42

4.3K 163 36
                                    

J

Its been 3 months na since Deanna started courting me again.

Sa totoo lang, hindi naman na niya kailangan gawin yun.  Kasi simula noon hanggang ngayon may tiwala ako sa pagmamahal namin sa isa't isa.

Sinabi ko lang naman na manligaw siya para makilala namin ulit ang isa't isa, para hindi na kami magkamali ulit.

Hindi ko naman na siya kailangang pahirapan pa sa panliligaw kasi ilang beses naman na niyang napatunayan sakin na mahal na mahal niya ko.. Hindi pa lang talaga para sa amin yung pagkakataon na yun kaya hindi nagwork noon..

So far, very consistent naman si Deanna, which is hindi na bago sa kanya.. Sobrang ma effort at maalalahanin.

Kahit busy siya, gumagawa siya ng paraan para makasama ako o pag nasa malayo siya hahanap talaga siya ng oras para makausap ako..

Lahat ng sinasabi niya hindi lang hanggang salita, pinapakita at pinaparamdam niya lahat sakin yun..

And as for me, kung anong effort sa akin ni Deanna, ginagawa ko ang buong makakaya ko na iparamdam din sa kanya na gustung gusto ko talaga na mag work yung relationship namin..

Ang gusto ko talaga kay Deanna kahit noon pa ay ang pagiging understanding niya. In return, ipinapakita ko sa kanya na na-aappreciate ko lahat yun..

I find and make time for her. This time I want to live the life I wanted, at yun ay ang makasama ang taong mahal ko.. Bagay na hindi binigay samin ng panahon noon..

At ngayon, anuman ang mangyari, di na talaga ako papayag na mawala pa ulit tong pagkakataon na to para samin..

And today, Deanna and I decided to escape the city.. Nandito kami ngayon sa Tagaytay..

Since its Saturday, nag decide kami na mag drive papunta dito imbes na mag mall ulit kami. We need some fresh air, lalo na si Deanna.

Halos araw araw nasa construction site siya, puro alikabok ang nalalanghap niya dun. Madalas nga siyang magka ubo o sipon dahil dun..

"We're here Jema!" nakapagpark na kami sa tapat ng isang restaurant..

"Let's go! I'm hungry na Deanna.. And excited to see the view of Taal Lake.."

Dito kasi kami sa isang restaurant na overlooking sa Taal pumunta.. Masarap daw yung food dito eh lalo na yung bulalo.. Hmmmmmm...

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa restaurant. Inassist kami ng isang crew sa table na kitang kita ang Taal Lake.

Very relaxing talaga, view palang.. Namiss ko yung ganitong biglaang long drive to escape the city..

Magkaharap kami ni Deanna..

"Jema, what do you like? Ako, I want bulalo, kare-kare and you hehe. How about you?" kumindat pa siya sakin..

Eto na naman po ang mga banat niya..

"Hmmmmm I like that too and I like you too hihihi, add na lang tayo ng squid and binagoongan.. And buko juice.."

Kala mo ah, Deanna.. Gantihan ng pakilig lang hehe..

Kinuha na ng waitress ang order namin at saka umalis..

"Jema, how's your work pala?"

"Okay naman, laging busy alam mo naman sa hospital."

"Kumakain ka ba sa tamang oras? Parang pumapayat ka eh.."

Well, ang hirap talaga isingit ng meals in between duty..

Closing TimeWhere stories live. Discover now