12

3.8K 121 32
                                    

D

Ang tagal naman ni Jema. Sabi niya saglit lang siya.. Nag pprepare na ng dinner si ate, wala pa siya..

Tas tong si Maddie halatang nililibang lang ako eh, naiinip na ko kakaantay kay Jema.. Eto na naman yung pakiramdam ko na to.. Haaaay..

"All right, Deanna. Come on.. Spill.. Why, Jema's here?" sabi ni ate pag labas niya galing kitchen.

"She's my doctor, can't you see?" sagot ko.

"Ahhh, Deans, ate Cy, sa receiving lang ako ah? Just call me if you two need anything.." pagpapaalam ni Maddie.

"I can see she's a doctor... And?"

Okay, I think, this is the right time to tell her about Jema..

"And... I just want you to know that we're back together." kalmadong sabi ko.

"Whaaaaaat???! What back together?! Come on, Deanna. You've gotta be kidding me.. Bad joke!"

"I'm not throwing a joke or a prank here, ate Cy. I'm telling you the truth..."

"She left you! Nakalimutan mo ba?! Gusto mo ipaalala ko sa'yo?"

"Ate, give her a chance.. Mahal na mahal ko si Jema."

Kala ko pa naman maiintindihan ako ni ate agad.. Haayyyy..

"Mahal na mahal?! Deanna, naririnig mo ba sarili mo?" tumaas na boses ni ate..

What's wrong with you ate.. Nakakainis na ah..

"Oo, ate, bakit may problema ba dun? Alam mo naman from the beginning na mahal na mahal ko na talaga si Jema noon pa."

"How about Celine? Mahal na mahal mo din siya di ba? Deanna, iiwan ka lang niya ulit pag nahirapan ulit siya sa sitwasyon niyo."

Si Celine na naman! Wala na nga siya! Wala na! I'm trying to move on from the past, bat ba binabalik pa din nila yun! They're not helping..

"Celine is dead, ate! Please, wag ka na bumalik dun. Si Jema na yung nandito. Cant you see, ate, nagkita kami ulit. Dun pa sa lugar at pagkakataon na pinangako namin noon sa isat isa na magkikita kami. Its Destiny, ate.. Please ate for me, give her a chance."

This is really destiny! This is a second chance for us. At ayoko ng palagpasin to.. I'm fighting for Jema, no matter what..

"I'm telling mom and dad about it... I just dont want to see you suffer again... Hindi ka pa magaling, Deanna. Alam mo sa sarili mo yan, tapos pumapasok ka ulit sa isang bagay na di sigurado, na pwedeng magpalala ng sakit mo."

Nakakainis! Kaya ko nga sinasabi sa kanya to eh. Para sana siya una umintindi samin ni Jema.. Para makita niya na yung nangyari samin noon pareho namin di ginusto yun.. That Jema's here to help me not to hurt or leave me again..

"Ate naman eh.. Ako na magsasabi kina mom.. Wag muna ngayon pag galing ko na please.."

"No! I'm telling them... Para di sila mabigla, just in case, bigla ka na namang magwala dyan at mag attempt---"

Fuck! Ipapaalala na naman nya yun! I was just so vulnerable that time!

"Dont go there ate! Hindi na ako iiwan ni Jema!"

"Hindi mo alam yan, Deanna! Minsan ka na niyang iniwan. Pinoprotektahan lang kita."

"Lalo mo kong pinapahirapan. Lalo lang akong nasasaktan knowing na di mo siya kayang tanggapin ulit para sakin.."

"Mag pahinga kana muna, Deanna."

"No, hihintayin ko muna bumalik si Jema."

"See, ngayon pa lang iniiwan ka na nya, babalik agad pero nasaan.."

Hindi nga ako iiwan ni Jema! Babalik siya! Paulit ulit eh!

"Ano ba, ate, hindi ka ba titigil.... Ahhhhhhhhhh!!!"

Shit!!! Tang ina! Ano to! Parang may humihila sa loob ng binti ko! Sobrang sakit!

"Deanna! What's happening to you?! Maddie, help me..." natataranta na si ate..

Ang sakit sobra... Napahawak ako bigla sa binti koooo...

Nakita ko na lang si Jema sa harap ko bigla. Ang sakit talaga!

"Deanna, Deanna.. Anong nararamdaman mo? Tell me, baby, please..." hinawakan ako ni Jema sa balikat

"Babyyyy.. Ang sakit! Ahhhhhh...." di na ko makapagsalita sa sakit..

"Wait here.. Higa ka baby, babalik agad ako..." Jema, dont leave...

"Deans, Deans.. Higa ka dali... Babalik agad si Jema.. Stay calm, Deans, please..." pagpapakalma sakin ni Maddie..

Saglit lang bumalik agad si Jema..

Tinanggal niya yung makapal na bandage na nakabalot sa binti ko..

Fuck!!! Napa iwas ako ng tingin sa binti ko... Di ko kaya makita.. Ehhhhh..

"It seems okay.. Namamaga lang and its normal after surgery.. I cant see any signs of infection or anything... Paanong sakit ba yung naramdaman mo, Deanna?" tumingin siya sakin.

"Parang may humihila na ewan ang sakit sobra kanina eh. Pero nawala naman din..." paliwanag ko..

"Elavate your leg, okay... Pinulikat ka lang, its normal. Nothing to worry about.. I'll be back with your Tylenol.." umalis siya ulit.

Pag balik niya may dala na nga siyang gamot. Sabi niya kumain muna ako bago inumin yun..

"Sige, Deanna, baba lang ako sa pantry, babalik ako agad."

"Why? Dito ka na muna.. Nagugutom ka ba? There's plenty of food here, baby.. Please dont go."

"Saglit lang ako, promise.. Kukuha lang ako ng food sa pantry."

"Jema, stay here na lang. I prepared dinner. Dito ka na kumain. Come here... Help me here ohhh.." tawag sa kanya ni ate.

Ate please... Please be good to her... Nakikita ko kasi na nag aalangan si Jema kay ate eh. Please naman ate don't push her away...

Sa totoo lang, wala naman talaga silang dahilan para magalit kay Jema dahil sa nangyari sa amin noon. Mga bata pa kami non eh.. Di naman namin parehong gusto na mangyari yun. May mga pangarap lang talaga kami pareho, and as you can see, nagkaroon naman ng magandang results yung mga paghihirap namin non.

Oo, sobra akong nasaktan noon nung iwan ako ni Jema. Pero alam kong siya din nasaktan at nahirapan. Pareho lang kami.

At oo, nung iwan ako ni Jema noon, sa sobrang nalunod ako sa sakit, sa alak ako tumakbo.. Halos araw araw nilalasing ko ang sarili ko para di ko maramdaman yung sakit.

Yung sinasabi ni ate kanina, oo, sinubukan kong mawala na lang, ang sakit sakit kasi talaga sobra non tapos sumabay pa yung struggle ko non sa pag aaral ko..

I cut myself. Wala na akong maramdaman non, punong puno ng alak ang katawan ko, gulong gulo ako.. I saw myself bleeding on my couch, sa unit ko non.. Naririnig kong may nag dodoorbell sa unit ko, pero hindi na ako makagalaw.. Wala na akong maramdaman.

Nagising na lang ako non, nasa hospital na ako. Nandun si ate, si mommy at si dad...

But, it was just part of the past. Walang kasalanan ni Jema dun. Ako ang gumawa non sa sarili ko, hindi siya.. At nag sisisi ako na ginawa ko yun..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon