48

3.4K 126 5
                                    

D

Weekend! Finally!

Makakauwi na ako sa bahay namin.. Rest day muna.. Nakakapagod at nakaka stress dito sa site..

Kagabi pa lang inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko pauwi samin, para mamaya diretso uwi na ako..

Ilang oras na lang naman uwian na din ng mga workers namin dito. Nag iikot na lang din ako dito sa site. Nagbilin ako sa security sa mga dapat i-secure na mga gamit.

Di na rin ganon ka init. Hapon na kasi.. Umupo muna ako dito sa labas ng barracks.

Nakita kong papalapit sakin si Sam. Araw araw siyang nandito sa site. Mula umaga hanggang lunch o minsan hanggang hapon.

"Hey, Deanna.. Later ah? Labas tayong tatlo ni Mich.."

Oo nga pala niyaya nila ako nung nakaraan. I can't say no sa client namin. Kahit kaibigan ko na siya.

Well, weekend naman.. Sige pagbibigyan ko na sila.

"Yeah, sure.. Sige labas tayo.. Si Mich pala nasaan? Di mo ata kasama?"

"Nag mall na lang siya, ayaw na niya dito. Ang init daw at alikabok.."

"Hindi lang siya sanay hehe.. Anyway, saan niyo ba gusto pumunta mamaya?"

"Nagpareserve na ako sa Shangri-La, okay lang ba dun tayo? Maganda daw dun eh may bar pa pwede tayo mag unwind."

Wow naman! Dun talaga? Eh luxury beach resort dito yun sa Cebu eh. Once palang ako nakapunta dun. Nung birthday ni ate Cy non..

"Okay lang naman.. Sige dun tayo ako na sa drinks.. Hehe.."

"Ano ka ba, wag na. Okay na lahat. Wag mo na isipin yun. Basta mamaya kita na lang tayo dun ah? Dinner time 7pm. Message ko sayo kung saan dun. Nag book din ako ng room natin dun.. We can stay there the whole weekend."

"Sure, Sam.. I'll be there. Send me the details na lang. Thank you.."

"Sige.. I'll go ahead na. See you later, Deanna.."

"Ingat, Sam. See you.."

Naglakad na si Sam paalis.

Hmmm.. Di pala ako makakauwi samin.. Pero okay lang, staycation pala to. Sarap! Perks!

Mag memessage na lang ako kay mommy na di ako makakauwi. Tatawagan ko din pala si Jema.. Magpapaalam ako..

I dialed her number, and on the first ring palang sinagot na niya agad.

"Hi, baby.. How are you? I miss you.." bungad ko kay Jema.

"I miss you so bad, baby.. I'm okay naman.. Sad lang wala ka eh.." awww ang tamlay nga ng boses niya.

"Wag ka na ma sad, baby.. You can visit here naman pag di ka busy eh.."

"Sige, baby.. Pag hindi busy dito sa hospital. I love you, baby.."

"I love you too.. Baby, magpapaalam pala ako.."

"Oh, ano yun?"

"Niyaya kasi ako ng anak ng owner netong ginagawa naming mall sa beach resort mamaya, buong weekenda actually, unwind lang. Nagpareserve siya. Okay lang ba sama ako?"

Fingers crossed. Sana pumayag. Naka oo na ko kay Sam. Waaahhh..

Ilang segundo pa bago sumagot si Jema..

"Yeah, sure, baby. You deserve a rest naman.. Sino sino pala kayo? At sino nga pala yung anak ng owner di mo kasi nasabi nung nakaraan."

Fookt.. Di ko na nga pala nasabi kay Jema na kilala ko si Sam. At kasama ni Sam si Mich.

Di ko alam pano sasabihin kay Jema. Dapat sa personal eh.. Di ko na kasi nakwento sa kanya yung buong detalye ng nangyari sakin sa LA non. Kinalimutan ko na kasi yun eh.

Hindi ko naman kasi alam na mangyayari to, na si Sam yung anak ni Mr. Litton tapos kasama pa pala niya si Mich dito. Naguguluhan na ko..

Ang hirap naman iexplain sa phone lang..

"Ah baby, Sam Litton yung name.. Kami kami lang naman kasama yung kaibigan niyang nagbabakasyon din dito. Okay lang ba, baby?"

Sana di na magtanong pa si Jema.. Di ko na alam sasabihin ko eh..

"Babae yung Sam? At yung kasama niya sino?"

Okay, nagtanong pa din siya..

"Yeah, baby.. Babae si Sam.. Yung kasama niya, Mich naman yung name.. Client naman namin sila eh.."

"Hmmm, okay, baby.. Ingat ka and enjoy your weekend."

"Yey! Thank you, baby.. I love you!"

"Behave, Deanna please.. I love you too!"

"Behave ako, baby.. Mwaaaah!"

"Sige na, baby.. May patient pa akong ichecheck.. Call me when you miss me hehe. Love you!"

"I love you more, Jema! Bye, baby ko.."

Yes! Buti na lang pinayagan ako ni Jema.. Ready to go na ko mamaya..
.
.
.
.
.
----------

J

Deanna called.. Nagpaalam lang na sasama sa weekend getaway nila ng boss niya.

Pumayag na din ako, client naman nila yun. At saka kahit sino pang kasama niya may tiwala naman ako sa kanya.

Saka pano naman ako hihindi, halatang halata sa boses niya na gustung gusto niya talagang sumama.

Deserve naman niyang mag unwind kahit papano. Nakakapagod naman kasi yung trabaho niya.

At ako eto, nasa hospital lang.. Hinaharap yung mga pasyente ko araw araw.

Narinig kong nag ring ulit ang phone ko. Nakabalik na ko dito sa office ko sa hospital.

Si Mafe pala..

"Oh, napatawag ka Mafe?"

"Labas tayo mamaya ate, weekend naman."

"Ehhh, gusto ko magpahinga pag uwi."

"Sige na.. Puro ka na lang trabaho. Mag unwind ka naman. Libre ko! Ano? Go na? Ayain mo si ate Jia. Sama ko din kawork ko."

Hmmmm.. Sige na nga.. Minsan lang manlibre to si Mafe. Saka wala naman akong gagawin din pag uwi..

"Oh sige, oo na. Libre mo ah? Daanan mo ko mamaya dito sa Makati.. Sabihan ko na lang si Jia."

"Yahooo! See you later, ate! Bye!" di na ko nakapagsalita binaba na agad niya yung tawag.

Its time to unwind din paminsan minsan..

Imemessage ko na lang si Deanna na lalabas din kami mamaya nila Mafe. Para alam niya.

Closing TimeWhere stories live. Discover now