39

3.9K 151 20
                                    

D

Napadami na kami ng inom ni Kim, nagkasarapan na.. Grabe nahihilo na ko..

"Uy, Deans, ano kaya mo pa? Hatid na kaya kita, iwan mo na kotse mo dito.." naglalakad na kami dito sa loob ng parking..

"Wag na, kaya ko na, Kim.."

"Sure ka ah? Message me pag nakauwi ka na, ha?"

"Oo ang kulet.. Sige na dito na ko.. Dun pa yung parking ko eh.."

"Oh siya sige. Dito na ko.. See you on Monday, Deans.. Happy birthday to you! Hahaha joke.."

"Gago! Sige na.. Bye!"

Naghiwalay na kami ng daan.. Sa kabilang side pa ko nakapagpark eh..

Grabe, napadami ako ng inom, nahihilo ako.. Kailangan ko ata mag stopover muna for coffee ah..

Pag tawid ko, di ko namalayang may parating na kotse..

Shit! Sobrang gulat ko, di ako nakagalaw.. Natumba ko sa harap ng hood niya..

Arrrggghhhh! My head hurts..

I tried to move pero sobrang hilong hilo na ko.. Ang bigat na din ng mga mata ko..

Then, everything went black...
.
.
.
.
.
I woke up in an unfamiliar place.. Inikot ko ng tingin ang paligid ko.. Nasa hospital pala ako..

Kinapa ko yung noo ko.. Ang sakit!

"Hi, ate Deanna!" nagulat ako sa biglang nagbukas ng partition curtain.. Si Mafe!

"Mafe???" gulat na sabi ko..

"Gulat na gulat, ate Deanna? Sorry, ate Deanna ah? Muntik na kita mabangga.."

"Muntik mabangga?"

"Oo, kanina sa parking.. Kaw kasi eh bigla kang tumawid.."

Ahhh yeah, that's the last thing I remembered.. Saka parang nakita ko din si Jema kanina..

"Owww, sorry, Mafe.. Ikaw pala yung nasa kotse.. Sorry talaga, napadami ako ng inom.."

"Okay lang, ate Deanna.. Wag ka muna bumangon ah? Kaka-stitch lang ng sugat mo sa noo.. Wait natin si ate, inaayos lang niya yung discharge form mo.."

"Nandito si Jema???"

"Oo, kasama ko si ate Jema kanina.. Kami nag dala sayo dito.. Bigat mo nga eh hehehe.."

"Ayyy, sorry talaga, Mafe.. Haha.. Libre na lang kita haha.."

"Talaga, ate Deanna? Yown!"

"Teka, Mafe.. Galit ba si Jema sakin?" di ko na napigilang magtanong..

Tutal nandito naman si Mafe, baka may idea siya..

"Uy, ate Deanna! Ang tagal mo nawala ah.. Kailan ka pa nakabalik?" okay di niya sinagot tanong ko..

"Hmmmm.. 4 months ago na since nung bumalik ako dito.."

"Ang tagal na pala, bakit di ka man lang nagparamdam, ate Deanna?"

"Madami kasing nangyari eh, ang dami ko ding inayos pag balik ko. Ngayon ngayon palang talaga ako nakapag settle down totally dito.."

"I see, ate Deanna.. Wait, check ko si ate sa labas.. Dito ka lang.." lumabas na siya agad..

Wew! Di niya sinagot tanong ko.. 🙁

Galit ata sakin si Jema.. What to do now? Haaay...

Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko kaso wala..

"Hey, looking for this?" Jemaaaaaa... Hawak niya yung phone ko..

"Hi, Jema..." yan na lang ang nasabi ko.. Para akong nawalan ng dila..

Lumapit na siya sakin..

"Pwede ka na umuwi, laceration lang naman yung sa noo mo, so, tinahi na yan kanina.. Here's your discharge form na din.." inabot na niya sakin yung phone ko kasama yung discharge form..

"Ate, tara na.. Hatid na natin si ate Deanna.." bungad ni Mafe pagpasok niya ulit dito..

"Ah, wag na Mafe, nasa Greenbelt yung kotse ko eh.. Babalik na lang ako dun, kaya ko naman na.."

