41

4.1K 164 26
                                    

D

"Deans, nagmamadali?"

Biglang pumasok si Kim dito sa office ko.. Nagmamadali na akong ayusin yung mga gamit ko eh.. Early out ako ngayon..

Pupuntahan ko si Jema. Sisimulan ko na ang panliligaw sa kanya.. 😊

"Medyo, Kim. Pagbigyan mo na ko.. Baka last chance ko na to.. Ayoko masayang lahi ko. Haha.."

"Sinasabi ko na nga ba eh! Lalahian mo lang si Jema eh.. Umalis ka na nga.."

"Hoy, biro lang.. Dadaanan ko pa kasi yung bouquet sa flower shop. Isusurprise ko nga siya.."

"Oo na, good luck sa panliligaw, Deans.. Pag di ka sinagot, sagot ko na alak at pulutan!"

"Tarantado ka! Eh kung pinagdadasal mo kayang sagutin ako para nakakatulong ka.."

"Gagi, joke lang, Deans! Kayo pa ba ni Jema.. Eh malakas kayo sakin.. Sige na, balik na ko sa office ko.."

"Sige.."

Pag pasok ko kaninang umaga, kinuwento ko agad lahat kay Kim yung nangyari after namin mag inuman nung Sat..

Di siya makapaniwala eh.. Destiny daw yun! Of all people, si Jema pa daw ang makikita ko non.

Wag ko na daw sayangin yung chance na to, tadhana na daw gumawa ng paraan para magkita kami.

Inasar pa ko na ang bagal ko daw kasi, nainip daw tuloy yung tadhana, ipinabangga na daw ako sa kotse ni Mafe para maalog utak ko.. Walang hiyang, Kim talaga! Hahaha..

Pagkatapos ko mag ayos umalis na agad ako.. Dadaan pa ko sa flower shop...
.
.
.
.
.
"Ate Deanna, asan ka na?" tanong agad ni Mafe pagsagot ko ng tawag niya..

Nasa daan na ko papuntang Makati Med..

"On the way na ko. Dumaan pa kong flower shop eh.."

"Bilisan mo pa out na yun.."

Pinatanong ko kay Mafe kung anong oras out ni Jema ngayon para sa surprise ko. Aayain ko siyang mag dinner..

"Eto na malapit na ko.."

"Sige, ate Deanna.. Good luck! Galingan mong manligaw, naku! Saka pala ihatid mo na din pauwi si ate, tinatamad na ko bumalik ng Makati. Lubusin mo na panliligaw mo.."

"Oo naman.. Ako na bahala. Wag ka mag alala.."

"Okay, sige.. Ingat ka.. Bye, ate Deanna.."

Bihira kasi magdala si Jema ng sasakyan.. Madalas nagpapahatid at sundo lang siya kay Mafe.. Si Mafe kasi lagi nagdadala ng sasakyan nilang magkapatid..

Buti na lang hindi pa gaano traffic.. Nakarating agad ako.. Dali dali akong nag park.

Inayos ko saglit ang sarili ko.. Pwede na, pogi na! 😁 bumaba ako ng kotse, hawak ko yung bouquet..

Habang naglalakad ako papalapit sa entrance ng hospital, natanaw ko na si Jema..

Ang ganda naman ni Jema... 😍

Teka, sino tong kasabay niya? 🤔

Close ba sila? Nakangiti pa si Jema habang kausap siya.. Tas tong guy todo ngiti din..

Parang nag aasaran pa ata sila.. Hmmmp! 😒

Bad trip!

Chill, Wong! Manliligaw ka.. Bawal ka mag selos!

Ay, oo nga pala.. Huminga muna ako ng malalim.. Pinakalma ko muna sarili ko..

Dapat maganda ang first impression ni Jema sa unang araw ko sa panliligaw ulit sa kanya..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon