25

3.9K 132 46
                                    

D

"Baby.. Baby, gising ka muna saglit.."

Nagising ako sa mga tapik ni Jema sa balikat ko..

Ang sakit pa din ng ulo ko...

"Babyyy, bakit?" ang hirap dumilat.. Ang sama talaga ng pakiramdam ko..

"Kain ka muna saglit, nag order ako ng food and soup.. Para makainom ka ng gamot."

Tinulungan na niya ko umupo sa kama.. Grabe ang sakit ng katawan ko...

Nilagay na niya yung pagkain sa gilid ng bed at saka ako sinubuan.. Di ko malunok yung solid food, parang lahat masakit sakin..

"Jema, ayoko na... Di ko malunok ng maayos.."

"Baby, sige na konti lang, para may laman yung tyan  mo."

"Ayoko na talaga, nasusuka lang ako.."

"Eto na lang, soup baby, please..."

Mas okay tong soup kaysa yung rice kanina..

"Baby, ayoko na talaga..."

"Sige, baby, inumin mo na tong gamot.."

May inabot siya sakin na gamot.. Tinignan ko muna to.. Binigyan niya ko ng Ibuprofen..

"Baby, why? Something wrong, Deanna?"

"Jema, allergic ako dito..."

"Ha, baby? Kailan pa?"

"Matagal na, baby, bata pa ko.."

Kinuha niya sakin yung gamot..

"I'm sorry, baby, I thought pwede sayo, wait kukunin ko lang medicine kit ko, may Tylenol ako dun.."

"Baby, wag na, meron ako dito.."

Binuksan ko na yung drawer ng side table at kinuha yung med kit ko..

Tinitignan lang ako ni Jema..

"Baby, okay ka lang?" tanong ko sakanya.

"I'm sorry, baby, pati allergies mo hindi ko alam. Doctor ako pero ikaw di ko maalagaan."

"Its okay, baby.. I'm sure nakalimutan mo lang.. Sinabi ko kaya yung mga allergies ko before mo gawin yung surgery sa binti ko.." hinila ko na siya para yakapin..

Pero bigla siyang umiyak habang yakap ko siya.

"Deanna, I'm sorry.. Sinasayang ko na naman yung chance ko sayo.. Napapabayaan na naman kita. Mas nabibigyan ko na naman ng oras tong gusto ko kaysa sayo.."

"Shhhhhh, Jema... Naiintindihan kita.. Nandito lang ako lagi, susuportahan kita, tulad ng dati.. Hindi ka naman na aalis di ba?"

"Baby, wag mo ko iiwan.. Ayoko na mangyari yung dati. Deanna, babawi ako.. Please, wag ka na mawala sakin. Hinding hindi kita iiwan, Deanna."

"Jema, tama na, wag ka na umiyak.. Hindi ako mawawala. Di kita iiwan.. Mahal na mahal kita.."

"Mahal na mahal din kita, Deanna."

Bumitiw na ko sa yakap.. Tinignan ko siya.. Pinunasan ko ng mga kamay ko ang mga luha niya.

Si Jema talaga sobrang nag aalala. Hindi ko naman siya iiwan. Alam ko naman kung gaano niya pinaghirapan yung narating niya ngayon. Kaya susuportahan ko lang siya sa lahat ng plano niya.

"Baby, tama na ah.. Ha? Wag mo na isipin yang iiwan kita o mawawala ako."

"Okay, baby.. Basta babawi ako sayo.."

Ayan, kumalma na siya..

"Okay, sige, baby, babawi ka.. Hehe kahit di naman kailangan. Niyaya ko si Mafe pala, labas tayo bukas."

"Nabanggit nga niya kanina. Kapag okay ka na bukas sige labas tayo, pahinga ka na muna, baby. Dito lang ako, bantayan kita."

"Tabihan mo ko, baby, please.."

"Okay, baby.. Ayos ka higa."

Humiga na ko at tumabi siya sakin.. Niyakap niya ko..

"Good night, baby, I love you. Get well soon please."

"Good night din baby, I love you more. Gagaling na ko, nandito na yung doctor ko eh.."

Pumikit na ko.. Kailangan ko ng pahinga para gumaling na..

Maya maya, nagsalita bigla si Jema.

"Baby, tulog ka na?" dinig kong tanong ni Jema. Nakayakap lang siya sakin.

"Yes, baby, why?"

"Anong ginawa mo kahapon, biglaan ka kasing nilagnat eh."

"Wala naman baby, sa office lang, tas yung dinalhan kita ng lunch and dinner sa hospital kaso di mo nabasa message ko."

"I'm sorry ulit dun, baby ah.."

"Shhhh, baby. Tama na sorry. Okay na.. Baka dahil naambunan ako kagabi.. Umaambon kasi nung nagdecide na ko umalis kagabi sa hospital.."

Niyakap niya ko lalo..

"Trangkaso nga yan, baby.. Grabe, ang sama ko, wala akong kaalam alam man lang na inaantay mo pala ako."

"Sleep na tayo, baby.. Di ka masama, okay. Love kaya kita.. I love you, Jema.. Good night." niyakap ko na din siya..

"I love you too, Deanna!"

Closing TimeWhere stories live. Discover now