Basta wag ka po mahihiya ah.. The sky's the limit tonight, ate.." ngumiti pa si Alina.

Yung Cait hindi nag sasalita. Nakatingin lang sa phone niya. Pero binati naman niya ko kanina.

"Hey, guys.. Let's go, order na tayo!" bungad agad ni Mafe pag balik niya dito..

"Yeah, let's go, Mafs.. Order na tayo! Inuman na! Hehe!" sigaw ni Alina.

"Woooohhhh!" sigaw naman nilang lahat..

Buti na lang di pa gaano kaingay dito sa bar. Chill lang talaga. Swabe lang din yung mga music na pinapatugtog ng dj..

Umorder na sila. Ang dami nilang pinag oorder na drinks and food. Hinayaan ko na sila. Kahit ano naman ako eh. Saka di ako gaano iinom. Ako driver mamaya eh.

Nagkkwentuhan lang sila mostly about sa work at sa mga project na hawak nila. Ako tahimik lang nakikinig lang sa kanila. Di naman ako maka relate eh.

Pag dating ng mga order nila. Ang bibilis, pinag bubuksan na agad nila yung mga bote. Mabilis nilang pinag iinom yung mga alak. Grabe.

Ako isang bote palang di pa ubos, sila parang nakakatatlo na.. Sige kwentuhan lang sila.

Once in a while tinatanong tanong nila ako. Hinahayaan ko lang sila. Nakakatawa din naman yung ibang topic nila. Nag eenjoy na din ako makinig lang sa kanila..

Closing TimeWhere stories live. Discover now