13

3.8K 124 34
                                    

J

Okay naman yung binti ni Deanna.. Pinulikat lang siya which is normal lalo na hindi naman niya na igagalaw pa yun..

As I can see.. The surgery is perfectly fine.. Hindi na deformed yung binti niya..

Nagpaalam ako sa kanya na lalabas saglit pero ayaw niya.. Naiilang kasi ako kasama yung ate niya lalo na sa mga narinig ko kanina sa pag uusap nila.. Hindi ko alam paano talaga makikisama.

Alam ko eventually need ko talaga pakisamahan yung ate niya, yung pamilya niya. Pero sa ngayon need ko muna ng lakas ng loob para don.. Mahal na mahal ko siya and I'm not backing out kahit ano pang mangyari.

Narinig ata ako ng ate niya from the dining table. Tinawag ako.

Lumapit na ako kay ate Cy..

"Jema, I'm sorry how I acted earlier.." panimula ni ate Cy

"No worries po. I understand po."

"I can see how you take care of Deanna. Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Wala na akong magagawa dun, kundi ang suportahan siya."

"Mahal na mahal ko po si Deanna. Lahat gagawin ko po gumaling lang siya."

"Sure akong kayang kaya mo yung leg injury niya, I can see it on your coat.. But, there is more, Jema.. And I hope, sana kahit makita mo yung worst about her, hindi mo siya iwan. Please, Jema.. Ayokong mangyari ulit yung dati."

Naguguluhan na naman ako.. Ano ba talagang nangyari noon..

Magtatanong pa sana ako.. Kaso niyaya na niya ko na dalhin dun kay Deanna yung mga food..

Magaan na yung atmosphere habang nagdidinner. Kinakausap na ko ng ate niya, tinatanong ako ng kung ano ano, si Deanna din halatang ang saya niya, asaran lang sila ng asaran ni Maddie.

Buti naman umokay na kahit papano. Nakahinga na ko ng maluwag. At least, alam kong okay na ako sa ate niya. Hindi na ko mahihirapan makisama.

Sa bawat araw na nandito si Deanna sa hospital nakikita ko na she's responding well with the surgery. Ang bilis humupa ng maga ng left leg niya. Mabilis din gumaling yung tahi sa binti niya.

"Baby, hindi pa ba ako pwede lumabas dito?" tanong ni Deanna sakin

"Malapit na, baby, hindi naman na namamaga yung binti mo eh. 2 to 3 days pwede na kita irelease para makauwi ka na. Tulog ka na."

"Talaga, baby? 2-3 days na lang? Thank you! Thank you! Ayoko na kasi dito eh.. Sige sleep na ko. Stay here ha.. Wag ka aalis, baby ha.. I love you!"

"Dito lang ako, di ako aalis, baby.. I love you!"

Pwedeng pwede na talaga siya lumabas. Need na lang ng rest ng binti niya..
.
.
.
.
.
And yes, after 2 days, nirelease ko na siya.. She's good to go.. Need na lang ng follow up and therapy.. Pwdeng pwede ko naman gawin yun sakanya kahit di na siya pumunta ng hospital..

Nandito na kami ngayon sa condo unit ni Deanna. Kakarelease lang niya sa hospital..

Hindi niya pa pwede gamitin yung paa niya.. Need niya muna mag crutches. Siguro 2-3 weeks pa. Depende sa healing process ng binti niya sa loob.

Mamaya na ding hapon yung flight ng ate niya pabalik ng Cebu.. Need na daw nito bumalik.

"Jema, can we talk?" tanong sakin ni ate Cy.

Nasa room na si Deanna, kasama si Maddie.. Kami naman nandito sa kitchen nag reready ng lunch. Ihahatid na kasi mamaya ni Maddie sa airport si ate Cy..

"Yes po, ate.. Ano po yun?"

"Ikaw muna bahala kay Deanna, okay lang ba? Need ko na bumalik sa Cebu eh. Pero babalik ako agad after ng commitments ko dun.."

"Don't worry po, nag leave po ako para sakanya.. Ako po mag aalaga sa kanya hanggang sa umokay na siya.."

