37

3.7K 132 22
                                    

D

Its been 4 months since I went back here in Manila..

Pagdating ko, ilang araw lang, pumunta na agad ako sa office namin para sabihin kay Kim na babalik na ulit ako sa work.

Nalaman ko din na yung iniwan kong project sa Bacolod siya pala ang humawak at si Ysa nga yung architect..

And now, I'm really back to work... Mga projects muna dito sa Manila yung hinahawakan ko.. Most of the time nandito lang ako sa office, nakaharap sa drawing table o kaya naman sa laptop ko, doing structural plans or revising some plans..

I visited a psychiatrist too when I came back, to addresed my anxiety.. I had some appointments with him and then, he released me and told me that I'm totally fine.. That I can manage myself on my own..

Unti unti kong inayos ang sarili ko.. From letting go of my past to addressing my anxiety and now, getting back to my work, full time.. I never felt this good for a very long time, ngayon na lang ulit.

Parang nawalan ako ng mabigat na bagahe.. Ang gaan na ng pakiramdam ko, I don't feel lost anymore..

I was able to let go of my past, I regained myself and I'm back to my work..

Isa na lang ang kulang.. Matatanggap pa kaya niya ko ulit? Mapapatawad pa kaya niya ko sa lahat ng nagawa ko? May pag asa pa kaya kaming dalawa ulit?

All I can do is hope for the best..

"Hey, dude, di ka pa uuwi?" biglang sulpot ni Kim dito sa loob ng office ko..

Napatingin tuloy ako sa relo ko.. Wow! Overtime na ko.. At tong mokong na to overtime na din.. 7pm na pala.. Di ko napansin..

"Owww, late na pala.. Bat nandito ka pa?" tanong ko sa kanya..

"Tinapos ko yung revisions ko eh.. Nag overtime na ko, ayoko na iuwi sa bahay haha.. Tara, dinner tayo.."

Tumayo na ko at kinuha yung messenger bag ko..

"Ah, pareho pala tayo.. Tara, gutom na din ako.. Saan tayo?"

"Greenbelt tayo, Deans.. May bagong bukas na Japanese restaurant dun eh.. Saka may bibilhin din ako dun hehe.."

"Oh sige.. Convoy na lang tayo.. Di naman na siguro tayo maiipit sa traffic papunta dun.."

"Oo, hindi na yan.. Tara na.."

Bumaba na kami agad ng building at sumakay sa mga kotse namin.. Nauuna si Kim sakin..
.
.
.
.
.
Pagdating namin sa Greenbelt.. Etong si Kim nagmamadali ng maglakad..

"Hoy, Kim! Slow down.. Gutom na gutom?"

"Gagi! Naiihi na ko.. Hahaha.."

"Bwiset hahaha.. Kala ko gutom na gutom ka eh haha.."

Pag pasok namin sa restaurant.. Si Kim halos takbuhin yung cr haha..

Kaya ako, naghanap na lang ako ng upuan namin.. At nag order na din ako para samin. Gutom na gutom na ko eh.. Di ko napansin yung oras kanina..

Nakita ko si Kim papunta na sa pwesto ko..

"Nag order na ko, Kim para satin ah. Order ka na lang kung may iba ka pang gusto."

Umupo na siya sa harap ko.. Dito ako pumwesto sa tabi ng glass..

"Sige, alam mo naman order ko.."

"Ah, Kim kamusta na pala yung project sa Bacolod?"

"Okay naman, babalik nga ko next week dun eh.. Gusto mo sumama?"

"Ay wag na.. Mag site visit ako next week eh.. Saka mahirap ng walang maiiwan na isa satin sa office. Baka may biglang dumating na walk-in clients."

"Okay, ikaw bahala, pero sila Trish at Kat, nag aaya dun.. Di ka pa nila nakikita since bumalik ka.."

"Yeah, I know, Kim.. Namimiss ko na din naman sila eh.. Matagal pa naman yung project dun di ba?"

