56

4K 168 43
                                    

J

Naging maayos ang pag uusap namin ni Deanna sa mga magulang ko.

Nagkapaliwanagan na sila Deanna at ang mga magulang ko..

Pati kay Mafe, okay na din.. May pagbabanta nga lang siya kay Deanna. Pero ayos na din yun, mahalaga okay na si Deanna ulit sa pamilya ko.

Ayaw na nga ni Deanna balikan yung project niya pero hindi ako pumayag.

Ayokong dahil sa personal issue namin eh pati ibang aspect ng buhay namin o ibang tao ay madadamay. Unprofessional yun at hindi kami ganon ni Deanna.

Deanna came up with an idea na every weekend uuwi siya sa Manila. Sabi ko hassle, kahit every month na lang or every 2 weeks. Pero ayaw niya. She won't take the risk again daw.

Hinayaan ko na si Deanna. Pag di ako busy, ako ang pupunta sa kanya. Give and take lang..

"Jema, how do you see yourself in the next 5 years?" napalingon ako kay Deanna.

Naglalakad kami ngayon dito sa tabing dagat.

Hindi na tinapos ni Deanna yung 1 week na hiningi niya kay Kim.

After namin makausap sila papa, 2 days after nag book na agad siya ng flight pabalik dito sa Cebu. She asked me to come with her, para mga magulang naman niya ang kakausapin namin.

Nagkaroon nga pala sila ng di pagkakaintindihan ng dad niya dahil sa mga nangyari saming dalawa.

Kaya pagdating namin kahapon, dumireto kami agad sa kanila. Kinausap namin ang parents niya kasama na din si ate Cy.

Nagkapaliwanagan na din kaming lahat. Nagka ayos na si Deanna at and dad niya.

And so far, okay naman ang lahat..

Pero teka, ano ba tong biglang tinanong ni Deanna sakin out of nowhere.. Ano na namang kayang trip nito?

"Baby, anong tanong yan? Job interview ba to? Hehe.." yumakap na ako sa braso niya..

Ang lamig na kasi ng hangin dito sa tabing dagat. Gabi na kasi.

Nag decide kami ni Deanna nag mag unwind muna kahit for 3 days and 2 nights lang dito sa beach after namin makausap ang parents niya.

Para pag balik namin sa work, nakapag relax naman kami. Ang dami kasing nangyari..

"Baby naman ehhh.. Sagutin mo na, please..." parang batang sagot ni Deanna.

Naku! Ang sarap halikan.. Nakapout na siya..

"Okay, sige na nga, baby ko.. Hmmm.. In 5 years, siguro nakapag travel na tayo non kung saan saan. Dream ko yun eh, to travel with you, baby.." pinisil pisil ko pa ang pisngi niya..

Naglalakad lakad pa din kami.. Nakakarelax kasi ang mood dito..

"Wow, baby! I like that too..." sagot niya.

"Eh ikaw ba, baby.. How do you see yourself in the next 5 years?" binalik ko ang tanong niya..

"I see myself waking up every morning beside you, Jema.. And every weekend, we will take our kids at the park, I will play with them on the grass while you prepare our little picnic area.."

Ano daw? Waking up beside me? Our kids?

Bigla siyang lumuhod sa harap ko... At hinawakan ang kamay ko.

Tekaaaaa... Ano to???

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

Tama ba iniisip ko?

Eto na ba yun???

"Jema, ang dami na nating pinagdaanan. Ilang beses tayong pinaghiwalay ng tadhana. Pero eto at bumabalik pa din tayo lagi sa isa't isa.. Mahal na mahal kita, Jema sobra.. Let me fulfill your dream, baby.. Let's travel together, forever, baby.."

Huminto siya saglit at may kinuha sa bulsa niya..

Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya.. Gulat na gulat pa din kasi ako..

Nilabas niya ang isang singsing.. Eto na ata talaga to..

"Baby, I love you! Make me the happiest person tonight, baby.. Will you marry me, Jema?"

So, this is all true.. Nag popropose nga siya sa akin..

Grabe! Ang tagal kong pinangarap at inantay na mangyari to.

Akala ko nga di na mangyayari to eh sa dami ng masasakit na pinagdaanan namin. Pero di kami natinag.. Mahal talaga namin ang isa't isa..

At hinding hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito na makasama si Deanna habang buhay..

"Deanna, I love you! I've waited for this for so long.. I wanna wake up beside you every morning.. Yes, Deanna! Yes! I will marry you, baby! I love you!" hinila ko na siya patayo at hinalikan sa labi..

Ang saya saya ng pakiramdam ko ngayon!

Isinuot na niya sakin ang singsing.. At saka hinalikan ang kamay ko na may singsing..

"Baby, bagay na bagay sayo yung ring.. You are now my beautiful fiance and soon to be wife!"

"I love you, Deanna! I love you my fiance! My soon to be hubby!" niyakap ko siya ng mahigpit.

Lahat ng sakit, lahat ng bigat at hirap worth it dahil kami at kami pa din ni Deanna sa dulo.

I can't wait to tell the good news to my family and friends..

We're finally engaged!

Wala ng makakaagaw sakin kay Deanna! Subukan lang nila.. Makikita nila ang hinahanap nila..

Wooohhh! Sa wakas! I'm a soon to be Mrs. Wong! Sarap sa pandinig! Nakakakilig yung 'Mrs. Wong'..

Closing TimeWhere stories live. Discover now