"Thank you, Jema.. And... Please, stay with her as possible as you can, lalo na ngayon.."

"Ako pong bahala, ate.. Di ko po siya iiwan. Lalo na ngayon."

"Jema, please don't leave her.. Di na niya kakayanin.. Baka sa susunod hindi ko na siya makitang buhay.."

Napatigil tuloy ako sa ginagawa kong paghahalo ng sauce ng pasta. Napatingin ako kay ate Cy..

"What do you mean po ate? Anong buhay? Di ko po maintindihan."

"When you left, she was really devastated.. Hindi ko alam that time na wala na kayo, di ba si Deanna lang naman yung nandito non."

"Opo, ate.. Alam ko pong siya lang yung nandito.. I'm really really sorry po.. Hindi na po mangyayari yun. Ano pong nangyari sakanya, ate?"

"Ilang araw ko na siyang tinatawagan, Jema non. Hindi siya sumasagot. Nalaman ko lang sa mga kaibigan niya na hindi na siya pumapasok. Mas lalo akong nag alala nung isang gabi na tumawag ako, hindi na nag riring yung phone talaga niya. I took the flight that night, Jema.."

Biglang huminto si ate Cy.. Kita ko sa mukha niya yung pag aalala, yung lungkot... Huminga siya ng malalim..

Hindi ako nagsasalita. I dont want to interrupt her. I want to know everything..

"Gabing gabi na ko dumating, Jema. Dumiretso ako agad sa unit niya.. Ilang minuto na kong nag dodoorbell, kumakatok, pero walang nagbubukas. Alam kong nandun siya, tinanong ko sa receptionist dun. Nasa parking din ang kotse niya. Naririnig ko din sa labas ng pinto yung malakas na music. Nagpatulong na ako sa security dun para mabuksan ang unit niya.."

Huminto ulit siya.. Ate please continue.. My curiosity is killing me...

. . . "Pag pasok namin sa unit niya... I saw Deanna on the floor, sa living room... Nakadapa siya, madaming empty bottles ng alak na nakakalat, her wrist was bleeding, Jema... She cut both her wrist, Jema... Naliligo na siya sa dugo pagdating namin. We rushed her to the hospital.. We almost lost her, Jema..."

Paulit ulit sa utak ko yung sinabi ni ate Cy na 'We almost lost her." Deannaaaaaa... Why???

Hindi ko alam na ganon ang nangyari sakanya.. Hindi ko alam na ganon ang naging epekto sa kanya ng ginawa ko.

Napayuko ako.. Napaiyak na lang ako... Hindi ko alam ang sasabihin ko..

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ng ate niya..

"Jema, tapos na yun.. Nandito ka naman na.. Hindi mo na siya iiwan di ba?"

Umiiyak lang ako... Hindi ako makapagsalita..

"Jema, promise me... Hindi mo na siya iiwan, please.. Na pag balik ko buhay pa siya, please, Jema.."

"I promise, ate.. Hinding hindi na mangyayari yun. Hindi ko na siya iiwan. Hindi ko hahayaang mawala siya.."

Sa nalaman ko, mas lalong lumakas ang loob ko na ipaglaban yung sa amin ni Deanna. Humarang na lahat, pero hinding hindi ko na siya iiwan.. Kung mahina man siya ngayon, ako magiging lakas niya.

"Sige na, tama na ang iyak, Jema.. Ayusin na natin to, baka gutom na yun si Deanna hehe, ang takaw pa naman non." pagpapatahan niya sakin.

She's trying to change the mood..

"Sige po, ate, sorry po.. Wag na po kayo mag alala kay Deanna.."

"Thank you, Jema. At least, panatag akong uuwi sa Cebu.. Don't worry about mom and dad, ako mag eexplain sa kanila." and she tapped my back.

Inayos na namin yung lunch at sabay sabay kaming naglunch. Masaya lang kaming kumain, at hindi nawala yung asaran nila Maddie at Deanna.

Closing TimeWhere stories live. Discover now