"Oo naku, matagal pa yun.. Pero we can always go sa Bacolod kahit walang  project dun no.. Uso din naman mag relax, Deans."

"Nagpapahinga naman ako ah.. Ang dami lang talagang deadlines ngayon.."

"Alam ko naman yan. Pero Deans, how are you na ba? Okay ka na ba talaga?"

"Oo, Kim okay na ko.. Nirelease na ko ng psychiatrist ko last month.."

"That's good to hear, Deans.. Okay na okay ka na talaga.. Eh yan okay na ba yan?" tinuro niya ang puso ko..

Dumating na yung order namin.. Nahinto kami saglit sa pag uusap.

"Eto, medyo.. Naka move on na.. Medyo buo na din.. Isa na lang ang kulang.."

"Siya pa din, Deans?"

"Siya pa din.. Kaya nga ako bumalik dito eh para sakanya."

"Eh bakit di mo siya pinuntahan agad pagdating mo non?"

"Syempre, inayos ko muna sarili ko.. Gusto ko pag humarap ulit ako kay Jema, okay na ko.. Ready na ko.. Yung wala na kong past issue, wala na kong anxiety, nakabalik na ko sa work ko.. Nagegets mo ba ko?"

"Oo, naiintindihan kita.. Alam mo bang binalik balikan ka non ni Jema sa unit mo nung umalis ka? Pumunta nga siya sa office non eh.. Hindi pala niya alam na umalis ka.. Sakin lang niya nalaman."

"Sobrang gago ko non, Kim.. Kala ko maaayos ako sa LA pero hindi, naging ibang tao ako.. Hay ayoko na maalala.."

"Tapos na yun, Deans.. Ang mahalaga you regained yourself again.. Inayos mo sarili mo.."

"I'm just hoping na sana matanggap ako ulit ni Jema, na sana hindi pa huli ang lahat para samin."

"Bakit hindi mo pa siya puntahan? Okay ka naman na di ba? Make your move, Deans. Baka maunahan ka ng iba.. Its been what, Deans? Almost a year na?"

Napatingin tuloy ako sa phone ko na nakapatong sa table.. Nakita ko yung date..

"Wait, Kim.. It's Jema's birthday today! Ngayon ko lang napansin yung date.."

"Talaga, Deans?" gulat na tanong niya..

"Oo, Kim. Birthday niya ngayon.. Haaaay... Kamusta na kaya siya? Nasa hospital kaya siya, nag celebrate kaya siya? Haaaaay..."

"Tawagan mo! O kaya imessage mo.."

"Ayoko nga, ano yun bigla bigla na lang ako tatawag. Saka gusto ko makausap ko muna siya ng personal no.."

"Deans, uso kasi mag facebook eh para magreet mo siya dun o kaya makita mo yung mga happenings sa buhay niya.."

"Alam mo namang tamad ako sa mga ganyan.. I just hope na masaya siya ngayon sa birthday niya."

"Yeah, yeah, right.. Alam mo uminom na lang tayo.. Sabado naman bukas, Deans. Tara!"

"Hay naku, gusto mo lang uminom eh.. Tara sige.. Sayang di natin nayaya yung dalawa.."

"Wag na yun, walwal lang gagawin non ni Trish! Haha.."

"Kala mo ikaw hindi ah! Konti lang ah? Mag ddrive pa tayo pauwi.."

"Duh, Deans! Wala ng traffic mamaya.. Bilisan na natin kumain, uhaw na uhaw na ko. Hahahaha.. Kanina pa nag aantay satin yung Hard Rock! Hahaha!"

Langhiyang, Kim to.. Nag aya ng dinner diretso inuman pala to.. Sabagay, Friday naman ngayon.. Walang pasok bukas.. I'll celebrate Jema's birthday na din kahit di ko siya kasama..

Closing TimeWhere stories live. Discover now