9

4.1K 148 23
                                    

J

Hindi na ko nakatulog after ng nakita kong nangyari kay Deanna nung magising siya kaninang madaling araw.

Binantayan ko na lang siya hanggang lumiwanag. Si Maddie naman, nang masiguro niyang tulog na si Deanna, bumalik na ulit sa dun sa couch na tinulugan niya.

Pinapatulog na nga niya ko ulit non eh, para bang sanay na siya sa mga nangyari kanina. Pero ako, hindi, sinusubukan ko pa din i-absorb lahat ng nangyari.

Kanina ko lang nakitang umiyak na parang bata si Deanna, bata na kailangan agad ng yakap ng nanay niya.

Yung para siyang bata na nanaginip ng nakakatakot na kailangan mong patahanin at i-assure sa kanya na walang monster ganon, na walang mananakit sa kanya.

Para siyang bata na nadapa tapos nasugatan sa tuhod na takot na takot sa dugo, yung parang tinakot siya na may lalabas na tren o pari sa sugat niya, na pag di nilagyan ng alcohol yun, di na gagaling yung sugat niya. Kaya no choice siya kundi tiisin yung hapdi ng alcohol para gumaling.

Tang ina... Ngayon lang nag sink in lahat sakin.. Hindi madali yung pinagdadaanan ni Deanna. Ang laki pala talaga ng sugat na naiwan sa kanya ng mga pinagdaanan niya noon.

Parang lahat nagsama sama na. Sabay sabay na niyang nararamdaman lahat. All in one...

Gusto ko malaman kung ano ano yun. Kung ano ano yung mga bagay na naging dahilan para magka ganyan siya. Para iiwasan ko, para alam ko paano siya tutulungan at paano siya iintindihin. Para maihahanda ko yung sarili ko.

Gusto ko siyang tulungan.. Kaya nandito ako sa office ni Dr. Alvarez ngayon, yung head ng Psychiatry department namin dito sa hospital. Gusto ko maintindihan lahat.

"Dr. Alvarez, hindi po ako expert sa utak. Pero tulungan niyo po ako maintindihan siya, doc. Ituro niyo po sakin yung mga dapat kong gawin."

"Iha, ganito kasi yan. Malalim yung dahilan bakit ganun siya. Alam mo yung takot niya? Hindi yun parang takot lang sa injection, na pag wala na yung injection sa harap mo, o pag pumikit ka habang tinutusok ka ng karayom eh nababawasan o nawawala yung takot mo. Kay Deanna hindi, mas lalo niyang nararamdaman yung takot na yun pag nakapikit siya, pag tulog siya, parang totoo ulit lahat. Paulit ulit yun sa isip niya."

"Ano pong dapat kong gawin, doc? Ayoko pong tignan na lang siyang nagkakaganun na wala man lang akong magawa para mapakalma man lang siya."

"Ang kailangan niya ngayon ay assurance na nandyan lang kayo para sakanya, na hindi niyo siya iiwan."

"Yun naman po ang ginagawa ko ngayon, doc."

"Dadating yung mga gabing hindi ang mga yakap mo ang hahanapin niya, hindi ang mga salita mo ang kakailanganin niyang marinig at hindi ang pangalan mo ang tatawagin niya. Iha, normal yun. Wala ka ng mga panahon na pinagdadaanan niya ang lahat ng yun. Hayaan mong ang mga taong tumulong at sumuporta sa kanya noon ang gumawa nyan sa kanya ngayon."

"Sinasabi niyo po ba doc na wala akong magagawa para tulungan siya?"

"Ang sinasabi ko, huwag mong hayaang mangyari ulit sa kanya yung mga kinatatakutan niya. Yun ang maitutulong mo sa kanya."

"I see doc. I understand."

"Tandaan mo yung sinabi ko, huwag mong gagawin yung mga nangyari noon."

"Tatandaan ko po, doc. Maraming salamat po sa oras. Mauuna na po ako."

Tumango lang siya at lumabas na agad ako ng office niya.

Pag pasok ko sa room ni Deanna, gising na siya..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon