36

3.5K 123 53
                                    

J

"Happy Birthday, doc!!!"

Waaaahhh!!! Dinig kong sabay sabay na bati nila pag pasok ko dito sa restaurant.. May pa banner pa sila at poppers..

"Hoy, bes! Kainis ka! Dinner treat ka pang nalalaman! May ganito pala!"

"Hoy, ate! Blow your candle na hehehe.." lumapit si Mafe sa amin, may dalang cake..

"Wooohhh! Go, doc! Make a wish!" dinig kong sabi ng mga ka work namin..

Ang dami nila, langhiyang Jia to pano niya nagawa lahat to ng di ko alam.. Kunwaring dinner treat pa may surprise pala..

Nandito kami ngayon sa exclusive room ng isang restaurant dito sa Greenbelt.. I guess, pinareserve nila to..

Pagkatapos kong mag wish at hipan ang kandila.. Isa isa silang nag cheer at lumapit sakin para bumati. Yung iba nagbigay din ng regalo..

Masaya kaming nag celebrate.. Nagkainan at nagkwentuhan lang kami.. Yung iba after kumain at mag stay saglit nag uwian na din. Syempre may pasok pa bukas..

Grabe sobrang nagulat ako, di ko naman ineexpect to..

"Hey, Dr. Galanza, happy birthday.. Here's my gift.." bati sakin ni Dr. Vinzon.. May inabot siyang isang maliit na paper bag.

"Thank you, doc.. Nag abala pa po kayo.."

"Its okay, doc.. See you around ah, I hope we can go out sometimes, if its okay with you.."

"Ahh, if time allows, doc.. Thank you po ulit."

"Alright, I hope we'll have time, hehe.. Oh sige, I'll go na doc ahh.. Balik pa ko sa hospital. Thank you sa dinner.." nag beso lang siya at umalis na din..

"Yiiieeehhhh, Jema!!! Keleeeeeg akooooo.." asar sakin ni Jia.. Tinutusok tusok pa niya ko sa tagiliran..

"Si ate Jemaaaaa... Lumalablayp! Hahaha.. In fairness, cute niya ate hihihi.." naku, dumagdag pa to si Mafe..

Jusko! Maloloka ako sa dalawang to.. Buti kami na lang nandito, nag alisan na silang lahat..

"Hoy! Tumigil kayong dalawa.. Issue kayo.. Mabait lang yun.." pagpapatigil ko sakanila..

"Uy, bes, wag ako ahhh.. Akala mo di ko napapansin sa hospital yung pagdala dala niya ng pagkain sayo at minsan bulaklak!"

Ano ba to si Jia? Hindi ba to busy sa emergency at nakikita pa yun..

Well, totoo naman.. Since Dr. Vinzon started in the hospital, lagi nga niya akong binibigyan ng pagkain at flowers sometimes. Hindi ko din alam kung bakit eh.

He's a new resident in our hospital.. Parang 3 months na ata siya nagttrain eh. Sa emergency department siya.. Dun kay Jia..

"Ayyy! Kaya pala minsan napapansin ko may bulaklak sa likod ng kotse ate ah! Sa kanya pala galing yun! Yiiiieeeee... Finally, ate! Hahaha.." bwiset na Mafe to..

Alangan di ko tanggapin, nakakahiya..

"Ay naku, tama na yan no.. Mabait lang yun.. Tara na nga at nang makapagpahinga na tayo.."

"Hoy, bes! Wag kang kj! Nagpabook kami ni Mafe ng massage para sating tatlo, kaya tara na sulitin na natin ang birthday mo! Mag relax naman tayo.."

Aba! Iba din may pa massage tong dalawa.. Pero sige, its my birthday naman at gusto ko yan para marelax naman.. So much work na hehe..

"Oo nga ate, wag kang kj dyan porket malapit ka na magkalablayp hahahha.."

"Hay nakuuu... Oo na tara na, sayang naman yang birthday treat niyo sakin.. Hahaha.."

Lumabas na kami sa restaurant at naglakad papunta sa spa salon na sinasabi nila..

----------

🙋

Hi, mag popromote lang ako. Haha..

Baka trip niyo basahin yung continuation ng one-shot story ko na "Paris".. Nasa profile ko lang..

Thank you! 😊

Closing TimeWhere stories live. Discover now