46

3.7K 144 24
                                    

J

"Hi, bes.. Sobrang busy? Di na tayo nakakapag usap. Kamusta ka naman?" bati ni Jia pag lapit sakin.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa loob ng hospital. Nag take muna ako ng break.. Nakakagutom, simula kaninang madaling araw pa ko naka duty.

"Eto pagod na pagod.. At medyo sad.."

"Bakit, bes? Anong nangyari?"

"Wala lang, bes.. Di ko pala nasabi sayo, umalis last month si Deanna. Na-assign siya sa isang project sa Cebu."

"Eh gaano naman siya katagal dun, bes?"

"1 year daw.. Ngayon palang namimiss ko na siya.."

"Ano ka ba, bes.. Eh di puntahan mo dun hehe.."

"Loka! Hindi ganon kadali sa trabaho natin yun.."

"Sabagay, oo nga pala.. Puntahan mo dun, bes pag pwede ka mag leave di ba?"

"Oo, bes. Pag pwede ulit. Alam mo namang mahirap satin kumuha ng off basta basta."

"I know, bes.. Ah, bes.. May sasabihin pala ako sayo.." nag aalangang sabi ni Jia.

"Ano yun?"

"Regarding pala dun sa nireklamo mo kay Dr. Vinzon, ni-lift na kasi yung suspension sa kanya. Next week balik training na ulit siya dito sa hospital."

Balik hospital na pala yung taong yun.. After ng nangyaring gulo sa kanila ni Deanna non dito, nag file agad ako ng complain sa kanya. Sinuspend agad siya ng board, i-investigate nila kung aalisin siya as trainee dito o ano.

Akala ko naalis na siya kasi almost 1 month na siyang wala dito. Di ko na din na kamusta yung complain ko. Naging busy na kasi ulit ako.

"Ah, ganon ba, bes.. Hayaan mo na. Ako na lang iiwas sa kanya.. Magkaiba naman kami ng department."

"Wag ka mag alala, Jema. Nandito ako.. Ako sasapak dun pag may ginawa na naman yung di maganda sayo."

"Hay, wag na natin siya pag usapan.. Ayoko ma stress sa kanya.."

"Oh siya, balik na ko sa emergency, Jema. Ikaw ba?" tumayo na si Jia.

"Dito muna ako.. Maya maya na ko babalik.."

"Sige, bes. Ingat ka.. Next time labas tayo ah.. Bye, Jema.." nag beso siya sakin at saka umalis.

Ang lungkot talaga ng buhay ko ngayon dito. Hospital-condo na lang buhay ko. Huling labas ko eh nung umuwi kami ng Laguna ni Mafe..
.
.
.
Flashback
Laguna

"Pa, ma, pwede ko ba kayo makausap?" nandito kami sa garden sa likod ng bahay.

Umupo na ko sa harap nila.

"Sige, ano yun, anak?" tanong ni mama.

Si papa tumango lang..

"May sasabihin po kasi ako sa inyo.. Dapat noon pa kaso di ako nakakauwi dito dahil sobrang busy sa work."

"Ano yun, Jema? Sabihin mo na." seryoso si papa. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Ano po kasi... Pa, ma.. Nagkabalikan na po kasi kami ulit ni Deanna.." ayan nasabi ko din..

Si papa nakatingin lang sakin.. Di ko mabasa yung reaction niya..

"Kailan pa anak?" tanong ni mama.

"Nung bumalik po siya from US, 4 months na po kaming nagkakabalikan.."

"Bakit di mo agad sinabi samin to, Jema?" eto na si papa na ang nagsalita.

Closing TimeWhere stories live. Discover now