7

4.2K 128 19
                                    

J

Piniprepare na namin si Deanna for her leg surgery..
Okay naman na siya. Pwedeng pwede na for surgery..

Nabigyan ko na din siya ng shot pampatulog at pampakalma.. We're on our way now to the operating room.

"Baby, I'm scared..." I'm holding her hand..

"I'm just here... When you wake up, everything is gonna be okay. I promise.." I'm trying to keep her calm.

I need her to stay calm.. Kung hindi, di kami matutuloy sa surgery...

Tulog na siya ng makarating na kami sa operating room.

This is it, Jema... You can do it.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil si Deanna to.

Hindi ako pwedeng magkamali o ano pa man. Kung yung mga pasyente ko nga nagagawa kong magamot, dapat lalo si Deanna..

Kailangan kong patunayan sa kanya na lahat nung naging sacrifices namin sa relationship namin non nag bunga naman, na naging magaling akong doctor.

----------

After more than 3 hours of surgery...

Everything is good...

The surgery is successful. I just need to observe kung ano yung magiging reaction ng katawan niya sa surgery. And I hope no complications for Deanna. Bihira naman yung complication sa ganito lalo kung tinututukan naman yung process.

She's back here in her room.

Before the surgery, she called her family and told them about her surgery.

Hindi na niya pinapunta yung parents niya. Pero yung ate niya, alam ko dadating mamayang gabi. Kinakabahan tuloy ako. Baka galit sakin yung ate niya.

I stayed here in her room... Siya lang naman patient ko.. Aantayin ko na muna siya magising.

After awhile I heard a knock... Dumiretso agad ako sa hallway..

"Hi, is this Deanna Wong's room?" a tall woman asked.

Parang nakita ko na siya dati. Di ko lang maalala saan..

"Ah, yes, this is her room. I'm Dr. Galanza. You are?"

"Oh, Galanza? Finally in flesh... Hi, I'm Maddie. Can I see her?" teka, kilala ba niya ko?

"Yes, of course, friend ka ba niya?"

"We're close friends. I went straight here after I landed. Her sister called me, how's her surgery?"

Pumasok na kami sa loob...

"Its all good. Successful naman. Pero I need her to wake up. Para mas ma-assess ko siya."

"Okay. I hope its all good.. I'll stay here hanggang magising siya ha? Nagka problem sa flight schedule ni ate Cy eh. Bukas pa ng hapon yung dating niya not tonight. So, I need to be here for Deanna. If its okay with you?"

"Okay lang, do you need anything? I mean, water or food?"

"I'm all good. Madami akong dalang food here. Did you eat na ba?"

"I'm okay.."

Chineck niya saglit si Deanna tapos dumiretso na siya sa kitchen para ayusin yung mga dala niya. Ang dami nga niyang dalang food. Puro pagkain yung laman nung isang bag na dala niya. Tapos yung backpack niya nakita kong pinatong niya sa couch dun sa receiving.

Mukha ngang close sila ni Deanna at nung ate ni Deanna. Knowing na tinawagan pa siya. Parang ang datingan ibinilin sakanya si Deanna.

Sabagay, hindi pa nasasabi ni Deanna yung about samin. Technically, ilang araw palang naman kaming nagkakabalikan eh.

"Doc, I'll prepare food for us, ha? Wag ka aalis. Kain tayo. Samahan mo ko. I know gutom ka na din. Bawal tumanggi ah. Dyan ka lang." she called from the dining table, kita kasi dito yung receiving at dining area.

Ngayon ko lang din napansin na naka uniform pa siya. Kung di ako nagkakamali, this is a pilot uniform.

So, she just came from a flight? Tapos dito na agad siya dumiretso?

Nalilito ako.. Pero feeling ko there something serious why she's here. Why she needs to be here for Deanna.

Tinawagan pa siya ng ate ni Deanna para sabihin
na may flight schedule problem, na para bang dapat may isa sakanila na nandito bago magising si Deanna.

Eh leg surgery lang naman yung ginawa ko. Deanna will be perfectly fine pag nagising siya. Ang pwede lang naman niya maramdaman pag gising niya is pain due to surgery, pwedeng pwede ko siyang bigyan ng pain reliever for that.

Ang daming tanong sa isip ko... Masasagot lang yun pag nagising na si Deanna. Pag nagkausap na talaga kami...

"Hi, doc... Tara na kain na tayo..." nasa harap ko na pala siya.

"Ahh, sige, thank you ah, nag abala ka pa "

"Its okay... Basta para kay Deans. Hehe."

Wow! She prepared a bento and red iced tea. Nagutom ako bigla. May dala pala siyang ganito..

"Wow! Dami naman nito. Parang nagutom nga ako. Hehe. Thank you ah." sabi ko sakanya.

"Madami pa yan. Nilagay ko na sa ref. Kung gusto mo pa, I can prepare another one for you. Favorite din kasi ni Deans to eh. So, bumili ako ng madaming ganito sa Tokyo bago bumalik dito."

Favorite na pala ni Deanna to. Ang dami ko na palang di alam sakanya. Sabagay, ang tagal naming di magkasama. Uste days namin okay na kami sa unli chicken wings eh.

"Ah talaga? Favorite ni Deanna pala to. Galing ka pang Japan?"

Ang sarap nga ng bento na to. Authentic. Ibang iba sa lasa ng mga nakainan ko dito.

"Yes, galing pa kong flight from Japan. Actually, galing pa kong Dubai. Tapos stopover sa Japan. Dumiretso na ko dito pag lapag ko kanina."

Grabe pala... Pagod pagod sa byahe.. Parang ang urgent nung kay Deanna at dumiretso pa talaga siya dito.

"Nakakapagod naman pala. Bat di ka muna umuwi para sana makapag rest ka, Deanna will be okay here."

Gusto ko talaga malaman bakit kailangan nandito siya.. Feeling ko kasi hindi lang dahil sa surgery ni Deanna..

"She will not... I need to be here, to be sure na okay nga siya pag gising niya. Kaya nga dumiretso agad ako dito nung sabihin ni ate Cy na she wont make it tonight. Deanna needs support."

"What do you mean she will not?"

Naguguluhan ako.. Ano bang tinutukoy niya..

"You will know when she wakes up. Dun ko lang malalaman kung okay na ba siya."

Hindi na ako nakapag salita... Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

Tinapos ko na lang yung food na kinakain ko.

----------

🙋

Support my one-shot story "Stills" on my profile.

Thank you! 😉

Closing TimeWhere stories live. Discover now