"Ano ka ba, ate Deanna.. Di pwede.. Hatid ka na muna namin, mamaya magdugo pa yang sugat mo eh.."

"Yeah, Deanna.. Hatid ka na muna namin, balikan mo na lang kotse mo pag okay ka na.. Dun ka pa din ba nakatira?" ang plain naman ni Jema sakin..

"Ahhh, yes, dun pa din ako sa dati. Sa BGC pa din.."

"Okay, let's go na, kaya mo na ba tumayo?"

"Yeah.. Kaya ko na.." tumayo na ko..

Tapos si Jema dumiretso na siya palabas.. Naiwan ako dito kasama si Mafe..

"Ate Deanna, ano? Sasagutin ko pa ba yung tanong mo sakin kung galit sayo si ate Jema? Hehehe.." nakangising tanong niya..

Haaaaayyyy...

Naglakad na kami palabas.. Sinusundan ko lang si Mafe.. Si Jema, di ko na alam kung nasaan.. Bilis naman mag lakad non..

"Mafe, tulungan mo naman ako sa ate mo ohhh.." binagalan niya ang lakad niya para magkasabay kami..

"Ikaw, ate Deanna ah.. Magkalinawan muna tayo.." napahinto na kami ng lakad.. Humarap siya sakin..

"Sige, ano yun, Mafe?"

"Ano ba balak mo kay ate? Nagpapatulong ka para saan?" ang seryoso ni Mafe..

"Mahal ko siya Mafe.. Mahal na mahal.."

"Eh bakit iniwan mo siya non? Tapos ang tagal mo na pala nakabalik dito, di mo siya hinanap agad.. Alam mo bang birthday niya kahapon?"

"Iniwan ko siya non, kasi ayoko na siya mahirapan dahil sakin. Inayos ko muna ang sarili ko, Mafe para pag humarap na ulit ako sakanya handa na talaga ako, no past issues, no anxiety.. Alam kong birthday niya kahapon.."

"Eh okay ka na ba talaga ha, ate Deanna? Mamaya sasaktan mo na naman si ate, di na talaga kita mapapatawad!" fierce, Mafe! Medyo natakot ako..

Pero syempre fight kung fight, para kay Jema!

"I can assure you, okay na ko.. Please help me na with your ate oh, please Mafe.."

"I can't totally help you, ate Deanna.. Dapat paghirapan mo si ate.."

"Panong paghirapan?"

"Tsssss! Ate Deanna! Where's your brain? Engineer tayo! Syempre, ligawan mo si ate Jema, duh! Pati ako idamay mo na sa mga pa food mo ah hehehe.. Sige ka di kita ilalakad kay ate Jema!"

Ayyy! Food lang naman pala ang gusto ni future sister-in-law!

"Okay, okay sige.. Gagawin ko yan! Yaan mo idadamay kita sa libre hehehe.. Tulungan mo ko ah.." inakbayan ko pa siya..

Naglakad na ulit kami papunta sa parking.. Baka namumuti na yung mata ni Jema dun hahaha..

Pag pasok namin ng kotse si baby ko, nakasimangot na.. Sa likod ako nakaupo, si Mafe sa harap.. Si Jema ang nasa driver's seat..

"Ate, kakatapos lang ng birthday mo nakasimangot ka na agad. Hahaha.."

"Bakit ang tagal niyo kasi?" naku nalintikan na, naiinis na bebe ko.. Hihihi..

Patay malisya lang ako sa back seat.. Sige mag away lang kayong magkapatid dyan haha.. Okay lang ako dito...

"Mag drive ka na lang ate, para makauwi na tayong lahat.. Please.. Labyu! Mwaaahhh.." yan ganyan nga Mafe.. Ikaw muna ang lumambing hehehe..

"Yeah, right.." nag drive na si Jema..

What an unexpected day...

I need to think how will I court Jema... Hindi na eepekto ata sa kanya yung pa cute cute ko lang..

Think hard, Wong! Think!

-----------

🙋

So, guys? Anong dapat gawin ni D?

Comment & suggest! 😁

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon