60

4K 149 25
                                    

J

Tinuloy ko ang pag reresign sa Makati Med after namin magpaalam sa pamilya ko.

Okay na ang pamilya ko at si Deanna. Okay na din ang kapatid ko at si Deanna. Buti naman, wala na akong iisipin pa kundi ang pagpaplano namin.

Gusto pa ako pigilan sa Makati Med nun dahil asset nga daw nila ako lalo na sa department ko pero buo na talaga ang desisyon ko.

Pinayagan na din nila ako, si doc Lazaro ang tumulong sakin ayusin lahat, naiintindihan daw niya ako.

Si Jia naman at mga kasama ko sa department, nalungkot. Nagpa despidida party pa sila sakin.

Nag bilin pa si Jia na wag ko siyang kakalimutan i-invite sa wedding ko, halos ayaw na akong bitawan kakabilin eh. Hinampas hampas pa ko hehe..

"With your resume and expertise, I won't ask any questions na, doc.. Welcome to the team. Welcome to Cebu Doctors' University Hospital, Dr. Galanza."

"Thank you po, doc.. Thank you po talaga."

Akala ko mahihirapan akong makahanap ng work dito sa Cebu pero hindi. Eto pa lang ang unang hospital na pinasahan ko ng resume, eto kasi ang pinaka malapit kay Deanna. At natanggap agad ako!

"Wait, Dr. Galanza. One question lang pala."

"Yes po, doc.. What is it po?"

"What made you leave your position in Manila? Your resume says, head ka na ng orthopedic sa previous hospital mo. Why doc?"

Nakangiti naman si Dr. Harem pero alam kong seryoso ang tanong niya sakin. Sino ba namang hindi magtataka  sa desisyon ko.

"Doc, it was not a hard decision. I just got engaged, doc. And I chose to be with my partner here in Cebu. Dito po kasi ang work niya eh. And I want us to plan our wedding together. We won't be able to make it kung magkalayo po kami."

There, nasabi ko na.. Totoo naman eh. Yun talaga ang dahilan ko.

"Wow, doc. Congratulations.. I don't know what to say. I just know, you made a right decision. Sabi nga nila di ba, when we love, we always win. So, that's all, doc. You can start on Monday.. You have the whole weekend to explore Cebu, enjoy..."

Tumayo na ako at nakipagkamay kay Dr. Harem. Siya ang medical director dito.

"Thank you very much po, doc.."

Masaya akong lumabas ng hospital. I need to tell Deanna the good news.

Nag hanap na muna ako ng cafe na malapit.

Ibang iba talaga tong Cebu sa Manila. Hindi polluted. Okay lang kahit maglakad ka eh, hindi ganon kainit at kaalikabok.

Hinatid lang ako kanina ni Deanna sa hospital, wala naman akong kotse dito. Maghahanap pa din ako ng apartment malapit sa hospital.

Sa bahay ng parents ni Deanna ako nag stay muna pagdating namin dito. Sabi nga ng parents niya dun na ako mag stay ikakasal din naman kami.

Pero nakakahiya naman, saka sure maiistorbo ko sila dahil sa magiging schedule ko once na mag start na ako sa hospital. Mas okay kung walking distance ako sa hospital since wala naman akong kotse pa dito.

Pumasok ako sa isang coffee shop.. Wala namang gaanong tao.

Umupo ako sa may couch malapit sa counter..

Tawagan ko muna si Deanna..

Ring!

Ring!

Ring!

Closing TimeWhere stories live. Discover now