52

3.7K 167 34
                                    

J

Pagkatapos ng huling tawag sa akin ni Deanna. Hindi na siya ulit tumawag. Kahit text man lang wala.

Hindi ko na din siya kinontact. Bahala siya.. Gawin niya ang gusto niyang gawin.

Di na ko magtataka kung uulit lang yung dati. Pagod na ko..

"Jema, wait.." napalingon ako sa likod ko..

Naglalakad na ko palabas ng hospital.. Si Matt pala yung tumawag sakin.

Eto na naman.. Haaaaay.. Ngayon nga pala ang resume niya.

"Jema, I'm sorry sa mga nagawa ko non. I'm really sorry."

"Sige na, Matt.. Forgiven but not forgotten."

"Friends again, Jema?"

"No, Matt.. Layuan na lang natin ang isa't isa para walang gulo."

"Ganon na lang yun, Jema? Di ko naman sinasadya yun.."

"Basta, yun ang gusto ko. Sige na. Uuwi na ako.." naglakad na ko palabas.

Di ko na nilingon si Matt. Bahala siya sa buhay niya. Isa pa siyang dagdag problema sakin eh.

Ayoko muna silang lahat isipin.. Gusto ko magpahinga muna.

Gusto ko na lang umuwi, kumain at matulog.. I had a very long day..

Naglakad na ko papunta sa parking.. Wala si Mafe, out of town na naman kaya ako ang may dala ng kotse ngayon.

Pagdating ko sa kotse.. Binuksan ko agad yung pinto sa backseat.. Nilagay ko agad yung gamit ko at sinara agad ito..

"Jema..."

Anong ginagawa niya dito?

Bakit ganito ang itsura nito?

Tinignan ko lang siya.. Di ako makapaniwala na nandito siya eh.

May hawak pa siyang bouquet na parang nalanta na..

Lumapit siya sakin at niyakap ako agad ng mahigpit..

"Jema! I'm sorry... I'm sorry, baby! Please forgive me, Jema..." umiiyak na siya..

Yung boses niya parang pagod na pagod..

Nasa Cebu to dapat ah? Bakit siya nandito?

"Deanna, anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa Cebu ka?" nakayakap pa din siya sakin..

"Jema, I can't lose you! Di ko mapapatawad sarili ko pag nawala ka ulit sakin. Jema, please wag mo ko iwan.. Please, Jemaaaa..."

Ano ba to? Bat ba iyak siya ng iyak..

"Deanna, sige na.. Wag ka na umiyak.." ako na ang bumitiw sa yakap niya..

Nasa gilid kami ng kotse ko.. Ngayon ko lang din napansin na kotse niya pala yung nakapark sa tabi ng kotse ko..

"Jema, mapapatawad mo pa ba ako?"

"Bakit? Ano bang ginawa mo, Deanna?"

"Jema, naniniwala ka pa rin bang mahal na mahal kita?"

"Kailan ba kita hindi pinaniwalaan?"

"Jema, I messed up. I did something na hindi ko naman sinasadya.."

"What did you do, Deanna?"

"Hindi ko sinasadya, Jema.. Pero---" niyakap niya ko ulit..

Umiiyak na naman siya.. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Gusto ko na lang malaman kung ano bang ginawa niya at nagkakaganito siya ngayon. Napabalik pa siya ng Manila.

"Jema, sorry talaga..." nilayo ko siya sakin..

Closing TimeWhere stories live. Discover now