55

4.1K 162 15
                                    

D

"Jema, kinakabahan talaga ako.."

"Baby, wag kang kabahan, okay? Gusto ka lang makausap ni papa.. I'm here lang naman.. Di kita iiwan dun.."

We're on our way to Laguna.. Pupuntahan namin ang parents ni Jema. Gusto daw ako makausap ng papa niya.

Matagal na pala akong gusto makausap ng papa niya. Pero ngayon lang nasabi sakin ni Jema. Ayaw niya daw ako madistract sa trabaho ko sa Cebu.

About naman sa project ko sa Cebu.. Pinilit ko si Kim na palitan muna ako dun.. Humingi talaga ako ng 1 week sa kanya para maayos ko muna lahat dito..

Sangkatutak na sermon inabot ko kay Kim pero pinaliwanag ko lahat sa kanya. Sa huli pumayag din siya pero 1 week lang. Madami din kasi siyang mga project.

Nakausap ko na din si Sam. Sinabi ko lahat ng nangyari sa kanya and she's very understanding naman.. Siya na daw ang kakausap kay Mich..

Sa kapatid naman ni Jema, si Mafe.. Ayun pag harap ko sa kanya kahapon sa condo nila ni Jema pinagsasampal muna ako bago ako nakapagpaliwanag..

Naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang reaction ni Mafe eh. Protective lang siya sa ate niya.

Napatawad naman ako ni Mafe after ko mag explain pero ang sabi niya last chance ko na to. Pag inulit ko pa daw, magtago tago na ko..

Nalaman pala ni Jema na lasing na lasing ako non dahil sa kawork ni Mafe na high school batchmate pala ni Mich..

Hindi ko alam na pinag popost pala ni Mich yung mga pictures namin. Hindi ko naman na kasi inoopen yung mga social media accounts ko.

Pero wala naman akong intention itago kay Jema lahat yun, kaya nga inamin ko lahat sa kanya eh..

I won't be drinking again kung hindi ko kasama si Jema. Napapahamak ako! Letseng alak yan!

Nakausap ko na din si ate Cy at sinabi kong okay na kami ni Jema. Si mommy at dad daw kakausapin na lang ako pag balik ko ng Cebu..

Nandito na kami sa loob ng village nila Jema.. Kinakabahan na talaga ako. Namamawis na yung kamay ko sa steering wheel..

"Baby, please relax.. Di ka susuntukin ni papa promise.." pagpapakalma ni Jema sakin..

"Dapat lang, baby.. Ang sakit kaya ng sapak mo sakin.. Sana wag na madagdagan pa ng papa mo.."

Grabe ang sakit talaga ng sapak ni Jema sakin non.. Medyo masakit pa nga yung gilid ng ilong ko eh..

Nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay nila. Lumabas na yung mama niya para buksan yung gate para makapagpark kami sa loob.

Nasaan na kaya yung papa ni Jema? Siya yung laging nagbubukas ng gate eh.

Di kaya naghahanda na yun ng pang sapak sakin? O ano ba?

Lalo akong kinabahan eh.. Di kasi siya ang sumalubong samin..

Pag park ko sa loob, bumaba na agad kami ni Jema. May dala pa kaming cake at dalawang box ng doughnut. Dadating din daw mamayang hapon o gabi si Mafe dito.

Pagtutulungan na ba ko ng mga Galanza na to? Nag leave pa talaga si Mafe para makauwi dito. Si Jema din nagpaalam sa work niya eh..

"Lika na, Jema, Deanna sa loob.. Nag aantay dun ang papa niyo.. Nakapag luto na din ako ng tanghalian natin.." nakangiting bungad samin ng mama ni Jema..

Buti pa to si tita ang good vibes lang eh..

Sumunod lang kami ni Jema sa kanya.

"Ma, nasaan si papa?" tanong ni Jema.

Closing TimeWhere stories live. Discover now