45

4K 146 34
                                    

D

"Baby, sinabihan mo na ba mommy mo na ngayon ang flight mo pa Cebu?" tanong sakin ni Jema.

"Hindi, baby.. I'll surprise them.. Akala nila bukas pa eh hehe.."

Nandito na kami sa Terminal 3, hinatid ako ni Jema.. Tinanggap ko yung inoffer saking project sa Cebu. Ako kasi yung gusto talaga ng client na humawak ng project..

Big project din kasi un para sa firm namin. Sayang yung opportunity.. First time ko din kasi hahawak ng shopping center na project. Mostly high rise building ang project ko..

"Ikaw talaga, baby.. Sino susundo sayo dun pagdating mo?"

"Mag taxi na lang ako, baby.."

"Saan ka pala, mag sstay habang on going yung project, baby?"

"May provided na apartment para saming mga engineers, malapit sa site.. Pero dun ako uuwi sa amin, pag siguro need talaga mag overnight sa site dun ako sa apartment syempre."

"Ingat ka, baby.. Call me pag may time ka ah? And please, kumain ka on time.."

"Yes, I'll call and message you everytime, Jema.. Wag ka na mag alala.."

"Okay, baby.. Sige na pasok ka na sa loob para makapag check in ka na ng gamit mo."

"All right, baby.. Ingat ka dito ah? Update me everytime. I love you, Jema... I miss you already." niyakap ko na si Jema..

Need ko na pumasok sa loob malapit na ang boarding time ko..

"I love you more, Deanna.. Mas miss kita! Sige na ingat ka dun.." bumitiw na ko sa yakap namin at hinalikan siya ng mabilis sa labi..

"Take care here, baby.. I love you.. Bye." naglakad na ko papasok..

Nilingon ko pa ulit si Jema bago ako tuluyang makapasok sa loob..

Haaay.. Magkalayo na naman kami.. Pero okay lang kaya namin to. Para naman saming dalawa to eh..

Pag tapos ng project na to, good to go na ko.. Mag popropose na talaga ako kay Jema..

Kahit isang taon pa kong mag lie-low sa work kayang kaya kong mag provide sa family na bubuuin naming dalawa..

1 more year, Deanna.. Kaya mo yan, kayo niyo yan..

Isang taon na lang kumpara sa dami ng taon na inantay naming dalawa ni Jema.
.
.
.
.
.
----------

J

"Oh, ate Jema.. Walang duty? Aga umuwi ah.." nadatnan ko si Mafe sa unit pag uwi ko galing airport.

"Meron.. Kelan ba nawalan ng duty ang department head?"

"Eh bakit nandito ka?"

"Nasa-sad ako.. Di ako sanay wala si Deanna.."

"Shopping na lang tayo, ate.. Tapos nuod tayo movie hehe.."

"Mukhang good idea yan.. Sige tara!"

Haaayyyy... Nalulungkot ako, walang pupuntang Deanna sakin sa hospital.

2 weeks after i-offer sa kanya yung project sa Cebu, tinanggap niya na to..

Hindi siya nakapag decide agad dahil ayaw niya kong iwan dito. Sabi ko tanggapin na niya, para naman sa kanya yun.. Saka para makauwi din siya sa kanila.
.
.
.
.
Naglalakad na kami ni Mafe dito sa loob ng mall. Wala talaga ako sa mood pumasok ngayon.

"Ate, nag message si mama sakin.. Kailan daw tayo uuwi ng Laguna.."

"Oo nga, sakin din nag message siya.."

"So, anong plano natin?"

"Uwi tayo bukas?"

"Bukas talaga, te? Di ka busy?"

"Busy syempre, mag leave ako malamang.. Papayagan ako for sure. Di naman ako nag leleave eh.."

"Sige, tara bukas.. Paalam na lang din ako sa work. Tagal na natin di umuuwi eh.."

"Oo nga eh. Sasabihin ko pa kina mama at papa yung sa amin ni Deanna.."

"Naku, ate.. Oo nga pala.. Yari kay papa yang jowa mo! Bat kasi pinaalis mo na agad? Di pa nakakausap nila papa.. Kailan ba balik non?"

"Eh alam mo namang busy kami pareho. Biglaan kaya yung project niya sa Cebu. Naku, 8 to 12 months yung duration ng project niya dun.."

"Shemay, ate! Asa yung 12 months, may delays pa yun.. Pano na yan? Ikaw lang haharap kay papa?"

"Parang ganon na nga.. Bahala na. Ieexplain ko na lang ng maayos.."

"Knowing si papa.. Naku.. Good luck sayo ate!"

"Nanakot ka pa.. Bilhan na lang natin sila ng pasalubong. Tara na.."
.
.
.
.
.
----------

D

Nandito na ako sa taxi papunta sa bahay namin dito sa Cebu. Isusurprise ko sila mommy. Ang alam nila bukas pa ang dating ko..

Medyo delayed yung flight ko kanina.. Lunch time na ngayon. Grabe nakakagutom..

Sobrang excited na ko makita sila mommy. Ang tagal ko ng di nakakauwi..

Pag dating ko sa tapat ng gate namin, dumiretso na ako sa loob ng bahay..

Naririnig kong may tao sa dining hall..

Hmmmmm... Smells good here! Lalo akong nagutom!

"I'm home everyone!" bati ko sa kanila.

Sabay sabay silang lumingon at tumakbo papunta sakin..

"Deanna, you told me anak tomorrow pa ang dating mo?" tanong sakin ni mom. Niyakap yakap niya ko..

"Yeah, and now you're here na, anak.. Is this a surprise?" dad asked..

"Grrrr, Deanna! Kainis kaaaaa... We're not prepared! Hindi man lang kita nasundo sa airport." ate Cy..

"Relax, fam.. I planned to surprise you talaga.. And I'm starving na talaga.."

"Okay, kid.. Let's eat na.. Sabayan mo kami.." niyaya na ako ni dad umupo..

Sabay sabay kaming nag lunch, buti na lang madami silang naprepare na food for lunch..

Si mommy sobrang miss na miss ako, halos lahat ng food nilagay niya sa plate ko. Tapos tanong siya ng tanong kung gusto ko pa..

Si ate Cy naman, gusto pa mag prepare ng food for me, sabi ko okay na yung na prepare nila.. Todo kamusta siya sakin..

And dad, ang dami niyang kwento. Kinamusta niya din yung work ko at yung mga nangyari sakin sa LA nung bumalik ako dun..

Sobrang namiss ko sila, ang tagal kong di nakauwi dito.. At may kailangan din pala akong sabihin sakanila.. Yung tungkol sa amin ni Jema..

Pero madali lang naman yun, okay naman sa kanila si Jema eh.. Sila pa nga nag sabi sa akin non na ayusin ko agad ang sarili ko pag balik ko ng LA, para makausap ko na agad si Jema pag okay na ko..

Pero madami akong di nasabi sa family ko sa mga nangyari sakin sa LA non..  I'll find way to tell them everything soon.

This is it, my first day in Cebu. Tomorrow, I need to report na sa site namin. Ineexpect daw ako ng may ari bukas..

Tututukan daw ng owner yung project eh. So, kailangan ko talagang mag trabaho ng mabuti at dapat tutok din ako sa site. Lalo na sa first phase ng construction..

Haaaayyyy... Ngayon palang namimiss ko na si Jema.. Pero para samin ni Jema, kakayanin ko to..

Closing TimeWhere stories live. Discover now