32

3.5K 119 67
                                    

J

"Ate? Ate Jema? Okay ka lang ba? Di ba may duty ka sa hospital?" dinig kong tawag ni Mafe sa labas ng pinto ng kwarto ko..

Pagkatapos ako iwan ni Deanna kagabi dun sa labas ng building nila tinawagan ko agad si Mafe.. Iyak lang ako ng iyak kagabi pag alis niya..

Naabutan ako ni Mafe na iyak ng iyak lang dun.. Hindi ko na kaya mag drive pauwi kagabi. Buti na lang dumating si Mafe..

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari.. Ang gusto ko lang naman makita siya, isurprise siya, mag dinner kami ng sabay..

Pero iba ang nangyari sa sobrang selos ko, kung ano ano nang nasabi ko. Hindi ko naman sinasadya lahat yun eh..

Pati yung mga tanong ko sa isip ko na tungkol sa nakaraan ni Deanna bigla ko na lang nasabi, hindi ko naman sinasadya madamay yung pangalan ni Celine. Hindi ko talaga alam bat ganon yung mga nasabi ko.

Hindi naman sa ganung paraan ko sana gusto linawin lahat kay Deanna yun eh, pero wala, nasabi ko na lahat kagabi.

Nasaktan ko na siya.. Dahil dun nag desisyon siyang iwan ako.. Pwede naman niyang ayusin yung sarili niya ng kasama ako ah.. Sasamahan at susuportahan ko naman siya.

Ni hindi nga ako nagtanong o humingi ng kahit anong explanation sakanya about kay Celine eh. Kasi nirerespeto ko kung anuman yung meron sila noon.

Thankful nga ako kasi nakilala niya si Celine. Inalagaan siya at minahal nito nung mga panahon na wala ako. Kitang kita naman kay Deanna ngayon kung hanggang saan siya dinala ng pagmamahal na yun ni Celine.

Ibang iba na siya. Sobrang successful na niya. Natupad na niya lahat ng pangarap lang niya non.. Saka yung dating mahiyaan na Deanna noon, ngayon confident na siya. Kaya siguro siya yung laging humaharap sa mga clients nila.

Akala ko pag naging kami ulit, wala ng problema. Magiging masaya lang kami. Pero mali ako ng akala. Hindi na nga pala tulad ng dati, iba na nga pala ngayon.

"Okay lang ako, Mafe.. Hindi ako papasok.. Sige na, wag ka na mag alala.."

"May pagkain sa mesa, ate.. Lumabas ka na dyan ah? Wag ka mag papalipas ng gutom. Uuwi agad ako.."

Hindi na ako sumagot.. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta ang alam ko gusto ko lang mapag isa ngayon.
.
.
.
.
.
----------

D

"Hey, buddy? Anong meron? Okay ka lang ba?" bungad sakin ni Maddie pagbukas ko ng pinto ng unit ko.

Hinawakan pa niya ko sa noo at leeg..

"Sa couch tayo, gutom na ko.. Akin na yan." kinuha ko na yung dala dala niya..

Ang dami naman. May dala siyang pizza at dalawang paper bag..

Pag upo namin sa couch, binuksan na niya agad yung pizza at inilabas yung mga nasa paper bag..

Wow! Apat na pasta bowl yung nasa isang paper bag at canned softdrinks yung nasa isang paper bag naman..

"What happened, Deans? You look terrible? Kumain ka na. Para makainom ka na ng gamot.."

Hindi muna ako sumagot.. Kumuha muna ako ng pizza at pasta. Gutom na gutom na talaga ako..

"Ano, Deans? Spill.. Anong nangyari sayo?"

"I broke up with Jema last night.."

"What?! Why? What happened?"

"I don't know, Mads.. Hindi ata kami para sa isa't isa.. Sinubukan naman namin ulit pero wala eh, parang umuulit lang yung dati nung college kami."

"Sinubukan niyo nga, pero Deans nag kausap ba kayo ng maayos? Naopen mo ba lahat sa kanya?"

"Hindi.. Wala na din namang use pa yan ngayon. Wala na kami. Saka ayoko naman na lagi na lang siya mag aadjust saming dalawa. Alam ko sa sarili kong di pa ko okay."

"Sana sinabi mo sa kanya, Deans.. Baka hindi kayo umabot sa ganyan. Mahirap mangapa sa relasyon niyo. Walang kaalam alam si Jema sa pinagdadaanan mo."

"Tapos na, Mads.. Wala na kong magagawa. Wag mo na ko sermunan.. Samahan mo na lang ako sa LA, please.."

"LA? Why? Pano work mo dito?"

"Nagpaalam na ko sa work.. Gusto ko ulit puntahan si Celine.. Ang tagal ko na siyang di nadadalaw."

"All right, kung yan ang kailangan mo. Sige sasamahan kita. I'll file an emergency leave.. Kailan ba tayo aalis?"

"Soon, Mads.. Get us the soonest flight now.. Gusto ko umalis dito. Imemessage ko na lang sila ate Cy.."

"Sige, ako na bahala sa ticket natin.. Madali lang yun.. Para makapag isip isip ka din.. I'll call Bea.. Pasundo tayo sa kanya pagdating natin ng LA."

"Right! Call her.. Nakakamiss din yun eh.. Labas tayong tatlo agad pagdating natin.."

I met Bea in LA.. Pinakilala sakin ni Maddie nung nandun kami non nung nagkasakit nga si Celine.

Bea is Maddie's childhood best friend nung nasa US pa si Mads.. Dito lang naman sa Pilipinas nag piloto si Mads kaya nandito siya. Pero yung family niya nasa US..

After Celine's death, nag stay pa ko sa LA for more than a year, si Bea yung lagi kong kasama kung saan saan.. Parang naging mag best friends na din kami because of Mads..

Haaay... Namiss ko na yung magkakasama kaming tatlo non.. I guess, its time for me to live life.. Puro na lang sakit.. Ayoko na.. Nakakapagod..

Gusto ko naman maging masaya.. Yung hindi ko kailangang ipaliwanag yung sarili ko, bakit ganito, bakit ganyan.

I just wanna be free of everything..

Its time for me to go out and do whatever I want without restricting myself..

----------

🙋

What do you think guys? Tama ba yung decision ni D?

Closing TimeWhere stories live. Discover now