47

3.7K 135 25
                                    

D

Pag baba ko sa unahan ng site, napansin kong may unfamiliar na kotseng naka park, baka eto na yung sa anak ng owner..

"Kuya, nandito na daw yung anak ng owner?" tawag ko sa isang worker namin.

"Nag cr lang po, engineer pabalik na din yun.."

"Ah, okay. Sige, balik ka na dun.."

Inikot ko muna ang tingin ko sa buong site.. Mahaba haba pa ang trabaho namin dito.

Matagal pa ang ilalagi ko dito sa Cebu.. Haaaayyy..

Pag harap ko ulit sa likod ko, natanaw ko ng may papalapit dito.. Kasama yung architect namin..

Babae yung kasama niya..

Teka, parang familiar to ah..

Tinignan ko pang mabuti hanggang makalapit sila sakin..

Tama! Nakita ko na to!

"Engineer, siya pala yung anak ni Mr. Litton.. Si Samantha Litton.."

"Hi, Deanna.. Ikaw pala yung engineer.."

Tama nga ako! Si Sam to..

"Hi, Sam.. Ikaw pala yung anak ni Mr. Litton.. Nice meeting you again.. Sa work naman hehe.."

"You know what, sakto.. Kasi may kasama ako ngayon eh, gusto mag vacation dito.."

"Oh? Sino naman? Tara at mag lunch muna tayo.."

"Wait, dapat nandito na yun eh, nag cr lang.." lumingon pa siya ulit sa likod..

And there... I saw a familiar face too.. A very familiar face..

Papalapit na siya samin. Hirap na hirap pa siya maglakad dito.. Di pa kasi patag yung lupa dito sa site..

"Deanna???! Oh my god! You're here! I miss you so bad!" sinalubong niya agad ako ng yakap pag kakita sakin..

"Hey, hey, Mich.. Pawis ako hehe.. Bitiw na.." tinanggal ko na ang mga kamay niya sakin..

Si Sam nakatingin lang saming dalawa pati yung architect namin..

"Don't you miss me? Buti na lang pala sumama ako kay Sam dito, I'm having a long vacation here eh.. Ikaw ba?"

"She's the engineer here, Mich.. Siya may hawak ng project na to.." si Sam na ang sumagot..

"Wow, Deanna! You're really back sa work mo ah.. Anyway, let's have lunch.. Namiss kita, Deanna.. Bigla ka na lang umalis ng LA. Di ka man lang nag paalam non.."

"Naku, mahabang kwento.. Pero tara, lunch tayo.. Nagpabili ako ng lunch natin.. Tara sa office namin.." naglakad na kami papunta sa office.

Si Mich hirap na hirap maglakad kaya kumapit na siya sakin para maalalayan ko.

Pano ba naman sa site ang punta pero naka heels.. Si Sam parang sanay na sanay na sa ganito eh..

Pag pasok namin sa loob ng office, palabas naman yung foreman namin.

"Engineer, nasa table niyo na yung mga pagkain.."

"Salamat, kuya. Sige lalabas din ako after namin dito. Kayo muna bahala. Pag may problema nandito lang ako.

"Sige po.."

Pinaupo ko na si Sam at Mich sa upuan sa harap ng table ko.. Nilabas ko na isa isa yung mga pagkain..

Ang dami palang inorder na food.. Tatlo lang naman kami.. Isang bucket ng chicken, 5 rice, pasta at softdrinks..

Bigay ko na lang sa mga workers pag may sobra, sayang eh. Ganito naman kami sa site, pagkain ng isa, pagkain ng lahat. Di pwedeng maarte sa pagkain..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon