16

4K 128 32
                                    

J

Ang bilis ng healing process ni Deanna, after 3 weeks healed and well na yung binti nya. Yung tipong parang di dumaan sa surgery, sinunod talaga niya lahat ng sinasabi ko. Makikita mo na lang na bakas sa binti niya eh yung stitches from the surgery..

Its been 4 months na since she started her therapy with me.. Nakakalakad na siya.. But, I told her to keep her leg brace.. Para may support pa din yung binti niya.

She's also back to her work.. Binilinan ko lang siya na wag masyado i-stress yung binti niya. Kasi di pa yun totally healed. Okay naman siya mag drive kasi automatic naman yung car niya...

Bumalik na din ako sa unit namin ni Mafe after 2 months of staying in Deanna's unit..

Nung mga unang week after niya lumabas sa hospital, lagi nga niyang tinatawag si Celine sa panaginip. Kinausap ko si Maddie about dun.. And she told me everything..

Dahil daw yun sa trauma niya sa pagkawala ni Celine.. Ganun din daw si Deanna non nung naaksidente siya site. Mas malala nga daw yun eh kesa sa ngayon.. Dahil daw non, halos gabi gabi kahit sa umaga nagwawala daw siya.

Dumaan naman na daw sa counseling si Deanna and she's well na, pero yun nga may mga bagay daw na pwedeng makapag trigger non, like this..

She had PTSD pala after Celine died.. Pero sabi ni Maddie, cleared na siya from her pyschiatrist non eh. Kailangan lang daw talaga ng support and proper management sa anxiety nya.

Then, dumating yung mga gabi na wala na. Hindi na niya tinatawag si Celine, yun yung panahon na nagagawa na niya makatayo at makalakad kahit hirap pa siya eh.

Nung ma-assure kong okay na talaga siya, dun na ko umuwi ulit sa unit ko.

Dapat babalik pa yung ate niya pero kinausap ni Deanna na wag na kasi kaya naman na niya. Nasabi na din ni Deanna sa parents niya na kami na ulit. Sabi daw ng parents niya, saka na daw sila mag usap pag umuwi si Deanna, isama daw ako.

Eh pero parang walang balak umuwi si Deanna anytime soon sa Cebu eh. She's back to her normal routine. Minsan na-mimiss na din niya yung appointment niya sakin para sa check up niya sa binti niya.

Ang bilis ng araw.. 1 week na lang, 6 months na since Deanna and I got back together. Never kami nag celebrate ng anything like 'monthsary' basta tanda ko lang yung araw na nagkabalikan kami.

"Hoooooy, ateeeee! Tulala?" letseng Mafe to kahit kailan..

"Walanghiya ka! Wag ka ngang mang gulat!"

"Kanina ka pa tulala! Kinakausap kita.. Di ka sumasagot."

"Ano ba yun?!"

"Bat ba ang sunget mo? Di ka naka score?"

"Bwiset ka talaga! Ano nga yun sabihin mo na?"

"Sabi ko, ayain mo si ate Deanna.. Beach tayo haha..."

"Wow, Mafe ah.. Maka aya wagas ah, di ka busy?"

"Pwede naman mag leave ah, saka pwedeng pwede yun si ate Deanna, sila naman may ari ng firm nila eh.. Hahaha."

"Sira ulo ka talaga, ginaya mo pa si Deanna sayo."

"Tara na ate! Ayain mo na. Di ba mag 6 months na kayo? Tara! Beach tayo.. Dun kayo mag celebrate.."

"Eh ano naman, saka bakit ka namin isasama aber?"

"Sus! Ayaw mo ko isama kasi gusto mo maka score! Lande! Bahala ka, sasabihan ko na si ate Deanna."

"Wag ka nga magulo, Mafe! Iistorbohin mo pa yung tao eh..."

"Eh di ikaw nga magsabi sige na ate, sayang yung binigay saking free accommodation ng client naman oh! Gamitin na natin please..."

"Oo na, sasabihin ko kay Deanna. Pero busy nga yun."

"Hahaha kaya ka siguro masunget! Di ka pinapansin ni ate Deanna hahahaa.."

"Umalis ka na nga! Nambbwiset ka lang eh.."

"Okaaaaay! Bye ate! Hahahaha..."

Bwiset na Mafe yun.. Aalis na lang nambbwiset pa..

Haaaay... Ano ba gagawin ko ngayon.. Nag leave ako today and tomorrow kasi sabi ni Deanna pupunta kaming Taal pero bigla siyang nag cancel. May urgent client call daw siya.. Haaaay...

----------

D

Its been 6 months since Jema and I got back together. Next week exactly 6 months ng kami.

Okay na yung binti ko. Ang bilis kong naka recover. Pero Jema told me to keep my brace and dont stress my leg too much. Sinusunod ko naman yun.

Pag balik ko sa work, sobrang naging busy ako. Hinarap ko agad lahat ng naiwan at pending kong trabaho. Grabe yung ibang clients inantay talaga ako bumalik para ako yung humawak mismo ng project. Kaya minsan namimiss ko na yung appointment ko kay Jema para sa check up ng binti ko.

Tapos today, dapat lalabas kami.. Kaso biglang may urgent client call ako. Di ko naman pwede idrop yun, malaking client namin yun eh.

Sayang naman, nag leave pa si Jema para sa labas sana namin..

Hmmmmm... Pano ba ko babawi... 🤔🤔🤔

Think, Deanna... Think...

Aha! Mafe! I need to call her! Yes!
.
.
.
.
.
After my client meeting, tinawagan ko na si Mafe. Sabi ko sakanya papuntahin si Jema sa Spiral sa Sofitel.. Dinner na lang kami and overnight na din. Hihihi.. Sayang dapat mag pupunta kaming Taal Yacht Club eh for hiking and sailing..

Sabi ko bahala na si Mafe magdahilan basta dapat naka ayos si Jema for our dinner date hihihi surprise, Jema! Hehe.. Binilin ko din sakanya na pag dalhin si Jema ng extra clothes for overnight and tomorrow.. Basta sabi ko siya na bahala. Madali naman kausap si Mafe..

See you later, babyyyy!

Closing TimeWhere stories live. Discover now